Chapter 4 - The Proclamation

23.3K 719 49
                                    

Biglang nawala ang mga earth eaters na kanina lang ay gusto na akong lamunin. Nagbago rin ang paligid at bumalik kami sa arena. Noon ko napagtanto na pawang mga simulation room lamang ang dalawang kwarto. Again, i was impressed. Napakaraming mahika ang kinakailangan para gumawa ng ganoong environment at lumikha ng ganoong mga nilalang. Sinubukan kong tumayo ng maayos at huwag ipahalata ang takot at hiya.

Sinuyod ko ng tingin ang buong arena at unang hinanap si Bleek. Nakita ko itong nakatayo lamang na walang bahid ng dumi ang damit. Agad namang inagaw ang aking atensyon ng babaeng nasa harap nito. Ang babaeng may pinakamataas na marka sa initiation kanina. Nakapamewang pa ito habang nakataas ang isang kilay at nakangisi. She stood proud as if she did something heroic . Nakatingin ito sa mga magic tools na nagpoproject ng malaking screens. Ng tiningnan ko ang apat na screens ay nakita ko ang short clips na nangyari sa final test. Bawat screen ay may kanya kanyang featured clips sa apat na pangkat. Sa unang screen ang babaeng nasa 1st Condor. Nilipol nito ang lahat ng monsters sa isang atake lamang. Ganun din ang sa second screen, highlight dito ang mass spell casting ng lahat ng nasa 2nd Condor na nagpatumba sa lahat ng kalaban. Nakaflashed naman sa pangatlong screen ang lalaking sinakrepisyo ang sarili para makasurvive ang karamihan sa 3rd Condor.

Bigla akong natigilan at nanlaki ang aking mga mata ng tumingin ako sa 4th screen. Nakita ko ang aking sarili na hinahabol ng mga earth eaters. Paulit ulit ang scene kung saan ako napasobsob sa buhangin. Napalunok na lamang ako at bigla kong naramdaman na umiinit ang aking mga pisngi at nanlalamig ang aking mga palad. Inaasar ba ako ng mga to? It's not helping! Sigaw ng aking isipan. Napansin ko rin na mas marami ang nakatingin sa 4th screen at bakas sa mga mukha ng mga nanonood ang pagtatawanan at nag aapiran pa ang iba. Naasar na ako sa mga pangyayari kaya mas minabuti ko na lamang na yumuko at hindi pansinin ang mga naririnig.

"Finally, we are down to 18 aspirants." Dinig kong sambit ng announcer. "6 from 4th Condor, 5 from 3rd Condor, 4 from 2nd Condor and lastly 3 from 1st Condor." Dagdag pa nito.

Nanatili akong nakayuko habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng announcer hanggang sa naramdaman kong may humawak sa magkabila kong balikat. "Are you ok Ors?" Paglingon ko ay nakita ko si Bleek na bahagyang nakangiti at bumuntong hininga pa ito. Alam ko na sa puntong iyon ay gusto niya lang palakasin ang aking loob at i comfort ako sa mga nangyari. I hold his right hand at ngumiti na rin dito. "Ayos lang ako Bleek." Sagot ko rito habang tumatango.

"Aspirants, Congratualations for making this far. Tapos na ang pagsusulit at ngayon isa na kayong official mages." Anunsyo ng announcer. Isang malakas na hiyawan at palakpakan na naman ang tinugon ng mga nanunuod. Ang iba ay may mga pangalan pang isinisigaw.

May lumitaw na mga circular platforms sa arena facing the stage kung saan naroroon ang announcer. May spiral design ito at matingkad na umiilaw. "Mages maari lamang na tumayo kayo sa mga platforms na yan." Sambit ng announcer. Magkasabay kaming naglakad ni Bleek papunta sa platform. Pinili namin ang dalawang magkatabi sa kanang bahagi. Tuluyan kong binitawan ang mga kamay nito at tumayo sa platforms. Pinagmasdan kong mabuti ang platforms habang nakapatong dito. May kalakihan ito na mga nasa 3 feet ang diameter.

"Ready Mages? Goodluck!" May pagbabadyang sambit ng announcer.

Biglang umilaw ang gilid ng platforms. The lights projected upward na parang isang laser lights. Tumingala ako at nakita kong nabalot rin ng liwanag ang aking ulohan. Kumalat ang liwanag sa aking katawan. It was too bright, blinding hanggang sa tuluyan akong napapikit. Ano na naman ba to? Dont tell me test na naman to? Kailan ba matatapos to? Mga tanong na naglalaro sa aking isipan. Mainit ang liwanag at isang malakas na vibration ang aking naramdaman. Isama pa ang nakakabinging tunog na lumalagitgit sa aking tainga. Makalipas ang isang minuto ay nawala ang tunog pati na ang init na nanggagaling sa liwanag. Slowly, I open my eyes.

Discovering Aetheria (EXCLUSIVELY SIGNED UNDER DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon