Chapter 3 - The Final Test

20.4K 722 67
                                    

Bumalik ang lalaki sa kumpol naming magkakasama. Sumiksik ito sa bandang gitna at tila takot na takot. Naramdaman ko ang biglang paglamig ng silid at biglang bumuhos ang tubig sa aming paanan. Umabot ito hanggang tuhod. Bigla rin akong nakaramdam ng pangangatog ng tuhod kasabay ng panginginig ng aking mga kasamahan. Medyo nasasanay na rin ang aking mga mata sa dilim dahil kahit papano ay may mga sinag ng liwanag na nagmumula sa pintuan kung saan nanggagaling ang makapal na usok.

"Bloopp. bloop.blooop." Tunog na nagmumula sa mga bulang pumapaitaas mula sa tubig. Naging alerto ang lahat sa susunod na mangyayari. Biglang umalon ang tubig at tila may kung anong bagay ang humahampas dito.

"Hydra!" Sigaw ng isang babae. Nakita kong sumulpot mula sa tubig ang sampong naglalakihang Hydra. Kawangis nito ang isang malaking ahas na may limang ulo. May mahahaba at makakapal din itong tentacles na malayang humahampas sa tubig. Pinuluputan agad nito ang babae na halatang nabigla at hindi nagawang iwasan ang mga tentacles. Halos hindi ito makahinga sa ginagawang pagsakal ng hydra. Nakita kong hinila nito ang babae pailalim ng tubig. Ang iba naman ay abala sa pakikipaglaban. Nagpakawala ang mga ito ng ibat ibang klase ng mahika.

Mas lalo akong nanginig ng makita kong may umaalon na naman at malapit ito sa kinatatayuan ko. Tumigil ito at eksaktong sa tapat ko mismo. Napalunok ako ng dahan dahang may tumayo mula sa umbok ng tubig.

"Me-merman." Halos pabulong kong sambit dahil natuyo ang aking lalamunin. Tila walang boses na lumalabas sa aking bibig. Nakakapangilabot ang nilalang na nakatayo sa aking harapan. Halos nasa 7 feet ang taas nito. It has a big shark's head na abot hanggang likod ang palikpik. Ang katawan nito ay sa tao na nababalot ng kulay asul na malalaki at makakapal na kaliskis. May hawak itong trident. Pagdilat ng mga nanlilisik nitong mata ay sa akin agad ito tumama. Hindi ko magawang gumalaw at kahit sigaw ay walang lumalabas sakin. Nakita kong itinaas nito ang kanyang trident at aakmang itutusok sa akin. Wala akong ibang ginawa kundi ang ipananggalang ang dalawa kong kamay at pumikit na lamang.

"Pick! Blag!!" Tunog ng matigas na bagay na tumama sa isa pang matigas na bagay. Sa pakiramdam ko ay iyon na ang aking katapusan. Nakaramdam ako ng malalamig na bagay na tumatalsik sa aking mga kamay. Dinilat ko ang aking mga mata at laking taka ko na hindi tumama sa akin ang trident. Sa halip ay tumusok ito sa isang nagyeyelong harang sa aking harapan. Nakita ko rin ang isang babaeng may kulay asul na buhok at abala sa pagpapanatili sa nagyeyelong makapal na harang. Sumulyap ito sa akin.

"Hoy babae doon ka sa gitna." Mataray nitong utos. Mabilis naman akong kumaripas papunta sa gitna. "Makinig kayo! Use any elemental magic except fire." Utos nito sa aming mga kasamahan. Mabilis namang sumunod ang aking mga kasama. Lahat ng mga fire user ay pumunta sa gitna, sa tabi ko. Habang ang iba naman ay abala sa pakikipaglaban sa mga hydra. Halos mangalahati na ang bilang ng mga hydra at nanghihina na rin ang ibang nakikipaglaban dito. Ang babaeng may asul na buhok naman ay kanina pa sumasangga sa bawat atake ng Merman gamit ang kanyang ice shield. Puro pag depensa lamang ang ginagawa nito at hindi umaatake.

"Lahat ng lightning user lumapit dito sakin!" Sigaw pa ng babaeng may asul na buhok. Lumapit ang isang lalaki at dalawang babae sa kanya. May sinabi ito sa tatlo at tango lamang ang kanilang tinugon. Ang katabi kong mga fire user ay alerto din and doing their fighting stance. Habang ako ay nakatayo lamang at kinakagat ang aking mga daliri sa sobrang takot.

"Ngayon na." Sigaw ng babaeng may asul na buhok. Mabilis na pumwesto ang tatlong lightning user sa kanyang likuran. Nagconcentrate ang tatlo at unti unting may namumuong mga hibla ng kuryente sa kanilang katawan. Naipon ito sa kanilang mga kamay.

"Frost Binder!" Sigaw pa rin ng babaeng may asul na buhok habang nakahawak sa tubig. Biglang nanigas ang tubig sa sahig at naging yelo. Gumapang ito at binalot ng yelo ang mga hydra at merman. Ang pinagtataka ko ay hindi kami nasamang mga estudyante. Suminyas ang babae sa tatlong lightning user.

Discovering Aetheria (EXCLUSIVELY SIGNED UNDER DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon