WARNING: MATURE CONTENT/SPG/R-18
D E V O U R I N G P A I N
Mahina akong napatikhim ng tuluyan akong makapasok sa loob ng office room ni Froy. Nakita ko itong nakaupo sa black leather office chair nito habang nagbabasa ng newspaper. Sa ibabaw ng mesa nakapatong ang tsaa nitong umusok pa na siyang dinala ni Mang Cosme kanina bago ito nagpaalam kay Froy na pupunta sa bayan.
Mula pa kaninang umaga ay hindi ako nito pinapansin. May mga pagkakataong sinusungitan niya ako at meron ding pagkakataong hindi ako nito kinikibo.
Panay ang papansin at tawag ko sa pangalan niya kanina ngunit nagmatigas ito.
Gusto ko sana siyang makausap ng masinsinan bago ako umalis. Kahit ngayon lang.
Bukas ng umaga ang alis namin ni Mama Daisy pauwi sa probinsiya kung saan ito pinanganak. Wala akong lugar na pagtataguan naming dalawa ni Mama. Alam kong mahahanap ako niFroy pero nagbabasakali lang akong makalayo sa kanya gaya ng nais ng kanyang ina.
Ayokong madamay si Mama sa sitwasyong ito. Ayoko siyang madamay rito dahil una palang alam kong ako ang may kasalanan ng lahat. Ako ang tumanggap dahil sa pesteng nararamdaman ko.
Kasalanan na kahit kailan ay hindi ko pagsisisihan at babaunin ko itong kasalanang ito sa matatamis na alaalang kasama ko si Froy.
"A-ahmm Hi!"
He looked at my direction. His stare gave shivers. Every time our eyes met, it sent a jolt of electricity through my body.
"What do you want?" Malamig na tanong niya sa akin.
Napayuko ako ng mahimigan ang lamig ng kanyang boses, he's mad. At alam ko kung bakit siya nagagalit ngayon dahil sa akin.
Humakbang ako papasok hanggang sa makarating ako sa kanyang harapan. Nakatambak ang makakapal na libro at uri ng papel sa ibabaw at gilid ng lamesa nito.
Karamihan sa mga iyon ay nakafolder pa at nakasilid sa itim na envelope. Ngunit isa lang ang umagaw sa aking pansin.
Sa ibabaw ng mahogany table nakapatong ang envelope na sobrang pamilyar sa akin. Kilalang kilala ko iyon dahil may puting bulaklak na nakadikit mismo sa labas ng envelope at may nakaukit na Froy at Hyanice sa labas.
Iyon mismo ang envelope naglalaman ng papel na pinirmahan ko noon. Natatandaan ko pa 'yon.
Bakit nasa labas ang envelope na 'yon?
Hindi kaya paalisin na niya ako dahil tapos na ang kontrata namin sa isa't isa?
"What do you want, Hyanice? Don't waste my time. I have so many things to do."
Sabi nito gamit ang malamig pa ring boses. Pinigilan kong huwag maiyak sa harap niya. Ni hindi man lang niya ako tiningnan o sinulyapan kahit ilang segundo man lang. Sobrang laki naman yata ng tampo niya sa akin.
Huminga ako ng malalim saka siya kinausap ng malumanay.
"G-gusto sana kitang makausap kahit saglit lang. A-ahm, ano kasi----"
Natigil ang balak ko pa sanang pagsalita ng lumipat ang matatalim nitong mga mata sa'kin. Napangiwi ako roon. Aanhin ko naman ang sulyap na galing sa kanya kung pinapatay naman ako ng nga iyon.
Nakamamatay ang tingin niya.
"Anong gusto mong sabihin? Say it immidietly, I'm a busy person, Hyani---"
BINABASA MO ANG
The CEO's Mistress
General FictionHyanice Velangco a simple and loving woman. As a child, she dreamed of having a peaceful life with her mother and the man she would love one day. She tried to work hard just to make her mother proud. She did everything to make her dreams come true...