After akong maihatid ni Bianca tumuloy lang ako sa kwarto at nahiga, kinikilig pa din ako sa nangyari kanina. Saan kaya humugot ng lakas ng loob yung si Bianca.
Di ko ata kayang gawin yung ginawa niya kanina, akala ko hahalikan niya si Yumi sa harapan ng mga magulang at kaibigan niya eh. Naka ready na akong tumakbo in case sabihin niyang run ulet.
Yung green rose lang inabot niya kay Yumi, tapos inabot niya kay Heart yung isa akala ko mag two time siya ng harap harapan, nanlaki talaga yung mga mata ko ng sabihin niyang galing saakin yung flower. Na estatwa pa nga ako kahiya.
Ano kaya binulong niya kay Yumi at ganun reaction niya, eeeeeehhhh isi ship ko na sila ako na presidente ng fan club nila.
Napaisip ako kung ano ng next move ko para makalapit kay Heart. Di ko parin lubos maisip na iisang tao pa din pala yung nagugustuhan ko.
Oh my bunny 🥰🥰🥰
Flashback
Bagong lipat lang kami wala pa akong kilala, may mga batang naglalaro pero nakakatakot silang lapitan. Inaaway pa nila yung ibang mga bata.
Pano na kaya ako bukas, papasok na din ako sa school, sana may makilala akong mabait at maging kaibigan ko.
Pinapanuod ko lang sila may inaaway yung ibang bata, isang mataba at may isa pa na umiiyak na, ying isa di naman nila inaaway kasi nakatingin lang siya sa kanila.
Inaalo nung mataba yung umiiyak, nakakatakot naman dito, bakit kasi lumipat pa kami.
Umuwi na lang ako sa bahay at dun naglaro.
Hmmmm first day of school goodluck sayo Fatima. Hinatid ako nila mommy. Sa school nakatingin sila saamin, bawal ba pumasok ang parents, nagtatawanan yung mga batang nakita ko kahapon, pinagtatawanan nanaman nila yung dalawang inaaway nila kahapon.
Humawak ako kay mommy, nahihiya naman akong sabihing mag stay siya. Pano kung ako naman pagtripan nila.
Pagkahatid sakin ni mommy sa room ko umuwi na din siya, susunduin nalang daw niya ako.
Nakatingin lang ako sa may pintuan, isa isa ng pumapasok yung mga magiging ka klase ko, naunang pumasok yung isang bata kahapon yung nakasuot ng bunny headband, nakasuot nanaman siya ibang kulay lang.
Magkasabay pumasok yung mataba at yung iyakin, pwede kaya ako makipag kaibigan sa kanila.
Magkakasunod din yung mga bad na bata. Danger Fatima iwasan mo sila ottey.
Nung pumasok yung teacher tinawag niya ako sa harap tapos ipinakilala, nakayuko lang ako kasi nahihiya ako.
Hirap naman ng walang kaibigan wala akong kausap at kasabay kumain. Ganon naging buhay ko sa unang linggo.
Next Monday, nakita kong hinatid yung chubby na bata, tumakbo ako para makasabay ko siya, hello pwede makipagkaibigan? tanong ko sa kanya habang sinusubukan kong makasabay sa yabag niya, palibhasa matangkad mahaba mga paa niya kaya mabilis siya maglakad.
Nilingon niya lang ako, tapos nagtuloy lang siya ng lakad. Sumunod lang ako sa kanya, di naman to papunta sa classroom ah. Pumitas siya ng bulaklak sa dinaanan namin.
Tuloy lang kaming lakad hanggang makarating sa isang puno sa likod ng school. Wow nandito si iyakin parang hinihintay talaga siya. Nilagay niya sa tenga ni iyakin yung bulaklak na pinitas niya.
BINABASA MO ANG
So It's You
Fiction généraleDespite the distance that separates us, I wish that you take one step in, and I'll take the rest just to be with you.