Chapter 19: Is This A Date?

1.4K 80 13
                                    

BIANCA

Ang hectic ng sked ko the past weeks. School - practice - Blanka's. Halos wala na akong pahinga. Pengeng tulog lord.

Today' s the opening nung extension building ng Blanka's, I'm dead tired. After ng practice dumeretso na ako sa classroom.

I tried to have some sleep before the bell rings.

Nakaidlip ako ng konti. I felt like someone is staring at me kaya I open my eyes just to see Yumi standing in front of me. Such an angel nawala naman ata bigla lahat ng pagod ko.

Did the bell rings already?

Ahhhm nope, there is still 10 minutes before it rings.

Akala ko nagsialisan na mga ka klase namin tapos kami nalang natira dito.

Kanina ka pa ba? Ang sarap mo talaga titigan, gumagaan yung pakiramdam ko. Pwede bang akin ka nalang.

Nope, kakapasok ko lang.

I'm sleepy. I close my eyes pero mukha niya pa rin nakikita ko, tssss malala na to.

May tumapik sakin, sino ba tong istorbo na to, wag niyo ko pagtripan ngayon wala ako sa hulog baka bigla akong gumanti at masaktan ko kayo.

Kahit ayaw kong dumilat pinilit ko para lang makita kung sino nanaman sa mga ka klase naming tripper ang tumapik saakin.

Sheesh Fatima Benis na mukhang mas pagod pa sakin. Pwede namang gisingin ako ng ti tinatapik, pasalamat ka Benis pagod ako kaya di ka biglang lumipad diyan.

Dumating na yung teacher namin kaya umayos na ako ng upo.

Class theres nothing to do today. So you can relax and rest para magaganda kayo bukas.

Oh nice, makakapunta pa kami sa opening ng Blankas'. Nakakaawa naman si Frances kung siya lang lahat mag asikaso dun eh isa rin naman siyang studyante pa.

Class suspended na for the whole day. Yung mga may practices para sa acquaintance party tomorrow at for the inter high will stay.

Wala naman na kaming practice ni Fatima mamaya, I mi meet lang namin yung coach sa swimming team.

Mukhang mas sabog ka pa sa kin Fatima. Natutulog ka pa ba?

Wala akong maayos na tulog nitong nakaraan lingo dahil sa kagagawan mo.

Sinisisi mo ako ganun? Sige sa iba ko na ibigay yung trabaho mo para makapagpahinga ka.

Ayyy eto naman, joke yun Bianca ano ka ba. Tara na nga para matulungan natin si Frances.

Hinila na niya ako palabas ng room. Wala ng lingon lingon diretso ng lumabas ng school ground.

Naglakad nalang kami para magising yung inaantok kong kaluluwa.

Saan ka pa nagpunta kanina ha?

Ahm nanligaw.

Whoa congratulation naglakas loob ka na. Penge naman ng lakas ng loob diyan oh.

Gagi, ligaw tingin lang.

Huminto ako para mabatukan siya. Akala ko pa naman talagang nanligaw na.

Aray naman, lagi ka nalang nambabatok, baka ikabobo ko yang pambabatok no tsssk.

Wala pa akong nabalitaang naging bobo dahil sa pambabatok Fatima. Tsaka wala namang bobong tao, tamad kamo yun ang madami.

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon