BIANCA
Bianca..... napalingon kami ni Fatima sa kung sinong anak ng lupang tumawag sa kin.
Ano nanamang ginagawa ng kutong lupa na to dito. Mang aasar lang to maghapon eh.
Sana di na dumating si Kuya Leyson dahil pag magkasama na sila ubos ang pasensiya ko.
Baka makita nanaman niya si Yumi.
Sipain ko na ata to pauwi.
Ano na namang ginagawa mo dito ha kuya? Agad na tanong ko sa kanya.
Whoaaa nakakunot noo agad Biancakes, wala pa akong ginagawa oh.
Kaya nga wala pa pero naiinis na agad ako. Panira ka nanaman ng araw eh.
Hahaha bakit Bianca may ginawa nanaman ba si kuya? Si Fatimang chismosa.
Tssss
Bakit ka nga kasi nandito? Nag uumpisa ng umiksi ang pasensiya ko.
Maghahanap ng girlfriend bakit?
Tumaas yung kabilang gilid ng lips ko and tiningnan ko siya ng masama.
Of course not your girl, your girl is exempted. Baka may kaibigan siya pakilala mo naman ako.
No way.
Damot naman neto.
Fatima kaw nalang, pakilala mo ako.
Huwag ang Heart ko kuya okay.
Oh my girlfriend ka na Venice?
Meron na po, pero ako lang nakakaalam na girlfriend ko siya. Desisyon ako eh.
Gaano ba kaganda yan at di mo maligawan? Or suplada at di mo malapitan?
Mabait yun kuya masiyado lang maganda.
Ang sabihin mo duwag ka lang talaga........ yung tingin nila nakakainis na kaagad. Kagaya ko. Dugtong ko, potek na yan saakin din ang ending.
Di mo yun nililigawan Biancakes?
Who?
That pretty lady you're with the last time we met. Nakalimutan ko pangalan niya. Nagkamot pa siya ng ulo, ang dami mo kasing babae
Ah nope.
Bakit kung makabakod ka nung nagkita tayo sa Blanka's akala mo tatangayin ko siya.
Of course baka kasi idagdag mo siya sa listahan mo ng babae.
Hahaha baliw hindi naman ako basta basta magdadagdag sa listahan ko ng babae eh. And I saw how she's comfortable with you. Nagtataka lang ako kasi everytime na may dumidikit or nagpapapansin sa'yo kung di mo naman gusto basta mo nalang iniiwan.
Sino yun ha Biancakes? Bulong ni Fatima.
Yumi. Bulong ko din.
Ano pinagbubulungan niyo diyan.
Wala, umuwi ka na nga.
Ang sama mo Biancakes. Dahil ginaganyan mo ako tatawag ako ng back up.
Isa lang back up niyan, si kuya Leyson.
Siya palang yung nandito napipikon na ako agad pano pa pag kasama si kuya Leyson. Sira na lalo araw ko nun medyo sira pa naman na kanina.
BINABASA MO ANG
So It's You
Tiểu Thuyết ChungDespite the distance that separates us, I wish that you take one step in, and I'll take the rest just to be with you.