S E X Y D E M O N
"Ayusin mo nang mabuti ang trabaho mo, Hyanice. Ayaw na ayaw ni boss na mapahiya. Tandaan mo lahat ng sinabi ko. Kapag nagtanong ang lalaking kasiping mo tungkol sa presyo ng isang gabi na kasama ka ay sabihin mo agad na isang milyon. Ang sabi ni boss sa akin ay mayaman daw ang lalaking iyon. Birhen ka pa Hyanice kaya malaki ang halaga mo!" Segunda ni Madama Donne sa kanya
Nasa harap sila ngayon ng 5 star hotel kung saan siya dinala ni Madam Donne. Dito raw mismo niya matatagpuan ang lalaking makakasiping niya.
Nanginginig ang tuhod niya sa bawat segundong lumilipas. Tagaktak ang pawis sa kanyang mukha at leeg.
"O-opo, Madam" sagot niya sa babae na kinangisi nito ng malawak. Humigpit ang pagkakahawak niya sa suot na bestida. O kung matatawag nga ba iyong bistida dahil sa sobrang ikli niyon.
Halos makita na ang singit niya sa sobrang ikli ng damit na pinasuot sa kanya ni Madam Dionne.
Bukas ang likod ng dress at kitang kita ang makinis at maputi niyang likod. Sanay na siyang makakita ng ganitong klase ng damit sa loob ng men's club pero ngayon palang siya nakasuot ng ganitong damit. Kung makikita niya lang siguro ang sarili sa harap ng salamin ay makikita niya ang kabuoan ngayon.
"Hala pumasok ka na sa loob! Eto ang numero ng suite niya sa ikalimang palapag. Huwag na huwag mo kaming bibiguin, Hyanice. Nakasasalay ang buhay niyong mag-ina dito!"
Marahas na hinablot nito ang kanyang kamay na nakakuyom at inilagay roon ang kulay itim na card. Tumutok ang pansin niya sa card.
Bachelor's suite. Number 402
Kuyom ang kamaong tumalikod siya sa matandang babae na may masayang ngisi sa labi. Bawat hakbang niya papasok sa elevator ng hotel ay para siyang bibitayin sa sobrang kaba. Nangilid ang luha sa pisngi niya ng unti-unting sumara ang pinto ng elevator.
Siya lang ang nasa loob kaya't malayang umagos ang butil ng luha sa kanyang pisngi.
Nakakatakot.
Nakakakaba.
Ano nga bang magagawa niya kung iyon ang magiging paraan para maahon siya sa putik na kinasasadlakan?
"Patawad, Mama....." puno ng pagsising napaupo siya ng tuluyan. Bumagay na ang tuhod niyang kanina pa nanginginig.
Bakit nga ba siya napunta sa sitwasyong ito? Bakit siya pa ang naparusahan ng ganito? Pinangako niya sa sariling ibibigay niya lang ang kanyang katawan sa lalaking mamahalin at papakasalan niya balang araw. Ngunit paano niya na magagawa iyon kung ilang minuto nalang ay maibibigay na niya iyon sa iba?
Ilang hakbang nalang.
Ilang hakbang nalang at makakamit na niya iyon. Pero heto siya, heto siya ngayon sa sitwasyong hindi niya inaasahan.
Kaagad siyang napamulat ng makarinig ng tunog. Nakarating na siya sa ika-limang palapag ng hotel. Mabilis na pinunasan niya ang masaganang luha sa mukha bago tumayo para ayusin ang sarili.
Kaya mo ito, Hyanice! Isang gabi lang, isang gabi lang ito at tapos na. Para kay Mama Daisy at para sa kinabukasan mo.
Pagpapatatag niya sa sarili ng makalabas sa loob ng elevator. She lifted her right hand. Number 402 ang hotel suite ng lalaking makakasiping niya ngayong gabi.
Bahagya siyang tumingala sa itaas na bahagi ng pintong nasa kanyang tagiliran. Number 389 ang naka-ukit roon. Siguradong nasa dulong bahagi ng pasilyo ang suite ng lalaki. Mahihinang mga yabag ang tingin naririnig sa pasilyong iyon.
Bawat hakbang na ginagawa niya ay mas lalong nagpadagdag sa takot na naroon sa kanyang dibdib. Walang katao-tao ang floor na iyon. Nakasara ang bawat silid na nasa fifth floor ngunit rinig ang ilang ingay sa loob.
Ilang sandali pa'y nakarating na siya sa harap ng suite na nakaukit sa itaas ng pinto ang numero.
This is it!
Mariin siyang napapikit at piping nanalangin. Nasa harap na siya ng naturang silid.
Diyos ko! Huwag niyo po sana akong pabayaan ngayong gabi.
She swallowed hard until she raised his hand to knock on the door infront of her. Tatlong mahihinang katok ang kanyang ginawa. Nanatili siyang nakayuko. Nakatuon ang kanyang mata sa doll shoes na suot niya. Akmang kakatok uli siya ng bumukas ang pinto.
Jusko po!
Bumilang siya ng dalawa at nag-angat ng tingin. Sumilay ang pekeng ngiti sa labi niya na kaagad ring nawala ng magtama ang mata niya sa kulay pulang mata ng taong nasa harap niya ngayon.
Nagulantang siya sa ekspresyong nagmumula sa lalaki. Ubod ng lamig ang mata nitong kulay pula na mas kinangantog ng kanyang tuhod.
Isa lang ang masasabi niya sa lalaking ito.
Napakaguwapo niya!
Sigaw ng isang bahagi ng kanyang isip ng masilayan ng mabuti ang lalaki. Una niyang napansin rito ang dalawang pares na pulang mata ng lalaki kasunod ang kulay ng balat nito na kasing puti ng snow.
Kung pagbabasehan ay mas mukha itong bampira sa sobrang puti, plus ang kulay pulang mata nito at mapupulang labi kapareho ng kanyang mata.
Hindi kaya pambira ang lalaking ito?
"Who are you?" His cold baritone voice echoed in her ears. His expression is blank just like a piece of blank paper.
Wala siyang mababasang emosyon sa mata nito. Kasing lamig ng yelo sa antartica ang boses ng lalaki. Umihip ang may kalamigang hangin na nagmumula sa bintanang malapit sa eskelator. Bumukas ang labi niya para sana magsalita pero walang kahit anong salitang lumabas roon. Napipi yata siya sa kaguwapuhan ng lalaki.
"Close your fucking mouth and answer me, woman. Who are you and what are you doing in front of my suit?" The handsome man asked with full of autority and danger in his voice.
Kumurap kurap ang mata niya. Sinuyod na pala siya ng tingin ng malamig na lalaki. She cleared her throat. Nilakasan niya ang loob na salubungin ang blankong mata nito.
"A-ako po ang babaeng pinadala ni M-madam donne...." Muntik na siyang mapamura dahil sa pagkakautal niya. Mariin na pumikit siya para payapain ang nagwawalang dibdib.
Hindi na niya nakita ang pagtaas ng gilid ng labi ng lalaki. Imbis na kausapin siya ay niluwangan nito ang pagkakabukas ng pinto. Nakatanga lang siya sa lalaki.
"Get inside" malamig na sinenyasan siya nitong pumasok. She closed her eyes again. At piping nanalangin bago pumasok sa loob.
_______________________________________
A/N: Hello mga Gigivers.
Baka nagtataka po kayo kung bakit ganyan po 'yong writing style/fonts imbis na normal lang siya. Actually isiningit ko po kasi ang past nila ni Hyan at Froy. Hindi ko po kasi alam kung saan ko isisingit kaya ginawan ko nalang ng paraan.
And this is it!
Sorry masyado siyang lame hahaha.
Enjoy reading!
Ayieshadienla
T H E C E O's M I S T R E S S
BINABASA MO ANG
The CEO's Mistress
General FictionHyanice Velangco a simple and loving woman. As a child, she dreamed of having a peaceful life with her mother and the man she would love one day. She tried to work hard just to make her mother proud. She did everything to make her dreams come true...