Chapter 12

1K 66 7
                                    

YUMI

Ang aga ng call time namin ngayon sa basketball, inaantok pa talaga ako, grabe naman si coach.

Panay pa din ang hikab ko habang nagpapark ng sasakyan ko. Nagugutom ako ano kayang food sa canteen. Tsk mamaya na nga baka ma late ako, delikado ang maging parusa ko.

Nilagay ko muna sa locker yung uniform ko saka nagpunta sa basketball court. Nandito na pala mga kaibigan ko, nagwa warm up na sila. Binaba ko na lang din yung gamit ko at nag stretching tapos sumali na sa kanila.

Pagkatapos ng practice nag shower na kami then nag breakfast sa canteen. Today nga pala ang first day ng pag uniform ng mga transferee and new students.

Einks bakit excited naman akong makita na naka uniform sila Bianca. Tsk nag iiba na talaga ang taste mo Yumi.

Pagkatapos naming kumain naunang nagpaalam sila Alex, pagod yarn. Si Heart may babalikan sa locker so ako nalang mag isa, anong plano mo Yumi?

Naglalakad ako sa may side walk ng may makita akong dalawang papasok ng gate, sumandal lang ako sa may poste and inantay sila makalapit ng konti, di ko maaninag mga mukha eh, bakit naman nakayuko maganda namang tingnan yung uniform ah.

Halos lahat ng studyante lumilingon sa kanila, Baka new student naninibago lang yung iba na makita silang naka uniform kaya ganyan sila tumingin.

Nang medyo malapit na sila sa kinatatayuan ko, napaayos ako ng tayo, sila Bianca yun ah, nakalugay sila ngayon, bagay naman sa kanila yung uniform bakit ganyan sila mag lakad kulang nalang tumakbo sila.

Sumunod na ako sa kanila, walang lingon lingon silang naglakad papuntang classroom.

Nakaupo na sila ng pagpasok ko, ramdam ko yung titig ni Bianca, I know ganda ko diba.

Naupo na ako sa upuan ko, and the class start na. Wala pa naman kaming outdoor activity sa PE namin, buti naman para di masiyadong pagod.

Yung antok ko parang biglang nagbabalik lalo na sa last subject sa umaga parang nananadya yung oras bumabagal ng sobra. Gusto ko na talagang matulog.

Sabay sabay na kaming nag lunch, mabilisan nalang kasi may mga practice yung iba, pass muna ako today gusto kong umidlip muna.

Ako nalang ulet mag isa, saan naman ako tatambay neto, sa flower garden lang naman magandang tambayan so nagpunta ako dun.

Sa paghahanap ko ng maganda spot may nakita akong parang secret door. Baka ma Alice in wonderland ako. Dahil curious ako kung anong meron dun pumasok ako sa pinto and close it.

Wow ganda naman dito nasa ibang dimension na ba ako ng mundo. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang may makita akong tree house, para akong bata na tumakbo dahil sobrang excited na makaakyat dun.

Tiningnan ko muna yung paligid ng tree house, malinis baka may nag me maintain dito. Tumingala ako ganda ah mukhang di napapabayaan.

Umakyat na ako at excited na buksan yung pinto pagka akyat ko pero may nagsalita.

Don't open the door, this is a private place, pano kang nakapasok dito? tanong niya.

Oh sorry, naglalakad lakad lang kasi ako kanina at naghahanap ng magandang tambayan, may door kasi akong nakita akala ko kasi palabas na ng school eh.

Yeah this property belongs to the EBBHS, boundary na yung pader na pinasukan mo.

Sorry ulet, gusto ko lang kasi mapag isa kaya ako naglakad lakad, aalis nalang ako, sorry sa abala, sabi ko at baba na sana.

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon