Ashleene's PoV:
"P-Princess?" Hindi makapaniwalang saad ko. Hindi ko pwedeng magkamali. Alam kong sa kanya ang boses na yun.
She's still singing. It can be heard in the place I'm in right now lalo na't tahimik at puro huni ng ibon ang maririnig mo.
"Nasaan k——" Napatigil ako sa pagsigaw nang sumagi sa isipan ko na baka mamaya ay nandyan lang sa paligid ang asawa ko.
Her song... It's a familiar to me. Hindi ko lang talaga maalala ang title nito. Napalinga-linga ako sa paligid. Sinimulan kong sundan ang tinig na naririnig ko. I'm now walking towards the voice's direction.
My attention are now on my bestfriend. I changed my mind. Wala na akong pakielam pa kung makita ako ni Freyja o hindi. I just want to know if she's safe or not.
Dinala ako ng mga paa ko sa isang bahay. Wow. Tago talaga. Who would have thought na mayroong ganito rito sa forest? The voice also stopped singing. Mabuti na lang at nandito na ako.
I scanned the house. Nakalock sya. May nakita akong isang bintana sa may bandang likuran nito. I quickly make my way towards it and took a peek inside.
I gasped in surprise when I caught a glimpse of my bestfriend. Napasapo ako sa aking bibig. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. But on top of that, masaya akong makita na buhay sya at walang nangyaring masama sa kanya.
Nakapikit ang kanyang mata na parang nagpapahinga. Nakagapos din sya sa isang silya. Walang masyadong gamit akong nakikita sa loob.
Napakuyom ang aking kamao. So all along, tama nga talaga ang hinala ko na si Freyja ang dahilan kung bakit sya nawala? Fuck. I want to punch myself. I'm really dumb. Masyado akong nagbulag-bulagan sa pagmamahal ko.
Bumalik muli ako sa bandang pintuan. Now, I'm carrying a rock. Balak kong sirain ang padlock gamit nito. I tried my best and luckily, I succeeded.
Hindi ako nagpatumpik-tumpik na buksan ang pintuan. "Princess!" Hinihingal kong saad. I quickly ran towards her and pulled her into a hug. Oh God. For the first time again, naramdaman kong may kakampi ako rito sa private island na to.
"What the? Ashleene?" Automatic na nanlaki ang kanyang mata. Her mouth parted a little just by looking at me. Mahahalata ang gulat sa kanyang mata.
"What are you doing here? How did you get in here? Atsaka, hindi ka dapat narito!" She exclaimed. I can see sadness on her face.
"Don't worry. I'm fine. Hindi ko namaj ginusto na mapunta rito. Freyja took me at sya ang nagdala sa akin dito." Saad ko habang marahang hinahaplos-haplos ang kanyang balikat.
On the other hand, It's a good thing na nandito ako lalo na't andito ang bestfriend ko. I'll make sure na makakaalis kami ng ligtas at buhay dito. I'll do what it takes.
Nakita ko kung paano nagbago ang kanyang expression when I mentioned her name. She seems mad. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Marami akong nakikitang galos at sugat. May mga pasa rin akong nakikita
"Fuck! Who did this to you huh?! Si Freyja ba?" My lips formed a tight lip smile. Hindi ko na mapigilan pa ang pag-usbong ng galit sa akin. I hate to say this but I'm mad at Freyja.
"Y-Yeah... Sya nga. Sya rin ang kumidnap sa akin kaya napunta ako rito." Malalim na napabuntong-hininga sya. I torn a part of my shirt. Marahang pinunasan ko ang dugong dumadaloy sa kanyang noo. I can't help but to feel quilty on her situations right now.
BINABASA MO ANG
How to Stop an Obsessive Love?
Teen FictionFreyja Akane Mitsuki. The SC President. The almost perfect. Hinahangaan ng maraming estudyante dahil sa taglay nyang ganda. She have a body to die for. Strikto. Ang pinaka-ayaw nya sa lahat ay ang mga taong hindi sumusunod sa kanya. Ashleene Conra...