I N T E N S E
Malalim akong bumugtong hininga ng umihip ang may kalamigang hangin sa aking katawan. Rinig na rinig mula sa labas ang ingay na nagmumula sa event room.
Im exactly outside, sitting at the fountain area sa harap ng lagoon. Kaharap ko ang umiilaw na angel statue na siyang main attraction dito sa hotel. Ilang minuto na akong narito. Naiwan sa loob si Mama Daisy kasama ang sinasabi nitong kabatch mate nito kanina.
Mapait akong ngumiti ng maalala ang nangyari kanina. Para akong hihimatayin sa harap ni Froy. Sa klase ng tingin na binibigay niya ay para akong nahihipnotize. Ewan ko ba kung bakit takot na takot akong makaharap siya. Maybe because of what I did 6 years ago. Ilang taon na ang lumipas, hindi ko alam kung naaalala niya pa ba 'yon o hindi na.
He's a married man.
Malay ko ba kung may anak na sila ni Cat o wala pa. 6 years had passed, for sure they had already a bunch of children. Maybe nagbago na siya.
Paniguradong nag-iba na siya. Marami na ang nagbago.
Mamahalin niya kaya ang anak ko kapag nakita at nakaharap niya ito?
Ano kayang magiging reaksyon niya?
Hindi ko alam. Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong na 'yan. Dahil hanggang ngayon kinakabahan ako sa muling pagkikita namin ni Froy for almost 6 years.
Anim na taon na ng muli ko siyang makita. Anim na taon na ng huli kong masilayan ang gwapo niyang mukha. Hanggang ngayong nakaharap ko ulit siya.
Kinakabahan ako sa maaring mangyari. Kinakabahan ako sa susunod pang mga araw na makikita ko siya. Alam kong posibleng makita ko siya. Malawak ang Maynila alam kong magkikita at magkikita kami.
And that's the my greatest fear.
"I've been searching you inside, Mi chèri"
Tila ako kinidlatan ng marinig ang baritonong boses mula sa likuran ko. Nanuyo ang lalamunan ko at siyang pagbilis ng pagtibok ng puso ko.
I recognize that baritone and husky voice!
Mabilis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses at hindi nga ako nagkamali. Nakatayo ilang metro ang layo mula sa kinauupuan ko si Froy. Dashing in his suit. Nangingintab ang buhok nito na siyang tanaw na tanaw ko ang seryosong tiningin niya sa akin.
Bawat hakbang niya palapit at siyang pagbilis ng pagringgodon ng peste kong puso.
He's here! He's fucking here!
"You seems shocked, Chèri. You're not expecting me to follow you here. Are you?" lumitaw ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya ng makalapit siya ng tuluyan.
He's now standing in front of me. Sa sobrang tangkad nito ay para lamang akong batang estudiyante sa kanya na pinapangaralan ng guro.
Namamawis ang kamay ko hindi dahil sa lamig ng hangin kundi sa kabang nararamdaman. Sinusuyod ni Froy ang mukha ko na parang isang pulis.
"You've never change. You're still the beautiful Angel I know." He smirked. Lumuhod siya sa aking harapan saka nito hinaplos ang aking braso na kaagad ko ring tinaboy.
Sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Amoy na amoy ko ang pabangong gamit niya. Pabangong sobrang pamilyar na nanunuot sa aking ilong. He's still using the same perfume.
"A-anong ginagawa mo rito?" tumikhim ako upang gisingin ang natulala kong diwa.
I have to stay calm. Hindi niya dapat malamang kinakabahan ako sa paghaharap namin. 6 years had already passed. I have to show him that I already moved on. Hindi dapat ako magpaapekto sa kanya.
BINABASA MO ANG
The CEO's Mistress
General FictionHyanice Velangco a simple and loving woman. As a child, she dreamed of having a peaceful life with her mother and the man she would love one day. She tried to work hard just to make her mother proud. She did everything to make her dreams come true...