Chapter 12

1.2K 37 11
                                    

NAKAKUNOT ANG NOO na lumapit kami ni Dean kila tatay na ngayon ay parang nakakita nang multo.

"N-narinig mo ba ang p-pinaguusapan namin?" Nauuutal na tanong ni tatay.

"Sino po si Maria? Ano pong koneksyon niya sa akin? Narinig ko po kasi ang pangalan ko." bagkus ay sabi.

"W-wala iyon hija." sabi naman ni tiyo Bernard.

"Paano pong wala? E kakasabi ninyo lang po na gusto niya akong makita at makasama. Tay wag na po kayong mag sinungaling sa akin, sino si Maria?" tanong ko kay tatay.

Napalunok naman siya at tumingin kila tiyo na mga nagsiiwasan nang tingin.

"Kaibigan ko si Maria mula sa Maynila at...at nagkita kami, gusto ka daw niyang makita pero ang sabi ko ay nandito ka sa probinsya."sagot ni tatay.

Pero hindi ako naniwala.

"Ganun po ba?" paninigurado ko pa.

Tumango naman siya kaya kahit nag dududa pa din ako ay tumango nalang ako at pinaupo sa may hapag si Dean.

Nagsandok na ako ng kanin namin at ulam na grilled porkchop na natira kanina.

"Kain na tayo Dean, kain po tay, tiyo." sabi ko at mga nagsitanguan naman sila at sinabing busog na at pagkatapos ay umalis.

Nang kami nalang ni Dean ang natira dito ay nagbukas ako ng usapin.

"Dean, sa tingin mo sino si Maria?"
tanong ko sa kaniya.

Napahinto naman siya sa pagkain.

"Your mom." sabi niya na siyang nagpalaki ng mata ko.

"I just think about it because the way your dad talking about her is kinda weird." sabi niya pa.

"K-kung si nanay nga yun ay bakit nagsinungaling si itay?" tanong ko na parang alam ni Dean ang sagot.

"I don't know." sagot niya, sabi na.

"Finish your food Len, wag mo nang isipin pa ang Maria na iyon, malalaman mo din kung sino iyon balang araw." sabi ni Dean.

Nang matapos kaming kumain ni Dean ay hinugasan ko na ang aming mga pinagkainan bago kami pumasok sa bahay.

"Tara na Dean." sabi ko at tinayo na si Dean.

Hinatid ko na siya sa kaniyang silid at nagpaalam na ako na ako ay babalik naman sa aking silid.

"Good night Kinsley." ani ni Dean.

"Good night." sagot ko naman.

Sinarado ko na ang pinto nang kwarto niya at napahawak pa ako sa aking dibdib nang pagkaharap ko sa ay bumungad sa akin ang nakangiting si Kiero.

"Bakit hindi mo man lang ako pinuntahan sa kwarto? Bakit si Dean lang?" nagtatampong sabi niya.

Andito kami sa likod bahay malapit sa hapag at nagpapahangin.

Kanina ay nagulat pa ako sa biglaan niyang pagsulpot kaya pinagpapalo ko siya.

"Nag abang si Dean sa akin mula sa labas nang kwarto ko at nag usap kami, nalaman kong hindi pa siya kumakain tulad ko kaya nagsabay na kami. Sabi niya pa ay hinintay niya talaga ako." sabi ko.

"Sus nag abang lang e ako nga dinamayan kita kanina nung umiiyak ka." Sabi pa ni Kierol.

"Para kang bata Kierol." sabi ko.

"E kasi naman..."

"Wag ka nang magsalita, naiirita ako." inis kong sabi.

Tinatanaw ko lang ang bundok na malapit sa aming bayan nang may makulit nanamang nang gugulo sa akin.

Inis na pinalo ko ang kamay niya pinaglalaruan ang may kahabaang kong buhok.

"Wala ka bang magawa?" Inis na sabi ko.

Ngumuso naman siya.

"Galit agad..."bulong bulong niya pa.

Kinabukasan ay tinahangli ako ng gising dahil na din sa pagpupuyat ko kagabi kasama si Kierol.

"Aga mo naman nagising te." pagkalabas ko palang ng kwarto ay iyon na ang bungad ni Erick.

Inirapan ko naman siya at lumabas nang bahay upang makakain na.

"Ano bang pinagkaabalahan mo kagabi at napuyat? uy siguro may sometheng na sa inyo ni Dean noh? Yieee." pang aasar pa ni Erick na talagang sinundan pa ako dito.

"Something yun." pagtatama ko.

"Sus isang letter lang naman, parehas lang yun." sabi niya.

"Nasaan nga pala si Kierol? hindi ko pa siya nakikita mula kanina." tanong ko kay Erick habang hinuhugasan ang aking pinagkainan.

"Kasama ni tito sa bayan upang mamili nang mga pagkain, naubos daw kasi ang istock kahapon." sagot niya na siyang tinaguan ko.

Nang matapos na ako maghugas ay napagpasyahan kong hanapin si Dean.

"Si Dean nga pala? Nasaan?" Tanong ko.

"Sa palagi niyang tambayan as usual sa kwarto niya." sabi ni Erick at nagpaalam sa aking babalik sa bahay nila upang maligo.

Matapos kong punasan ang kamay ko ay agad na akong dumiretso sa silid ni Dean.

Kumatok muna ako ng tatlong beses bago ko narinig ang boses ni Dean.

"Bakit ngayon ka lang? Kumain ka na ba?" pagpasok ko palang ay iyon na agad ang bungad ni Dean.

"Ah napuyat kasi ako kagabi, n-nagkuwentuhan pa kami ni Kierol at oo kumain na ako kakatapos lang." sagot ko at naupo sa tabi niya.

"M-may bago ka bang naalala?" tanong ko, kinakabahan.

"Yes." maikiling sagot niya.

"Ano?"interesadong tanong ko.

"Naalala mo pa ba ang babaeng una kong napanaginipan na ngayon at naalala ko nang si Clementine na asawa na ni Zyair, Meron nanaman akong napanaginipan na babae kaninang paggising ko."
pagkukuwento niya

"P-pero hindi tulad nang nararamdaman ko kay Clementine ang naramdaman ko sa kaniya habang kasama ko siya sa aking panaginip."dagdag pa niya.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko.

"Hattie. That's her name. Hattie is my first love, naging kami for 4 years at naghiwalay dahil may pinili niya ang nireto sa kaniya ng kaibigan from Australia."

"Isang taon makalipas nun nang makilala ko si Clementine nang dahil kay Zyair."

"A-akala ko may chance na ako sa kaniya kasi sinabi lang naman ni Zyair na babysitter ito ni Zane ang kaso ay nabalitaan ko nalang na ang mga katarantaduhang ginawa ni Zyair kay Tine, may nangyari sa kanila."

"I help Clementine na magtago kay Zyair, kahit gaano pa karami ang mga taong inuutusan ni Zyair na hanapin si Clementine ay hinaharangan ko."

"Kahit alam kong pwedeng masira ang pagkakaibigan namin ay ginawa ko pa din." pagtatapos ni Dean.

"So naalala mo na ang pangalan mo?" tanong ko.

"I'm Griffin Ashley Sullivan." sagot niya.

Itutuloy.
❄️
Sino kaya si Hattie?
Comments and votes are highly appreciated:)
Have a nice weekend everyone 😊🦋

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon