Ashleene's PoV:
Many months had past, going strong pa rin kaming dalawa ni Freyja. In fact, mas lalo ko pa syang nakikilala bawat araw. I'm happy with that. I got to see different emotions and phase of her. Mas lalo syang nagiging sweet. Damn. I can't believe it.
And oh, I have a great news for you guys. Finally, naka-graduate na rin ang asawa ko sa college. She's done with her studies na a month ago. Syempre, proud na proud ako lalo na't napakarami nyang awards. Kasama pa kaya ako sa recognition nya.
While me, I'm still studying. I'm on my last year na rin pero 2 months break muna kaya bakasyon ko ngayon.
By the way, alam na ng lahat kung anong namamagitan sa aming dalawa. We're out. Trust me, ang sarap sa pakiramdam lalo na't malaya na kamig makakagalaw.
She can't work right now lalo na't Freyja's on her ninth month na. Her tummy's so big. Parang bola. So cute haha.
I tried my best para hindi sya bigyan ng ikaka-stress nya. Hindi ko na muna ino-open pa ang nangyari sa island since it's a sensitive issue. But what happened in that island is a good experience. Marami akong natutunan. That is a good chapter of my life.
Sooner or later ay pwedeng-pwede na syang manganak. Kabuwanan nya na rin kasi ngayon. Magkahalong kaba at excitement ang lagi kong nararamdaman sa araw-araw. I can't wait to see our baby in the future.
"Freyja, may naiisip ka na bang pangalan para sa baby natin?" Tanong ko habang marahang hinahaplos-haplos ang kanyang baby bump.
Nasa couch kami ngayon. She's in between of my legs at nakasandal sya sa akin. Ang isa kong kamay naman ay prenteng nakapatong sa kanyang legs.
"Meron. May pang-girl at may pang-boy na pero hindi ko sasabihin sayo." Mataray na saad nito at mas sumiksik pa sa akin. Napanguso naman ako dahil don. Hmp. Ano yun? Secret muna? I badly want to know na tuloy.
If you guys are wondering, hindi muna namin inalam kung ano ang gender ng magiging baby namin. We want some surprise.
"Don't give me that kind of face. I can see it kahit hindi kita nakikita." She said. I wonder kung may superpowers ba sya at nakikita nya ako.
"Malalaman mo rin naman. Tsk. Ayaw mo ba nun? It's a surprise after all." Point taken. Nagbaling na sya ng tingin sa akin. I came face-to-face with her blooming gorgeous face. Ang ganda-ganda nya talaga.
"Pwede ba akong magsuggest ng name?" At pinacute-an pa talaga ang aking boses. I even flashed my alluring stares at her. Baka madala ko sya sa ganto eh.
"No." Poker-face nyang saad. Parang bumagsak ang balikat ko dahil don. Why? Ano pa bang kailangan kong gawin? Huhu.
Akmang magrereklamo pa sana ako nang magsalita syang muli.
"Wait. Pwede naman." Nakita kong sumilay ang mapaglarong ngisi sa kanyang labi. Uh-oh. I don't like that smirk.
"Pwede kung ikaw naman ang magbubuntis sa ating dalawa."
Automatic na nanlaki ang aking mata. My mouth parted a little. Damn. I didn't expect that.
Parang tinakasan ako bigla ng lakas. Biglang nagflashback sa isipan ko ang mga oras na nakaka-experience sya ng morning sickness, cravings, swollen breasts, and many more.
Feeling ko kung ako ang nasa sitwasyon nya, hindi ko kakayanin. I admire Freyja. My wife's really strong and brave.
"Ano? I'm waiting for your answer?" Nakataas-kilay nitong tanong sa akin.
BINABASA MO ANG
How to Stop an Obsessive Love?
Teen FictionFreyja Akane Mitsuki. The SC President. The almost perfect. Hinahangaan ng maraming estudyante dahil sa taglay nyang ganda. She have a body to die for. Strikto. Ang pinaka-ayaw nya sa lahat ay ang mga taong hindi sumusunod sa kanya. Ashleene Conra...