Chapter 17: Night-Out

34.6K 1.2K 697
                                    

Ashleene's PoV:


"Goodbye class. Don't forget na gawin ang mga to-do task nyo. See you on Monday. Enjoy your weekends." Our last subject prof. said. He gathered all his things at tuluyan nang lumabas ng classroom namin.


Once he's out, sabay-sabay na napahiyaw kami sa tuwa ng mga kaklase. We're happy dahil finally, Friday na! Mapapasabi ka na lang talaga ng TGIF. I think, ito nga siguro ang favorite day ko in a week. Yung tipong pagkatapos ng araw na to, makakapagpahinga ako.


Nakipagchikahan muna ako sa mga kaklase ko for a while bago ko napagdesisyunang ligpitin na ang aking gamit. After I gathered all my things, I started to make my way outside of the classroom.


Now, narito na ako ngayon sa hallway habang diretso lang ang tingin ko sa gitna. I didn't bother to look at anyone.


If you guys are asking kung anong nangyari after that day na nag-announce si Miss President, naging ilag na sa akin ang mga estudyante dito. And I don't know why. As much as I remember ay harmless naman akong tao. On the lther side, okay lang din yun since wala na akong naririnig na kung ano pa man sa akin.


Speaking of her, ilang araw ko ng hindi nakikita o nasisilayan man lang si Freyja. Napabuga ako ng hangin sa kawalan. Base sa source kong si Zarrain, marami raw kasing inaasikaso ang pinsan nya. Ayaw ko namang pumunta sa office nya baka kasi mamaya ay maka-abala ako.


Aish. I miss her. I'm not gonna deny it anymore.


Sa pag-iisip, hindi ko man lang namalayan na nandito na pala ako sa parking lot. Binuksan ko ang engine ng aking sasakyan at nagsimulang magmaneho papunta sa aking condo unit.


Minutes later, I'm already here. Tinap ko na ang passcode ko. I quickly changed my clothes into a comfortable one. Hindi na ako nag-abala pang magpunta ng aking room para lang tanggalin ang aking suot na uniporme.


Mabilis na pinasadahan ko ng tingin ang loob ng aking condo unit. Wala naman sigurong makakakita na iba sa akin right? Wala namang mga hidden camera dito.


I yawned. Hmm... Parang ang sarap matulog. I really miss my bed na talaga. Patamad na naglakad ako papunta sa aking bedroom. I'm now lying in my bed at nakapikit na rin ang aking mata nang marinig kong tumunog ang aking cellphone.


Hindi ko maiwasang mapakunot-noo nang makuha ko ang aking cellphone. For the second time around, hindi na naman nakaregister ang number sa aking phonebook. Aish. Sino naman kaya to? Baka mamaya ay na-wrong number lang.

I heaved a deep sigh before pressing the answer button. "Hello?"

"Ashleene!!!" Mabilis na nailayo ko ang aking cellphone. Gosh. Ang sakit sa tenga. Pero wait, that voice, kilalang-kilala ko kung sino yun.


"Princess! Oh my gosh." I squealed too in surprised. "It's been a long time. Kamusta ka na?"


"I'm fine. Still gorgeous as ever." She said. I quickly giggled because of that. Nagbubuhat pa rin pala sya ng sarili nyang bangko. On the other side, totoo naman.

"By the way, are you free later?" Napaisip naman ako dahil don. Wala naman ako sigurong gagawin. Atsaka friday nights naman.


"Yup. Free na free." I answered.


"That's great then. Let me invite you. Tara bar tayo. I hope we can manage to catch up. Matagal-tagal na rin nung huli tayong nagkita." She said and I couldn't agree more. We chitchatted for a while bago namin tinapos ang aming usapan.


How to Stop an Obsessive Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon