I’m in pain.Unti unti akong lumulubog sa tubig at unti unti akong nauubusan ng hangin. Hindi ako gumalaw, hindi ako lumaban, hinayaan ko lang ang tubig na hilahin ako pababa, hinayaan ko lang ang bawat hangin na makawala sa bibig ko. Ang liwanag na nakikita ko kanina mula sa repleksyon ng araw na tumatama sa tubig ay unti unting nawala at napalitan ng unti unting kadiliman.
Naramdaman ko ang bigat at ang hapdi na nagmula sa pwersa ng tubig. Naramdaman ko ang mga koral ng tuluyan ng makarating ang katawan ko sa ilalim.
Napapikit ako at muling umasa, humiling at nakiusap na sana ay ito na ang huli kong paghinga.
Ngunit gaya ng dati wala pa ring nangyayari, buhay pa rin ako at patuloy na mararamdaman ang sakit na gusto kong takbuhan.
“Lisa, hanggang kailan ka ba magmumukmok dito?”
Sabi ng isang tinig, sa pagmulat ko ng mata isang babaeng nakasimangot ang nasa tabi ko. Hindi ko namalayan na inanod na ako sa tabing dagat at gaya ng dati ang alon ay inihahatid ako pabalik sa dalampasigan ng Canada.
“Calypso.” bangit ko sa pangalan nya.
"Ilang beses ko ba sasabihin sayong Somi! Tawagin mo akong Somi." Nauubusan ng pasensyang sabi nya at hinampas nya pa ako sa braso.
"Great Grand Ma." I said, emphasizing each words. "Bakit ba kailangan mo magpalit ng pangalan?"
She glare at me. "Ayoko na ng Calypso, feeling ko plastic."
"Hindi ko maintindihan ang rason mo." Sabi ko.
"Mas hindi kita maintindihan." Seryoso naman nyang sabi sakin.
"Anong hindi mo maintindihan?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko maintindihan kung bakit nandito ka? Bakit wala ka sa tabi nya? Bakit nagmumukmok ka dito? Bakit hinahayaan mo ang sarili kong malunod sa lungkot at sakit?" Sunod sunod na tanong nya sakin.
Natahimik ako at pumikit, muli ko nanamang naalala ang lahat. Muli ko nanaman syang naalala. Si Jennie Kim.
Nang malaman ko kung anong klase ng sumpa ang nakatadhana sa buong angkan ko natakot na ako. Nakita ko kung paanong umiyak, sumuko at nasaktan ang Lolo ko at ang Mom ko, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit paulit ulit nilang tinangap ang lahat.
Ang sabi ko sa sarili ko hindi ko hahayaan na mangyari yun sakin, hindi ako isang sira ulo na hahayaan ang isang pagibig na alam ko namang sa huli ay mawawala rin. Ito ang naging panuntunan ko sa buhay.
Kaya sa twing may makikilala ako at nakaramdam ako ng kakaiba ay agad akong nawawala, agad akong tumatakbo papalayo.
Yun din ang dahilan kaya hindi ako nagkaroon ng maraming kaibigan. Dahil lagimg kailangan kong lumayo.
Ang sabi ko nun di bale ng maging isa akong duwag, basta hindi ako nasasaktan, pero sa huli napagod din ako. Napagod akong tumakbo. Kaya natulog na lang ako at siniguro ko na walang kahit na sino ang makakalapit sakin.
Hindi ko inakala na sa pagmulat ng mata ko ay tila nagising ako sa isang bangungot. Unang beses ko pa lang nasilayan si Jennie alam ko na, sya ang taong sisira sa panuntunan ko.
Grabe ang naramdaman ko sa unang pagtatagpo pa lang ng mata namin. Para bang lahat ng pagmamahal na dapat kong maramdaman sa twing tinatakbuhan ko ang damdamin ko ay naipon para maibigay ko lahat kay Jennie.
Dun ko nalaman na nahulog na ako agad. Kaya sa unang pagkakataon sa buhay ko hinarap ko ang damdamin ko, sa unang pagkakataon pinili kong maging makasarili, sa unang pagkakataon tinangap ko ang sumpa.
BINABASA MO ANG
Aurora's Blessing (Calypso's Curse Sequel)
Fanfiction[Calypso's Curse Sequel] A curse that breaks her heart. A bond that was forgotten. Will their thread of fate interweave again?