Chapter 11

1.2K 36 5
                                    

NGAYON ANG ARAW na uuwi na dito sila itay kaya naman medyo busy ako at hindi ko masyadong makausap si Dean o Kierol.

Naghahanda na kasi kami ng makakain nila itay dahil sa layo ng biniyahe nila at tiyak na mga gutom na sila.

"Len, Ayos na ba yung dahon ng saging? Ilalapag na diyan ang kanin at pati na din ang mga ulam." Sabi ni aling Corazon.

Kapit-bahay namin sila Aling Corazon at kada umuuwi sila itay ay kasama naming siyang naghahanda.

"Opo, Aling Corazon. Maaari ninyo na pong ilagay dito ang kanin at ulam."
sagot ko.

Nakangiting tumango naman siya at sinalin na dun ang mga kanin at inayos din ang paglalagay ng ulam katulad ng Bangus,grilled porkchop,
itlog na maalat at iba pa.

Nang matapos na naming mahain ang lahat ay nag abang na kami sa may bungad para sa pagdating nila tatay.

Hanggang sa nakita na namin ang apat na kalalakihan na papunta na dito sa aming pwesto.

Pero kumunot ang noo ko ng parang balisa si itay at nagmamadali,mukha rin itong galit.

"Lenlen! Bakit ka nandito!?" Nagulat ako ng sigawan ako ni itay nang nasa harap na namin siya.

Sila tiyo naman ay akala mo ay binabantayan kami dahil tumitingin sa may bungad at kapwa mga balisa.

"Tay? May nangyari po ba?" Tanong ko kay itay pero kinaladkad lang ako nito papuntang bahay.

Pati ang mga kasama ko kaninang sila Erick, Aling Corazon ay nagtataka sa inasal ni tatay pero sumunod din sa amin.

"Tatay..." Naiiyak ko nang sabi.

Nung una ay sinigawan niya ako ngayon naman ay sa mahigpit niya hawak sa braso ko at pabalang akong binitawan nang nandito na kami sa bahay.

"Lenlen! Anong sinabi ko sayo!? Hindi ba ay ang kabilin bilinan ko sayo ay 'wag na 'wag kang aalis dito sa bahay!" Malakas na sabi niya.

"Tay! Ano po bang problema ninyo!? B-bakit ninyo po ako sinigawan..."
Pahina nang pahina ang boses ko

Rinig ko naman napamura si tatay nang sunod sunod na tumulo ang luha ko hanggang sa namalayan ko nalang na iniwan niya na ako dito.

Napapitlag ako ng may mga brasong yumapos sa aking katawan.

Nang tingalain ko ito ay nakita kong si Kierol ito kaya mabilis ko siyang niyakap pabalik habang umiiyak.

"Tahan ka na." Sabi niya.

Hinahaplos haplos niya ang likod ko habang binubulungan ako ng magagandang salita.

"Lenlen pinapatanong ni Dean kung ayos ka lang..." napahiwalay ako kay Kierol nang marinig ang boses ni Erick.

Pahina pa nga ng pahina ang boses niya siguro dahil sa nahuli kami sa ganung akto.

Kasama niya din si Dean na walang emosyon.

"A-ayos lang ako." sagot ko at nakita ko namang tumango si Dean at kinalabit si Erick para siguro ay umalis na.

"Panira..." rinig kong bulong ni Kierol.

Pinunasan ko ang mata ko na may luha bago tumingin kay Kierol.

"A-ah Salamat sa pagyakap mo sakin.." nahihiyang sabi ko sa kaniya.

"Wala namang problema iyon sa akin,
Nag-away ba kayo ni Tito?" tanong niya.

"H-hindi ko alam, basta pagkadating na pagkadating niya ay sinigawan niya na ako at kinaladkad pauwi dito sa bahay. Iyon ang unang beses na pinagtaasan ako ng boses ni itay." sabi ko.

"Don't worry, siguro ay mainit lang ang ulo ni tito." sabi niya.

Nang manghapon ay hindi na ako muling lumabas nang aking kwarto sa kadahilanang natatakot akong mapagalitan muli.

Kailanman ay hindi ako pinagtaasan ng boses o sinaktan ni tatay, ni magalit nga ay hindi niya magawa kaya siguro ganito nalang ang epekto nito sa akin ngayon.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok.

"Anak si tata–––"

"Matutulog po ako." pagputol ko sa sasabihin ni tatay.

Rinig ko naman siyang bumuntong hininga bago ko narinig ang pag alis niya.

Nahiga akong muli si kama at hindi nanaman napigilan ang pag iyak.

Ayokong ayoko sa lahat ang nasisigawan dahil malaki ang epekto nito sa akin.

Noong dati ngang nag away kami ni Kierol at sinigawan niya ako ay tatlong araw ko siyang hindi pinansin at pinagalitan pa siya ni tatay.

Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako nang madilim na sa labas at kumakalam na ang sikmura ko hanggang sa naalala kong hindi pala ako kumain nang tanghalian dahil na din sa tampo ko kay itay.

Napabuntong hininga ako at binuksan ang pinto, nagulat ako ng makita ko si Dean na nakaupo sa may pinto at parang hininhintay ako.

"Dean?"sabi ko.

Minulat naman niya ang mata at kinapa kapa ang kamay hanggang sa makapa niya ako.

"Are you okay now Kinsley?"tanong niya at pinilit na tumayo.

Tinulungan ko naman siyang tumayo.

"Oo naman, saka kanina ka pa dito?"
tanong ko.

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"Actually kanina pa kita gustong katukin dahil alam kong hindi ka nakakain ng tanghalian and so i just want to know kung maayos na ba ikaw? Narinig kong sinigawan ka ni tito." sabi niya.

"Salamat sa pag aalala Dean pero ayos lang ako at kaya nga lalabas na ako dahil kumakalam na ang tiyan ko. Ikaw ba kumain ka na?" tanong ko.

"Hinintay kita..."sabi niya kaya nanlaki ang mata ko.

"Hala baka gutom ka na at hinintay mo pa talaga ako."sabi ko at nagsimula na kaming lumakad.

Napatigil ako sa paglalakad kaya napatigil din sa paglalakad si Dean.

Nakita ko kasi si tatay na nakaupo sa may hapag habang sumisimsim sa kape niya, kasama niya din sila tiyo Bernard.

Para silang may mahalagang pinag uusapan dahil ang seseryoso ng kanilang mga mukha.

"Wala ka pa bang balak ipakita man lang kay Maria si Lenlen? Lucio karapatan din ng bata na makita at makasama ang ina niya." Sabi ni tiyo Paulo.

Napakunot naman ang noo ko nang marinig ko ang pangalan ko.

Maging si Dean din ay nangunot ang noo.

"Hinihiling na ni Maria na kahit isang oras lang ay makasama niya si len––"

"A-anak!" napatigil sa pagsasalita si tiyo Bernard nang sumigaw si tatay.

Gulat na gulat ang mga mukha nilang nakatingin sa amin.

Itutuloy.
❄️
Parehas kami ni Len na naiiyak sa sigaw hehe.
Comments and votes are highly appreciated:)

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon