Mistress 9

1.9K 36 0
                                    

FIRST ENCOUNTER

Nakapaskil ang pekeng ngiti sa mga labi ni Hyan habang sinusuyod niya ang buong paligid. Nagkikislapan sa ganda ang buong silid kung saan pinagdiriwang ang business and political event sa isang 5 star hotel.

Naggagandahan at kumikinang sa ganda ang kanya kanyang alahas ng mga politiko at mga business man and woman sa lugar na iyon.

At isa na si Hyan sa taong naroon. Kasama niyang nakaupo sa mesa ang Mama Daisy niya. Imbes na ang Mommy niya ang kasama niya sa event nito nagprisinta ang Mama Daisy niya na ito nalang ang sasama sa kanya sa event na ito.

And she didn't complain about it besides busy ang Mommy niya sa pag aalaga sa kanyang ama.

Samanthalang iniwan niya kay Yaya Lou ang makulit niyang anak na nais pa sanang sumama sa kanya. Naalala niya pa ang mukha ng anak niyang si Freya na nagmamakaawang sumama sa kanya.

"Kanina ko pa hinahanap si Mrs. Acosta. I thought she's coming" usal ni Mama Daisy sa tabi ni Hyan.

Sumisimsim ito ng lady's drink.

Maging ang Mama Daisy niya ay hindi papakabog sa suot nitong backless dress. Kulay itim ang suot nitong dress na tinernuhan ng kulay itim na chain bag and heels. Kung hindi lang sana ito kaedaran ng Mommy niya baka isipin niyang dalaga pa ito.

"Who's Mrs. Acosta, Mama?" Nilapag niya sa mesa ang cellphone na hawak pagkatapos ay hinarap niya ito.

"She's my amiga, Hyan. Kabatch mate ko siya no'ng highschool. At nabalitaan kong a-atend siya sa event na ito together with her husband"

"A business man?"

"A vice mayor. Ikalawang asawa siya ng mayor. Balita ko eh, hiwalay na raw sila no'ng unang asawa niya kaya nagpakasal na sila ng amiga ko. Hindi na ako magtatakang papakasalan ni Vice Mayor Acosta ang amiga ko. Maria is old but a gorgeous old lady. 42 years old na siya pero padadaig ba naman siya sa mga dalagitang narito" proud na ani ni Mama Daisy.

"Just like you, Mama. 40 ka na but you still look so young. Just like my mom" tukso niya sa pangalawang ina. Tama naman siya mukhang dadaigin pa ng Mama Daisy niya ang ilang kababaihang narito.

"Stop giving me a compliment, darling. I'm single but Im not ready to mingle. Masyado na akong matanda para humanap pa ng lalaking makakasama ko."

"Grabe ka naman, Mama. Diba nga may kasabihang age doesn't matter. Don't give up, Mama. You'll find the right person for you. Malay mo nasa paligid lang pala siya" matamis na nginitian niya ito na siyang kinatawa ng Mama Daisy niya.

Dumarami na ang mga politiko at bisitang pumapasok sa loob ng event room. Sumisigla na rin ang paligid. She could hear giggles, laugh and exciting shout of the people around them. The place is very bustling.

Maging ang Mama Daisy niya ay nag-eenjoy sa pakikipagkwentuhan sa mga kakilala nito. While her is busy texting Yaya Lou. Tinext siya nitong napatulog na nito ang anak niya nireplyan niya ito.

"Dang! Who's that guy in the blue suit. Ngayon ko lang siya nakita rito. Is he one of the bachelor?"

Bulong mula sa paligid ang nagpahinto sa atensiyon ni Hyan. Tila may masamang hanging umihip sa harap niya. Maging ang paligid ay unti-unting naging tahimik. Tanging backround music na lamang ang naririnig niya. Lumingon siya sa gawi ng pinto ng event kung saan nakatuon ang atensiyon ng lahat.

Her jaw drop when she saw a devilishly handsome man standing in the center of the crowd. Nakakaagaw pansin ang suot nito maging ang kagwapuhang taglay ng lalaki.

The man is wearing a shades and she can't literarily see who the guy is. May ilang kababaihang nakaharang sa harap niya kaya hindi niya masyadong makita kung gaano kagwapo ang lalaki.

"Oh my! Is that Froy La Dymon?" Suminghap ang kababaihang nasa harap ni Hyan ng mabistahan ang lalaki.

Nahilo yata ang ulo niya ng marinig ang pangalang iyon. Pangalan palang nakakahilo na. Baka mahimatay pa siya kapag nakaharap na niya ang taong iyon. Dahan dahan ang ginawa niyang pagsulyap sa lalaking nakatayo ilang metro ang layo sa kanya.

Tila slow motion ang ginawang paghubad nito ng suot na shades.

Slow motion na halos kapusin siya ng hininga ng makita ang mukha ng lalaking ilang taon niyang kinakasabikang makita. Mukha na palagi niyang nahahawakan at nahahalikan noon. Mukha ng taong matagal na niyang nais kalimutan.

Ang gwapong mukha ng demonyong ito ay siyang mukhang minahal niya.

"Is that the guy you're talking about, Hyan?" Pukaw ng Mama Daisy niya. Nakaawang parin ang labi ni Hyan ng harapin ang Mama niya.

"Y-yes, Mama. That's him" wala sa sariling sagot niya rito.

"He's a business man that's why he's here" her voice is amaze why looking at the same man I am looking to.

Sinundan ng tingin ni Hyan ang paglagok ng Mama Daisy niya. Dahan dahang umingay ang paligid. Kasabay ng pag ingay ng paligid ay siyang pagbalik niya sa huwisyo.



"Ptang ina!" She shouted loudly.









Ayieshadienla
T H E  C E O 's  M I S T R E S S

The CEO's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon