BIANCA
Sa totoo lang kinakabahan din ako sa race na to. Bakit ngayon pa naisipan ni Samanatha na sa batch namin sumali, hindi naman sa iniwasan namin siyang makasama sa isang race, para kasi silang sinasapian ng mga kaibigan niya pag nag start na ang race.
Saamin nag enjoy lang kami nila Fat at France, eh sila tama lang yung tawag sa kanilang the Devil Trio kasi talagang pinagkakaisahan nila yung mga top racer para manalo.
Kung di ma hospital yung racer talagang minsan nababalian ng buto dahil ilang beses na tumatumbling yung mga sasakyan nila.
Kaya ko namang iwasan yang si Samantha mamaya, pero yung mga kaibigan ko tsk. Patataubin ko din yang sasakyan mo Samantha oras na may tumaob sa dalawang buraot na yan.
Nasuot ko na lahat ng safety gear ko, mag sasapatos na lang. Nasan nga yung sapatos ko. Hay naku Bianca ano yang hawak mo diba sapatos mo, at kinutusan ko sarili ko. Nasan naba utak mo, gaganyan ganyan ka mamayang nasa racing track ka ng magaya ka sa mga ibang top racers.
Nilingon ko yung kasama ko dito sa room kung naka ready na din siya pero 🤨🤨🤨nandito ako nag aalala tapos ayun siya sa harap ng salamin panay ang selfie, nakalimutan atang kasama sa race si Samantha.
Ibinato ko sa kanya yung isa kong sapatos, may lahing flash din to eh si Fatima bilis umilag. Pinulot niya sapatos ko at akma niyang ibababato sakin ng nag angat akong tingin.
Subukan mo minion at lilipad pa itong isa, sisiguraduhin kong tatamaan ka na, mukha ka ng tanga kung may kamay lang yang salamin binatukan kana, sabi ko sa kanya at isinuot yung isa kong sapatos.
Picture ng picture di naman ma upload ng public, tsss ipadevelop at ipamigay sa fan mukha mo ayaw kong may mga nakasunod na tao sa akin lalo kung wala ako sa mood baka lumipad sila isa isa.
Abnoy na ngang tunay at pati sapatos ko kinakausap niya.
Akin na yang sapatos ko baka biglang magkabuhay yan at masipa ka bigla, nakakatawa talaga tong si Fat, buti nalang may isang Fatima na happiness ko kahit palagi lang kami nag aasaran.
Buti na lang at yung water bottle ko ang tinamaan ng ibato niya pabalik yung sapatos ko kundi makakatikim siya ng malupit na pamatay tingin ng isang Bianca Santos, kekeke
Isinuot ko na din yung isang sapatos para ready na. Hayzz lord kahit matalo na po ako ngayon wag lang po mabangasan tong magandang mukha ko hehe.
Pero seryoso nag aalala talaga ko para sa amin kahit kabisado na namin yung ibang tricks nila para mawala ka sa focus.
Di ko namamalayang nakakunot na pala ang noo ko, tsk tatanda ka ng maaga Binaca.
Ano nanaman bang iniisip mo at nakakunot yang noo mo? tanong ni Fat at siya namang pasok ni France.
Nag-aalala ako sa inyong dalawa, baka kayo pag initan ni Samantha para madistract ako, sagot ko.
Eeeehh ang sweet naman ng Bianca namin, sabay na sabi nila, tsk namnamin niyo minsan lang ako maging sweet.
At ipinagpatuloy talaga nila ang pag selfie sa harap ng salamin, mga addict na to.
I wear my mask na kasi patapos na yung first batch ng racing.
Hoy halika dito, tawag sa akin ni Francess, mag picture tayo habang magaganda pa tayo, para kung tumabling tayo mamaya meron tayong before and after, dugtong niya.
Siraulo to anong before and after, mas lalo tuloy ako nag alala.
Tumabi na ako sa kanila at nag picture, pare pareho na kaming naka mask ang cool lang tingnan.
BINABASA MO ANG
So It's You
General FictionDespite the distance that separates us, I wish that you take one step in, and I'll take the rest just to be with you.