Chapter 1 - The Exam

45.7K 1.1K 80
                                    

Hays ang sarap ng hangin. Pikit mata kong sinasamyo ang bawat hampas ng hangin sa aking mukha. Nasa isang talampas ako ngayon kung saan natatanaw ang kabuoan ng Assyr. Ang bayan ng mga salamangkero. Nakakadagdag pa sa preskong hangin ang halimuyak ng mga wild roses na nagkalat at malayang tumutubo sa talampas. Tulad nila gusto kong maging malaya. Malaya sa sistema ng Assyr. Sistemang lahat ay binabatay sa mahika. Oo, sa lugar na ito tinitingala ang may kapangyarihan. Kahit simpleng gawain ay iniaasa sa mahika. Simula sa agriculture, bibihira kang makakita ng mga taong nagsasaka. Nagkalat ang mga magic tools na siyang gumagawa ng mga bagay na dapat ay ginagampanan ng tao. Kung tutuusin maswerte ka pag nakatira ka sa bayan na ito lahat nagiging magaan at madali. Ang mga karatig bayan ay kinaiinggitan ang Assyr dahil lahat ng makabagong pamamaraan dito ay hindi ipinamamahagi sa kanila. Sa makatuwid ito ay bayan para lamang sa may mga kapangyarihan at salamangkang taglay. Patuloy ako sa pagmumuni muni ng makarinig ako ng ingay sa aking likuran.

"Flip flap flip flap" Tunog ng isang lumilipad na bagay. Pinagmasdan kong maigi kong sino ang paparating dahil ako lamang at si Bleek na matalik kong kaibigan ang nakakaalam ng daan papunta sa talampas na ito. Ng papalapit na ito, hindi nga ako nagkamali si Bleek ang paparating. Lulan ito ng isang lumilipad na bagay na nakasuot sa kanyang mga paa."Ayos yang sneakers mo ah, may pakpak." Bungad ko rito.

Pinilit nitong lumapag na tila kinakabisado ang bagong suot na sapatos. "Huh," buntong hininga nito ng maayos na nakapaglanding sa lupa. "Bigay ni Papa, graduation gift ko raw." Pasimpleng sabi nito na alam kong niyayabangan na naman ako. "Ikaw anong gift mo?" tanong nito sakin.

Dinilatan ko lamang siya ng mata na kunyari ay nagmamaang maangan. Pagdating kasi sa mga ganitong okasyon sapat na ang baong binibigay ni Tiya Crised. "Ano ka ba Bleek di ka na nasanay kita mong naka uniform pa ako't di pa nakakauwi." Pagdadahilan ko rito. "Teka, may pagkain ka ba dyan? Nagugutom na ako mag aalas singko na pala ng hapon." Baling kong tanong rito.

May dinukot ito sa kanyang black body bag. "Ayan favorite mo." Sabay abot sa akin ng isang baonan.

"Wow, strawberry cake." Tuwang tuwa kong pagkakasabi at mahigpit ko itong nayakap. "Thank you bes." Halos maiyak na naman ako sa tuwa. Ganito lagi ang eksena naming dalawa, dahil sa totoo lang si Bleek ay anak ng isang kilalang pamilya sa Assyr. Samantalang ako ay isang ulila na lumaki sa tiyahin kong nabubuhay lamang sa pananahi ng mga garments. Nakakakain lamang ako ng mga ganitong pagkain dahil kay Bleek. "Halika saluhan mo ako." Anyaya ko rito habang kasalukuyan nilalamutak na ang tagilirang bahagi ng cake. Nilapag ko ang baonan sa damuhan at nagpatuloy sa pagkain.

"Sus, kulang pa sayo yan kunyari ka pa." Pang aasar pa nito. "Maiba ako Ororo, anong plano mo ngayon?" Seryosong tanong nito sa akin.

Inubos ko muna ang cake bago nagsalita. "Wala, siguro tutulong na lang ako kay Tiya sa garment shop. Total hindi pa naman ako puwedeng manilbihan kasi sixteen pa lang ako." Deretso kong sagot habang nagtatanggal ng tinga.

"Wala ka bang balak mag exam sa Assyr University?" Sambit nito

Nabilaukan akong bigla sa sinabi niyang iyon. "Wala noh. Kahit naman maipasa mo yong entrance exam don. Wala ka pa ring ligtas sa initiation of gifts." Pagtanggi ko sabay iling ng aking ulo.

Ngumiti si Bleek sa akin. Tila may laman ang ngiti niyang iyon. Ganitong ngiti ang ginagawa niya kapag ginu-good time niya ako. "Pwes, humanda ka na dahil sabay tayong mag eexam bukas." At tuluyan itong tumawa.

"Ha?" Nakanganga kong tanong. "Loko ka anong ginawa mo, Bleek naman hindi magandang biro yan." Aburido kong sabi.

"Ano ka ba, subukan lang natin. Malay mo di ba? Naalala mo ba ang palaging sabi ni Ms. Corsette? Na magic begins at heart, if you believe na may magic, magkaka magic ka." Nakayugyog pa ang mga balikat nito habang nagpapaliwanag.

Discovering Aetheria (EXCLUSIVELY SIGNED UNDER DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon