GUNITA KABANATA 21

16 3 0
                                    

[Kabanata 21 - Umaasa]

Pilipinas, 1868

"FELIZ cumpleaños, Binibining Carolina!" Nakangiting pagbati ng isang Don at Doña na kaibigan ni Ama at Ina sa akin, napakurap ako ng dalawang beses habang naka-angat ng tingin sa Don at Doña na nasa harapan ko ngayon. Sino ba itong mga 'to?

Nang pasimple akong kurutin ni Ina ay wala akong ibang nagawa kung hindi ang pilit na ngumiti at tumango, ang sabi ni Gwenaelle ay huwag ko raw pansinin ng mga taong hindi ko naman kilala dahil hindi ko naman sila kilala. Mukhang mapapagalitan na naman ako ni Ina nito.

Nagpaalam na ako sa kanila at dali-daling naglakad papalapit kay Gwenaelle na nakatulala ngayon sa aming mga handa para sa aking kaarawan, tila nais na nyang lamunin ito ngayon. Napasulyap sya sa akin ngunit muli ring bumalik agad sa mga pagkain, si Don Gillermo at Doña Gabriella na syang kanyang mga magulang ay abala rin sa pakikupag-usap sa kapwa Don at Doña tulad ng aking mga magulang.

Umupo na ako sa kanyang tabi, labing limang taong gulang na ako ngayon habang si Gwenaelle ay patungo na rin sa edad na iyon sa darating na disyembre. "Gwen, bakit ganoon? Tila kawalan naman ng respeto ang iyong itinuro sa akin," napakakamot sa noong saad ko, napalingon sya sa akin at nginitian ako.

"Na syang puno ng katotohanan," nakangiting sagot nya, sumama ang aking tingin sa kanya. "Kung gayon, bakit mo pa sinabi sa akin?" Nakasimangot na tanong ko, lumawak ang ngiti sa kanyang labi. "Wala naman kasi akong sinabing gayahin mo kung kaya't huwag ako ang sisihin mo," taas noong sagot nya na tila nais nya talagang sabihin na wala syang kasalanan, natawa na lamang ako.

Pasalamat sya at magaan ang aking loob sa kanya at malawak din ang aking pang-unawa, ganoon kasi ang ugali nya at nahawa pa ako. Hindi nya pinapansin ang mga tao kung hindi nya nanaisin, ang sama ng ugali ano? Taas kilay ko syang tinignan nang bigla syang kumapit sa aking braso at nginitian ng sobrang lawak.

"Maligayang kaarawan talaga sa iyo, kaibigan. Umaasa ako na mabuhay ka pa rin hangga't gusto mo, maaari na ba akong kumain?" Nakangiting tanong nya at inunguso ang mga handa, natawa naman ako dahil sa sinabi nya at tumango.

"Oo, kumain ka hangga't gusto mo. Huwag nga lang masyadong sobra dahil baka maging laman ka ng palikuran," nakangiting saad ko at kinindatan sya, tila biglang nagliwanag ang kanyang mukha at kumaway sa akin bago kuhanin ang kanyang plato at pasimpleng sinimulan ang pagkain.

Hindi tama na ikaw ay kumain hangga't hindi pa kumakain ang lahat ngunit mukhang hindi na nya mapigilan pa kung kaya't hinayaan ko na sya, minsan ay nagiging masama na rin ako dahil dito sa aking kaibigan. Nawa'y patawarin ako ng panginoon dahil kaarawan ko naman ngayon, nawa'y mabuhay nga ako hangga't gusto ko.

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at naglakad patungo sa labas, kaarawan ko nga ngayon at kay garbo ng kasiyahan ngunit hindi ko naman ito maramdaman. Nais ko na lanang lumabas at tanawin ang mga ulap, kahit iyon lang ay magiging kumpleto na ang araw ko.

Pag-ibig Serye #2: GunitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon