GUNITA KABANATA 13

14 2 1
                                    

[Kabanata 13 - Palayaw]

"PURING? Sa tingin mo, nasaan ngayon si Markus?" Tanong ko kay Puring, napatingin naman sa akin si Puring at napaisip. Narito kami ngayon sa ilog at naghuhugas ng pinggan, ang sabi nya ay sya na lang daw ngunit wala na akong magawa sa buhay ko kung kaya't sumama na ako sa kanya at tinulungan.

"Alas diyes na po ng umaga ngayon kung kaya't sa tingin ko ay nasa pamilihan na si Kuya Markus," sagot ni Puring at muling ikinuskos ang hawak nyang pinggan, napatango naman ako at ngumiti. Sa tuwing naaalala ko ang pagtanggap nya sa aking kamay ay tila nagdidiwang ang puso ko dahil sa saya, ang mapapayag mo ang isang malamig na tao ay isang malaking tagumpay.

"Binibini." Napatingin ako kay Puring mula sa pagkakatanaw sa mga ulap, nanatili akong nakangiti dahil masaya talaga ako. "Ano iyon?" Nakangiting tanong ko, kulang na lang ay ngumiti ako ng labas ngipin ngunit hindi iyon kaaya-ayang tignan lalo na kung ikaw ay tumatawa. "Ingatan nyo po ang inyong puso, baka mamaya ay biglang mahulog iyan sa patibong ng pag-ibig. Payo lang po," saad ni Puring at nginitian ako nang mahinahon, sa tuwing kasama ko sya ay napakahinahon nya.

Tumango naman ako habang nakangiti pa rin, sa tingin ko ay hindi na titibok pa ang puso ko dahil matagal nang patay ito. "Sinasabi mo ba na baka mahulog ang aking loob kay Markus?" Nakangiting tanong ko, napasulyap naman sa akin si Puring bago tumango. Natawa naman ako, sa kasungitan nya ay hindi ko ata magagawang mahuhulog sa kanya.

"Huwag kang mag-alala, hindi mangyayari iyon. Ang totoo n'yan ay may iba akong iniibig," nakangiting pagsisinungaling ko upang mapanatag na syang hindi ako mahuhulog kay Markus, hindi naman talaga mangyayari iyon dahil hindi na nito kayang tumibok pa. Ako'y hindi na naniniwala pa sa salitang pag-ibig.

"Sino po? Sandali, h-huwag nyo pong sabihin na may gusto talaga kayo kay Ginoong Da-" hindi na nya natapos ang sasabihin nya dahil agad ko syang pinigilan. "Wala akong gusto kay Danyiel. Sa kabila ng lahat ng nangyari, sya ay mananatili sa aking puso bilang isang kaibigan," nakangiting paglilinaw ko, ngiting nagsisimula na namang maging malungkot. Sa tuwing naiisip ko na hindi na nya ako kailanman tinuturing kaibigan ay nasasaktan ako, masakit mawalan ng kaibigan na sadyang kay lapit sa iyong puso.

"Danyiel? Sinong Danyiel?" Napahawak ako sa tapat ng aking puso at gulat na napatingin kay Markus na bigla na lamang sumulpot sa aking paligid. "Nakakagulat ka!" Sigaw ko habang nakahawak sa tapat ng aking puso ngunit sa huli ay natawa rin ako, dahan-dahang nawala ang ngiti sa aking labi nang makitang hindi naman sya natawa.

Umupo sya sa isang malaking bato na nasa tapat namin ni Puring ngunit laking gulat ko dahil wala na si Puring sa tabi ko, wala na rin sa aking kamay ang platong hinuhugasan ko kanina. Napatulala na lamang ako sa daan papanik sa itaas kung saan alam kong dumaan si Puring, bakit sya umalis? Iniwan nya akong mag-isa kasama ang lalaking ito na mukhang mainit na naman ang ulo, napayakap na lamang ako sa aking tuhod habang nakatingin sa kanya. Mahaba ang aking suot na saya at siguradong-sigurado ako na wala nang hahanginin pa rito.

"Galit ka?" Tanong ko ngunit ang kanyang mga mata ay nasa mga ulap, nawa'y naging ulap na lamang ako upang kahit sandali ay tignan nya naman ako. "Si Danyiel, sya ay aking kaibigan. Mabait sya, maginoo, palagi akong pinapansin, tinitignan ako-" hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil ang kanyang mga mata ay lumipat na sa akin, dahil sa kanyang titig ay nasamid ako at napaubo.

"Ngunit bakit nga tila masama ang iyong araw?" Tanong ko muli at pinagmasdan ang kanyang makinis na mukha. "Hindi naman masama ang araw ko at hindi rin ako galit," sagot nya at kumuha ng maliit na bato bago ihagis iyon sa malinis na tubig ng ilog, napahawak ako sa tapat ng aking puso dahil ang lakas ng pagkakahagis nya. Hindi pa sya galit sa lagay na iyan?

Pag-ibig Serye #2: GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon