22

1.6K 15 0
                                    

     Mula sa likod ay niyakap ni Zacheo ang asawa. Malayo ang tanaw nito sa veranda ng kanilang kwarto. Kanina niya pa ito pinagmamasdang mabuti. The wind blows her hair softly. Napakaganda nito sa suot nito kahit naka daster lang. Her skin tone matches the purple dress she's wearing right now.

   "What are you thinking, hmm?"

Malambing na tanong ni Zeo sa asawa. Alam niyang may iniisip ito, from the way it looks outside. Bumuntong- hininga si Sabrina bago lingunin si Zeo. Her eyes is asking.

    "I'm just curious." Giit niya.

Humigpit naman ang yakap ng binata sa kanya.

    "Curious about what?" He asked.

Dahan-dahang  lumingon si Sabrina sa kanya. Bumitaw ito sa yakap niya saka sya hinarap para sagutin.

    "Ang dami ng nangyari Zeo na nakakapagpa-isip sa akin lagi. Sumasakit na yung ulo ko. Hindi ko maintindihan."

Nag-aalala naman ang binata kaya hinaplos nito ang noo ng asawa.

    "Your sick?" Tanong niya rito.

    "It's not what i mean."

    "Ano ba yun wifey?" Muling tumalikod ang dalaga at tumingin sa malayo.

    "Hindi kaya may kambal ako?" Tanong niya. Ngunit suminghap lang si Zacheo at niyakap uli sya.
  
"Stop thinking like that Sabby! Dahil ba sa mga sinasabi nila sayo na may kamukha ka?" Tumango si Sabrina.

"I know who they're referring to but matagal ng patay yun. Yes, magkamukha kayo pero hindi ang pagkakakilanlan niyo." Paliwanag niya rito. Narinig niya ang pag singhap nito saka uli bumaling ang atensyon sa kanya. Her hands scope his face gently saka hinalikan ang labi ng asawa.

    "Thank you hubby kasi nandito ka palagi sakin. You know how much I love you!" Ngumiti ang binata. Ngayon ay nawala ang kaba niya sa dibdib. Hindi pa dapat maalala ni Sabrina ang lahat. Lalo pa't hindi pa niya naisasakatuparan lahat ng plano niya. Sisiguraduhin niyang lahat ng meron kay Lucas ay mapupunta sa kanya. Even if it takes milestone to achieve.

    "I love you too baby." Unti-unti niyang inilapit ang mga labi nila sa isa't -isa. Their lips meet each other. It was just a smack kiss but for Sabrina it was the best kiss she always want from his husband. Since nagka malay siya. Zacheo is always there for her. Kahit na hindi niya na maalala lahat ng pinagsamahan nila but Zeo always taught her na magpahinga at wag mag isip ng kung ano-ano na makakasama sa baby nila.

    "Mabuti pa matulog kana. Hindi maganda para sa baby natin yang mga iniisip mo. Kaya napupuyat ka eh."

Inalalayan niya ang asawa patungo sa kama nila. Dahan-dahan niya itong inihiga saka kinumutan. Umikot siya papunta sa kabilang side ng kama at tinabihan ang asawa. Nakatagilid ito sa kanya. He slowly put his right hand through her waist to hug her.

    Sa kabilang banda, Lucas is watching some love scene of two people sleeping. It was Sabrina and Zacheo. Yes, nanunuod sya sa dalawa. May nilagay lang naman syang camera sa isang stuff toy na nasa cabinet ng room nina Zeo at Sab. Hindi naman sa nakiki-alam sya sa private life ng dalawa but he's just assuring kung wala bang kakaiba sa mga ito. Ayaw parin niyang maniwala na si Sabrina ay hindi si Vivien. Malakas ang kutob niya na plinano ang lahat.

    "Hindi nga ba talaga ikaw si Vivien o nagkukunwari ka lang na hindi kami kilala lahat para malayo mo sakin ang anak ko." Tanong niya sa sarili. Inutusan niya na ang private detective niya para kunin ang impormasyon ni Sabrina. Hinding-hindi sya mapapakali hanggat hindi niya nalalaman ang totoo. Lalo pa't maraming oras at  malaking pera narin ang nagugol niya sa paghahanap sa nawawala niyang kasintahan.

   

"Anong ginagawa mo?" Gulat na nilingon  ni Sabrina ang boses na narinig niya sa likuran niya. Si Lucas pala ito. Nakatingin ito sa kanya ng seryoso.

"Ah, nagdidilig ako ng halaman." Aniya.

Niluwangan nito ang suot na neck tie. Napansin ng dalaga na naka business suit ito. Tutungo na siguro ito sa trabaho.

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan. Hindi mo naman yan trabaho!"

Nailang siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Ibang-iba ito kay Zacheo.

  "Wala kasi akong ibang magawa, kaya ako nalang." Tumango lang ang binata at umalis. Sinulyapan niya ito. Naamoy niya kasi ang pabango nito. Pamilyar iyon sa kanya.

  "Gwapo sana kaso napaka seryoso. Sabi ni Zeo nakakatanda raw pag ganun!"

Napa-iling nalang sya. Nagiging pakialamera na yata sya sa buhay ng iba. 'hindi maganda to!

Charlotte is making her way up papunta sa office ni Lucas. She wants to surprise him by making herself gorgeous tonight. Gusto niyang makipag date rito. Nasa harap na siya ng elevator ngayon ng bumukas ito, someone also step in with her. Hindi niya ito napansin dahil busy siya sa kakalikot ng cellphone niya. Marami na syang naging text kay Lucas but it seems hindi sya nito nirereplayan. ' What's the matter with him! Is he busy?.

  "Poor Charlotte, I think Lucas is not attracted to you anymore."

  Nagulat si Charlotte sa narinig. When she turned to see who is it, she found out na si Zacheo pala ito. Umirap siya sa kawalan at sinagot ang binata.

   "At sino ka para kausapin ako ng ganyan. You have no rights to talk to me unless we're close!" Giit niya. Zeo chuckle.

   " Hindi ba halata? He isn't replying to your text anymore!"

   "So what? Busy lang sya kaya ganun! Don't make any fake statement about what you see. Lalaki mong tao naninilip ka ng conversation ng iba!" Nakabusangot niyang singhal rito. Natawa ang binata sa reaksyon nito. Hindi parin ito nagbabago, maldita parin at napaka arte. She don't even remember him. Sa laki ba naman ng pinagbago niya.

   "Baka naman he was in the middle of making some girls moan his name right now!" Doon ay parang nag iba ang timpla ng mukha nito. Lumingon ito sa kanya.

   "Excuse me? Hindi ganun si Lucas!"

   "Talaga ba? Hindi ba nagawa ka niyang ipalit sa una niyang kasintahan just to fulfill his needs? Anong tawag mo dun?"

Nagtaka si Charlotte.

   "Saan mo nalaman yan?" Tanong niya rito.

   "Im his brother remember?" Charlotte fake a smile. Oo, may punto ito but they love each other kaya nagawang iwan ni Lucas ang dating nobya nito.

   "Shut up please!" Giit niya. Timing naman at bumukas na ang elevator. She quickly run outside saka dumiretso sa office ni Lucas. That Zacheo is a sh*t!

Pagka pasok ay nakita niya agad si Lucas sa table nito. May pinipirmahan lang na kung ano. Hindi na nga ito nag abalang tingnan sya.

  "Babe!" Aniya rito. Lumingon ito sa kanya pero binalik din agad ang tingin sa pinipirmahan nito. She rolled her eyes. Hindi ba nito napansin ang suot niya?

  "Dinner tayo babe. I miss having date with you. Lately, napapansin kong napaka busy mo. So, I am giving you the favor." Sumimangot sya ng hindi sya nito pansinin.

  "Seriously? Mas uunahin mo pa yan kesa sakin?" Inis na inis na sya ngayon. Napakamot naman sa ulo si Lucas. Ang kulit ng babaeng to!

  "Don't you see I'm busy?" He asked coldly.
  "Alam ko pero hindi mo ba ako pagbibigyan? Ilang pera ang nagastos ko ngayon!"

  "Sino may sabing gumastos ka? Then okay babayaran kita!" Aniya. Kinuha ni lucas ang wallet nito saka naglabas ng pera. Hindi naman makapaniwala si Charlotte. Hindi sya maintindihan ng lalaki.

  "What I am trying to say is stop what you're doing at samahan moko!"

  "Shut the f*ck up!" Nagulat si Charlotte ng bigla itong tumayo at sigawan siya. Galit na galit itong nakatingin sa kanya ngayon.

  "Umalis ka sa office ko ngayon na or else!"

Pagbabanta ni Lucas. Dali-dali namang umalis si Charlotte. Alam niya kasi kung paano ito magalit. Halos mangiyak-ngiyak sya dahil sa ginawa ng binata. She even shouted every people she encounter in the pathway.

Carrying the Child of that Heartless CEO (series #1)Where stories live. Discover now