Mistress 10

2K 42 6
                                    

CHÈRI

Napalingon sa gawi niya ang atensyon ng lahat dahil sa kanyang sigaw. Maging ang Mama Daisy niya'y nagulat sa kanyang inakto. Kung kanina ay wala siya sa sarili ngayon naman ay balisang balisa siya, pinagpapawisan siya ng malapot.

Halos hindi siya mapakali sa kinauupuan. Naka-aircon man ang buong event ngunit bakit siya pinagpapawisan ng malapot? Lalo pa't may mga matang nakatutok sa kanya.

Particularly sa lalaking pula ang mga mata.

Nakatutok ang seryosong mga mata ni Froy sa kanya. He have those charismatic look and dangerous aura. Kung nakangiti lang siguro siya ngayon ay baka napalis na iyon ng makita niya ang malademonyo nitong ngiti.

Shit! That demonic smile of the freaking Demon.

Kulang pa yata ang salitang OA para i-describe ang brain cells niya. Umaariba sa kaba ang dibdib niya.

"What happend, Hyan? Bakit ka ba sumisigaw?" May bahid ng pag-aalala ang boses ng Mama Daisy niya. Maging ito ay nasindak yata sa kanyang malakas na pagsigaw.

"That's him, Mama!"

"Who?"

"That's him. That's Froy La Dymon, Mama." tila nais na pumalahaw sa iyak ni Hyanice ng sabihin ang pangalan ng lalaking nais niyang takbuhan.

Nanlalamig ang kamay niya sa nerbiyos.

"Yes, I know, darling. Kanina ko pa sinabi sayo pero mukhang wala ka sa sarili mo. Anak. Are you really okay?" nakangiwing imporma ng Mama niya. Bahagya pa nitong tiningnan ang gilid niya kung saan naroon nakatayo si Froy.

"Anong ginagawa niya rito, Ma. He's not suppossed to be here!" Tarantang hinagilap niya ang cellphone sa mesa pagkatapos ay sinuksok iyon sa kanyang pouch.

She have to leave this place as soon as posibble.

Mahirap na. Nasa iisang lugar sila ng demonyo. Hindi niya alam kung ano ang susunod na mangyayari kapag magkaharap sila. Lalong lalo pa ngayon hindi siya handang makita ito.

Baka bumuka ang lupa at lamunin siya ng apoy na dala ng demonyong ito.

"Obviously, darling. This is a business and political event. Siguro naman, bukas ang lugar na ito sa mga gaya niyang businessman. Look at him. His talking to Governor Agoncillo. Mukhang kilalang kilala nila ang isa't isa. Maging ang ilang business woman na narito atat na atat na nakatingin sa gawi niya. As if they know him."

Of course he know them. Babaero ang demonyong 'yan, Mama! Lahat yata ng mga model at artista ay nakasama ng lalaking 'yan for passed 6 years.

Hindi mapigilang mapaismid ni Hyan sa naisip. Froy was a womanizer and she's one of that kind of woman.

Dati.

Hindi niya alam kung hanggang ngayon ay ganoon parin ba ang estado nito sa buhay. Pero siguro nga ay oo. Once a womanizer always a womanizer. At kung ang womanizer na iyon ay nagngangalang Froy La Dymon. Hindi magpapatalo ang lalaking iyon sa pambababae. Hindi ngalang siya sure sa issue na 'yon.

"Ohh no!"

"Why, Mama?" Tarantang napaayos ng upo si Hyan. Nakatingin sa gawi niya ang Mama Daisy niya.

"I hate to say this but---" pangsu-suspence nito sabay lagok ng lady's drink na hinatid ng waiter kanina.

Habang siya naman ay pinagpapawisan na. Sa tingin kasi niya ay may mainit na matang nakatingin sa kanya ngayon. Kung pwede lang sanang mag-demand na hiramin niya ang remote ng aircon ay kanina pa niya ginawa.

Shit! Naiinitan talaga siya.

"What, Mama?"

"He's coming, Hyan. 4 o'clock. And his looking at you." imporma sa kanya nito. Parang kakapusin siya ng hininga sa sinabi nito. Kaya pala nakaramdam siya ng init. Papunta na pala sa gawi niya ang impyerno.

"What should I do, Mama? Makikita niya ako! Ano nalang ang sasabihin---"

"Calm down, Hyan. You're over reacting. Kumalma ka lang and pretend that it didn't happend."

Hinawakan nito ang kanyang kamay at marahan iyong pinisil. Tiningnan niya ang malamlam na mata ng ikalawa niyang ina.

She felt relieve while looking at her sparkling eyes. Ang kaninang nagwawala niyang sistema ay unti-unting huminahon.

"Good evening, Ladies" walang emosyong boses ang siyang nagpasinghap kay Hyan.

Nanggagaling sa kanyang tagiliran ang boses na iyon. Boses na matagal na niyang nais pakingggan. Tila kinakalaban siya ng kanyang isip na huwag harapin ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.

Boses palang ay nakakapagkaba na ng damdamin.

"Oh hi, Mr. La Dymon. Kinagagalak kitang makilala sa personal. Hindi ko inakalang ganito pala kagwapo ang nagmamay-ari ng sikat na LD Empire" magiliw na nakipagkamay ang Mama Daisy niya sa binata na siyang tinanggap rin nito. Habang siya ay walang imik na sumimsim ng champagne.

"It's a pleasure to meet you, Mrs?"

"It's Ms. Daisy, hijo. Daisy Acuesta. You're Froy La Dymon, Am I right?" Pormal na tanong ng kanyang Mama Daisy.

Halos hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Paano ba naman eh katabi niya ang binatang ilang taon na niyang kinalimutan? Damn! Namamawis ang kamay niya at katawan sa presensiya ng demonyo. Para siyang sinisilaban lalo pa at sinusulyapan siya ng palihim ni Froy.

"Yes, I am Froy La Dymon. Just call me Froy, Madam" malalim ang boses ni Froy ng sambitin nito ang katagang yon. Panay ang sulyap ng binata kay Hyan.

His jaw is clenching while looking at the lady beside her. For almost 6 years he finally found the woman he's been searching for. Base sa kilos ni Hyan ay kinakabahan ito habang katabi ang binata.

"Ohh! By the way this is my unica hija. This is Hyan---" Hindi na natapos pa ng Mama Daisy niya ang nais nitong sasabihin ng putulin iyon ni Froy ng isang halakhak.

Halakhak ng isang demonyo.

"I finally found you, My dear chèri. It is nice meeting you again, Hyanice Velangco. My runaway angel"






Ayieshadienla
T H E  C E O 's  M I S T R E S S

The CEO's MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon