Chapter 5 - The Uninvited

21.1K 648 69
                                    

Note: This story is already exclusively signed by dreame.com

          To read the whole story please visit dreame.com or download dreame app from playstore/appstore to enjoy full content of Discovering Aetheria. Just type Discovering Aetheria  or my pen name donechyros in the search button.

         Dreame is a new writing platform who offers fresh and fantastic stories for both readers and writers. Thank you and enjoy.
  

__________________

Lulan ng isang malaking flying feather ay isinakay ako ng Usher papunta sa aking quarter. Nasa ground floor ng tore ang quarters ng mga Condors. Habang lumilipad kami paibaba ay hindi ko mapigilang mag isip. Iniisip ko kung paano ko naipasa ang exams dahil halos puro swerte ang nangyari. Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari dahil wala man lang akong mahika na naipamalas considering na this is a school of magic. Hindi rin mawala sa aking isipan ang nangyari sa Proclamation Ceremony. Kung bakit wala silang records sa pagkatao ko dahil alam ko bilang residente ng Assyr lahat ay nakalathata kahit isa ka mang Mage o Commoner. Bumalik tuloy sa aking alaala ang palagi naming pagtatalo ni Tiya Crised hinggil sa aking pagkatao. Lagi kasi itong umiiwas kapag itinatanong ko sa kanya ang tungkol sa aking mga magulang. Lagi niya lang sinasabi na namatay sila sa isang aksidente noong sanggol pa lamang ako. Mag asawang buntong hininga ang aking pinakawalan.

"Ms. Oethir, this is your quarter." Dinig kong sabi ng Usher. Hindi ko namalayang nasa harap na pala kami ng isang malaking pinto dahil sa kakaisip. Gawa ito sa oak tree at may mga carvings sa gilid. Iniabot din sa akin ng Usher ang isang Green Card. "This will serve as your access key sa lahat ng facility ng university which is intended for Condors. Since nasa Condor ka pa lamang, limitado rin ang mga facility na iyong mapapasukan." Pagpapatuloy nito. Tumango lamang ako. "And be reminded that dinner will be serve at 8 p.m. kaya magbihis ka na.Your uniform will only be use during your trainings and class sessions." Pahayag pa rin ng Usher bago ito sumakay muli sa flying feather at tuluyang lumipad papalayo. Tumikhim ako tsaka itinapat ang card sa puwang sa may gilid ng pinto.

Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang malawak na espasyo sa silid. May tatlong bed na magkakatabi. May nauna na sa akin sa loob ng kwarto. Nakaupo ang mga ito sa magkabilang gilid na kama. Nakita ko ring nakapatong sa gitnang kama ang aking pink na maleta.

"Hello!" Bati ng babaeng nasa kanang bahagi ng aking kama.

"Raivenrei Flare, right?" Sagot ko rito.

Tumakbo ang babae papunta sa kinaroroonan ko na parang bata at agad kinuha ang aking kamay. "That's me!" Kasabay ang napakalaking ngiti. "Ako yung babaeng tumawag sayo sa final test. Remember fire ball?" Pagpapaliwanag pa nito. Tumango na lamang ako at hinayaang magkwento ang babae. May kakulitan si Raivenrei at halatang palakaibigan. Kulay pula ang buhok nito na hanggang balikat. Magkasing tangkad lang kami at kayumanggi ang kulay ng makinis niyang balat. Maganda ang hugis ng mukha nito at ang kapansin pansin sa lahat ang mabibilog nitong mata na kulay dark brown. Sinamahan pa ako nitong libutin ang buong kwarto at habang nag aayos ako ng gamit ay panay pa rin ang kwento nito.

Dedma lamang ang isa naming kasama sa kwarto at abala ito sa pakikinig ng music. Hindi rin siguro kami naririnig kasi malaki ang headset nito na may desenyong pakpak ng paru-paro sa magkabilang tainga. Sa pagkakatanda ko ay Xyljean Blizzard ang name niya ang babaeng may asul na buhok at asul na mata. Kapansin pansin din ang mala nyebe na kulay ng kanyang balat. Siya yung nagligtas sa akin sa Merman.

"Kanina pa ba kayo dito?" Tanong ko kay Raivenrei.

"Yap, pero mas nauna siya!" Sabay nguso nito paturo sa nakahigang si Xyljean.

Discovering Aetheria (EXCLUSIVELY SIGNED UNDER DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon