Prologue

48.2K 1.1K 63
                                    

"Huwag niyong hayaang makawala ang Reyna. Higpitan niyo ang kapit, walang bibitiw sa magical circle." Sigaw ng isang Archmage habang nagpapatuloy sa pagsulat ng isang forbidden seal. Nakaposisyon ang bawat Archmages sa anim na sulok ng hexagram. Bawat isa ay may kanya kanyang elementong taglay. Fire,water,earth, air, lightning and arcane.

"Ahhhhhhh, ahhhhhhhh." Mga ungol at angil ng Reyna habang paunti unti ay nanunuot sa balat nito ang mga katagang sinulat ng isang Archmage. Halo halo ang boses nito na animoy sa isang mabangis na hayop at minsan nama'y sa isang malambing na babae. "Nagkakamali kayo, wala akong kasalanan." Pagmamakaawa nito.

"Ngayon na!" Sigaw ng isa at magkasabay na itinaas ng anim na Archmages ang kani-kanilang magic staff. Naglakbay ang kani kanilang elementong taglay papunta sa dulo ng magic staffs at bumuo ng isang malaking bilog na pumalibot sa Reyna. Paunti unti ay binalot ng isang matigas na yelo ang katawan ng Reyna. Nagsimula sa kanyang mga paa. "Magbabayad kayo, isinusumpa ko babalik ako!" Isang napakalakas na sigaw ng Reyna. Isang desperadong sigaw bago tuluyang nabalot ng yelo ang buo nitong katawan.

Bumukas ang isang bilog na portal sa itaas ng nagyeyelo nitong katawan. "Enclusio" Sambit ng isang Archmage at mabilis na hinigop ang nagyeyelong katawan ng Reyna at tuluyang nagsara ang portal. Kasabay ng pagkawala ng Reyna ay siya ring parang bolang naglaho sa kasaysayan ang Kaharian ng Aetheria.

"Hoy Ororo nakatulog ka na naman." Dinig kong tawag ni Bleek na nakaupo sa aking likuran.

Lumingon ako at sinimangutan ang lalaki. "Bakit ba ang epal mo? Hindi mo ba nakikita, ini-internalize ko yung kwento. Panira ng moment." Masungit kong sagot sabay snob sa lalaki. "Hindi ko alam pero everytime na naririnig ko ang kwento tungkol sa Aetheria parang pakiramdam ko naandon ako mismo sa istorya."

"So this would be the last time na maririnig niyo akong magkwento. Goodluck sa graduation niyo bukas class." Anang ni Ms. Corsette. At nakuha niya pa talagang magkwento kahit sa kahuli hulihang araw ng klase. After graduation ano kayang naghihintay sakin at ang initiation of mages papasa kaya ako don? Paano ba ako papasa eh wala naman akong alam na magic. Bahala na.

Discovering Aetheria (EXCLUSIVELY SIGNED UNDER DREAME)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon