Chapter 2 - The Initiation

23.3K 806 79
                                    

"Tik tok tik tok" Tunog na gumising sakin. Mabilis akong bumangon at pumunta sa harap ng salamin. Pinagmasdan ko ang aking katawan at ang kulay ng aking balat. Wala namang nagbago. Nagpalakad lakad pa ako upang matiyak kung may nagbago sa aking pakiramdam pero lahat ay tulad lamang ng dati. Normal ang lahat sa akin. Ang ibig sabihin naipasa ko ang second exam. Nilingon ko ang aking alarm clock at mag aalas siyete na pala. Dali dali akong kumuha ng tuwalya para maligo dahil kailangang nasa university na ako bago mag alas nuwebe.

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Tiya Crised, gaya ng dati nakaupo ito sa isang mahabang couch na yari sa kahoy at nakaharap sa white wall kung saan nakaproject ang magic tool na naglalabas ng malapad at malinaw na tv screen. Nanunuod ito ng balita habang nagkakape. Lumingon ito ng marinig ang pagsara ko ng pinto. "O gising ka na pala." Bungad nito sa akin.

"Magandang umaga Tiya." Bati ko naman rito. "Maliligo muna ako at may pupuntahan po ako." Pagdadahilan ko rito dahil hindi ko sinabi sa kanya na nag exam ako sa university. Una ay dahil ayaw kong umasa siya at pangalawa eh baka ipagkalat pa niya sa mga kaibigan niya at nakakahiya yun kung hindi ako papasa. Papasok na sana ako ng banyo ng bigla akong natigilan sa isang balita na naka flash sa screen. Nakita kong iniinterview ang ibang mga magulang ng mga estudyanteng nag exam sa university. Ipinakita dito ang iilang estudyante na unconcious na sinugod sa hospital. Ang sabi ng isang iniinterview ay nakapanghihinayang daw na hindi naipasa ng kanyang anak ang second exam. Sa isip isip ko tuloy parang mas importante pa sa kanila ang maipasa ang exam kaysa buhay at kalagayan ng kanilang mga anak. Bigla ring pumasok sa isipan ko si Bleek. Nag aalala ako rito baka may nangyaring masama sa kanya.

Agad akong pumasok sa banyo at nagbuhos sa katawan. Ligong kambing lamang ang ginawa ko dahil hindi ko maiwaglit ang pag aalala kay Bleek. Bumalik ako ng kwarto at binuksan ang tukador at namili ng damit na isusuot. "Teka hindi ba ako nakapaglaba at puro pambahay ang nandito?" Mahina kong bulong habang hinahalungkat ang aking mga damit. Isang maluwang na pink shirt at jogging pants na kulay pula ang nakita kong puwedeng pagtiyagaang isuot. Tsaka ako lumabas ng kwarto.

"Tiya aalis po muna ako." Pagpapaalam ko kay Tiya Crised sabay mano sa kanyang kamay. Nakangiti ito sa akin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Doon ko rin napansin ang isang malaking maleta sa tabi ng couch.

"Ayan pinag impake na kita. Nasa labas  na ang tauhan ng university." Sambit nito na parang hindi man lang nagulat. Napansin kong may hawak hawak itong sobre at nakita ko ang maliit na logo ng university doon. Marahil ay pinadalhan na siya ng sulat ng university kaya alam na niya ang tungkol sa exam. "Huwag kang mag alala magiging maayos ako dito, basta pag igian mo doon." Dagdag pa nito.

"Eh Tiya, bakit naman may maleta na agad. Eh may isang exam pa naman po. Paano kong hindi ako pumasa doon." Kunot noo kong pagdadahilan sa kanya.

"Ano ka ba kung hindi ka papasa, ibabalik ka naman nila rito. Ang iniintindi ko kasi pag pumasa ka hindi ka na makakauwi rito hangga't hindi mo natatapos ang pag aaral mo don. Eh gusto mo bang walang maisuot?" Pagpapatuloy pa nito na kahit sa puntong ito ay kapakanan ko pa rin ang kanyang iniisip.

"Pero Tiya."

"Wala ng pero pero, humanda ka na at kanina pa naghihintay ang sundo mo sa labas." Sabay tumayo ito at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Masarap sa pakiramdam ang yakap na yon dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nito sa akin.

"Tiya hindi ako makahinga." Reklamo ko rito dahil may katabaan ito at hindi niya siguro napansin na nasobrahan na nito sa higpit ang yakap sa akin. Napansin kong unti unti ay tumulo ang mga luha nito sa gilid ng kanyang mga mata at hindi ko na rin napigilan ang mapaluha. Tears of joy and longing ika nga. Inihatid pa ako nito sa may pinto.

Discovering Aetheria (EXCLUSIVELY SIGNED UNDER DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon