Mistress 12

1.9K 34 0
                                    

W O R K?

"Nanay! Nanay, I'm here"

Gulat na napaangat ako ng tingin ng bigla nalang bumukas ang pinto ng office at patakbong pumasok ang anak ko. Kasunod nitong pumasok si Mama Daisy at ang dalawang guard ng kumpanya.

"Freya! What are you doing here, darling?" Kaagad kong kinalong si Freya bago hinagkan sa sintido. Malambing na pumaikot ang malambot na braso ng anak ko sa aking leeg.

Parang nawala bigla ang lahat ng stress na nararamdaman ko ng dumating si Freya. Sangkatutak na mga papeles ang dapat kong tingnan at may tatlong meeting pa akong pupuntahan ngayong araw.

Base sa sikretaryo ni Daddy ay may meeting ako ngayong 1:30 pm sa bagong investor ng Velangco company.

Hindi ko pa siya nakikilala pero ayon kay Mr. Caliness ay isa ito sa tanyag na businessman in Asia. Kilalang kilala ang kumpanya nito sa buong bansa lalo na sa ibang teritoryo ng asya. Masyado daw pihikan ang investor na tinutukoy ni Mr. Caliness.

Masyado itong mapanuri sa bawat business na pinapasukan nito. Kailangan kong makuha ang tiwala niya para lalong lumakas ang VE.

Kailangan kong makumbinsi ang investors na iyon na mabili ang 5% shares ni Mr. Caliness sa panibagong investors para mas lalong lumawak ang kumpanya at magkaroon ito ng ibang branch sa iba't ibang bahagi ng bansa.

That was my father's dream before. Nais ni Daddy na mas lalong lumawak ang kumpanya niya at mas lalo itong maging sikat sa mata ng publiko. Pero ng unti-unting nakikilala ang Velangco's Enterprises ay marami na ang nakakatunggali ni Daddy just like mom said.

"Lola Mama, brought me here, Nanay. Boring po sa house kaya nipilit ko po si Lola Mama to come here. Can I stay here for a while, Nanay?" ngumuso pa ito ng tingnan nito si Mama Daisy na prenteng nakaupo sa sofa bed.

Napailing na lamang ako bago ko itinanggal ang backpack na dala-dala ng anak ko. Sa sobrang gaan n'on ay mahihinuha kong isang pirasong bunny toys lang ang dala nito.

"But Nanay is working, Frey. You're not allowed to go here. You should stay inside the house with Yaya Lou and Mama Lola" Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito. Sinulyapan ko si Mama Daisy na abala na pala sa pagtingin sa cell phone nito.

Nakaalis na ang dalawang guard na kasabay nila Mama Dai kanina. Mukhang hinatid lang yata nila ang anak ko at si Mama Daisy rito sa Presidentials Floor.

"No! I don't want, Naynay! A-ang boring po sa house nila Momma. Wala po akong pleymeyt doon maliban kay Yaya Lou kaya sinama ako ni-bring ni Lola Mama ko"

Kumurap-kurap ang mahabang pilik mata nito ng tingalain siya ng anak. Napangiti na lamang ako sa kacute-an ng anak ko.

"Okay." Huminga siya ng malalim bilang pagsuko bago pinatay ang laptop sa harap niya."But i want you to keep quiet while I'm is working okay? Isasama kita mamaya sa mall so we can  buy a new toys for you. Promise me na magbe-behave ka, darling."

Nagniningning ang dalawang mata ng anak ko sa aking tinuran. Sumilay ang masayahing ngiti sa labi nito bago siya muling niyakap sa bewang. Mahigpit niyang niyakap pabalik ang anak saka ito pinatakan ng halik sa noo.

"I promise po, Nanay! Magbe-behave po ako. Yey! I want to buy Mr. Coco, Nanay. I want to buy him na later" Nababakasan ng masayahing tinig ang boses nito ng kumalas si Freya sa kanya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Do you hear that, Lola Mama? " Tuwang-tuwa itong tumakbo papunta sa sofa bed kung saan naroon si Mama Daisy.

"Yes, darling" Kinarga nito ang kanyang anak pagkatapos hinalikan sa pisngi.

Napailing na lamang ako bago muling hinarap ang sandamakmak na trabahong nasa harap ko ngayon. I have to finish signing haft of these papers today. May dinner meeting and other transaction pa siyang gagawin mamaya paniguradong bugbog sarado na naman ang katawan niya pag-uwi.

Hinayaan ko na lamang na makipaglaro ang anak kong si Freya kay Mama Daisy at inabala ang sarili sa pagpirma ng mga papeles.





______________________________________

A/N: Hello, guys! Sorry kung medyo natagalan ang pag-update ko nitong TCM. Marami kasi akong ginawa this few days, plus birthday  kasi ng Lolo ko last week kaya natagalan. Pero don't worry babawi po ako sa susunod. Salamat po sa pag-intindi💖


Ayieshadienla
T H E  C E O's  M I S T R E S S

The CEO's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon