Chapter 25

1.2K 39 12
                                    

PAGKABITIW KO sa yakap ay agad kong pinaliwanag ang lahat, kung bakit ako tumagal at kung sino ang kasama ko. Habang sinasabi ko iyon ay pansin ko kay Kierol na nag iba ang aura nito na parang galit na ewan.

"Next time, sabihin mo muna ako bago ka magpadalos dalos. Kahit na nagkakilala na kayo ng Griffin na iyon ay wala pa din akong tiwala sa kaniya." saad ni Kierol.

"Naiintindihan ko. Nag insist na din kasi siya kaya naman pumayag na din ako." nakayuko kong sabi.

Tumango lamang si Kierol at buong araw akong hindi kinibo, kapag pinipilit ko naman siyang kausapin ay pumapasok lamang ito sa kaniyang kwarto kaya naman pinabayaan ko nalang din.

Hanggang ngayon ay hindi pa din umuuwi sila itay kaya kada araw ay pakaba na pakaba ang nararamdam ko.

Tumunog ang cellphone ni Kierol na naiwan pala dito sa may sala.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa may sofa at lumapit sa mesa kung saan nakalagay ang cellphone.

Biglang bumilis ang pintig ng puso ko ng makita ko ang pangalan ng tumatawag.

Dali dali ko itong sinagot habang nakatakip ang kamay sa bibig upang hindi makagawa ng anumang ingay.

"Kierol..." Hinigingal na boses ng aking ama ang aking narinig.

"Hijo, ikaw nang bahala sa aking anak. Gustong gusto kong bumalik na diyan pero hindi pwede, dalawa nalang kaming natitirang lumalaban. Wala na  sila Paul. Kierol, hijo habang hindi pa ako makakabalik o hindi man na ako makabalik ang gusto ko lang at tanging hiling ko ay alagaan mo ang anak ko at huwag na wag siya sasaktan. Mahal na mahal ko iyon."

Pagkatapos ay naputol na ang tawag.

Bigla na lamag bumuhos ang luha ko at hindi na napigilan pa ang emosyon, b-bakit ganon? Bakit ganon ang nga sinabi ni itay?

"Len? What the.... Why are you crying?" napatingin ako kay Kierol na siyang kakalabas lang ng kwarto, agad ko siyang nilapitan at niyakap.

Hinihas himas naman niya ang likod ko upang matulungan akong tumahan.

"Why?"

"T-tumawas sa cellphone mo si i-itay. H-hindi ko maintindihan kung bakit parang namamaalam ang tono niya. B-binibilin niya ako sayo. Kierol! Puntahan natin si itay! Kailangan ko siyang makita Kierol!" Iyak ko.

"Shh shh tahan na." Pag aalo pa nito.

Maya maya tumigil na ako sa pag iyak ay kinuha ni Kierol ang cellphone niya at sinubukang tawagan si itay ngunit hindi man lang ito nag riring.

"I'm pretty sure na walang ibang masama ang nangyari kay tito, i think he just inform us." malambing na sambit ni Kierol pero umiling lang ako.

"Hindi e! Ang s-sabi niya kung hindi na daw siya makakabalik ay i-ika—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tumunog muli ang cellphone ni Kierol.

Dali dali ko iyon tinignan at nakita ang pangalan ni itay.

"Tay!" Agad na sambit ko, nagugulat pa nga ako sa tunog ng baril at pagsabog sa paligid kung nasan man siya.

"A-anak ko..."

"Anak patawarin mo si tatay ha, mukhang malabo na kasi kaming makabalik sa bundok, malabo nang makabalik ako sayo. A-ako nalang mag isa ang buhay anak, wala na ang tiyo Bernard mo. Wala na ang ama ni Erick. Anak tatlo na ang tama ko pero patuloy pa din akong lumalaban. Anak kung hindi ko man ito makayanan ay gusto kong sabihin sayo na ikaw ang pinaka magandang nangyari sa akin. Ikaw ang hinding hindi ko pinagsisihan na nangyari sa buo kong buhay, mahal na mahal kita anak ko."

Nahinto sa pagsasalita si itay nang makarinig ako ng muling putok ng baril at daing ni tay.

Lalo akong napaiyak at naisigaw na ang pangalan niya, ni hindi na siya sumasagot kaya handa na sana akong puntahan siya ng bigla siyang nagsalita kahit na hirap na hirap na.

"Anak, a-ang tanging hiling ko lang ay huwag kang magalit sa ina mo. Mabait siya anak, mahal ka niya ako lang naman ang hindi niya mahal. H-hanggang dito nalang siguro ako a-anak. Pagod na pagod na si tatay. Magpapakabait ka jan ha. Pakisabi nga pala kay Erick ang huling bilin sa kaniya ng ama niyang si Bernard na  tanggap siya nito anuman ang kasarian niya at mahal na mahal siya nito."

"Mahal na mahal na mahal kita anak ko. Haggang sa muli, paalam." Pagkatapos ay muli kong narinig ang ingay ng barilan at naputol na ang tawag.

Iyak ako ng iyak at nagpupumilit talaga kay Kierol na puntahan namin si itay, alam kong imposible dahil sa mga sinabi at narinig ko ay halos nasa limang bala ang tumama sa kaniya.

"Kierol! Puntahan na natin si itay!" Muli kong hiling kay Kierol pero mas naiyak ako ng umiling ito.

"Hindi natin siya maaaring puntahan dahil unang una ay hindi natin alam kung nasaan sila ang tanging magagawa natin ay maghintay, halika at manood tayo sa TV baka merong balita doon."

Ganon nga ang ginawa namin at magkahawak ang kamay namin habang hinihintay na bumukas ang TV.

Saktong pagkabukas nito ay ang balitang pumunit sa aking puso.

"Kapapasok lamang ho na balita, ang engkwentro sa may parke laban sa mga rebelde at mga kapulisan, nanalo na ho ang kabutihan at napuksa na ang kasamaan. Patay ang tatlong rebelde na kumalaban sa mga pulis. Ang leader ng mga rebelde na si Lucio Morvet ay mayroong limang tama ng baril sa kaniyang katawan na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay, lima naman sa ating kapulisan ang sugatan." Hindi ko na pinakinggan pa ang sinasabi sa balita dahil ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay si itay.

Limang tama ng baril sa kaniyang katawan na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay

Limang tama ng baril sa kaniyang katawan na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Limang tama ng baril sa kaniyang katawan na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Na sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Patay.

Ang siyang paulit ulit na rumirehistro sa aking isip.

Wala na si itay, pinatay nila si itay. Wala na ang ama kong mahal na mahal ako. Wala na ang ama kong mahal na mahal ko. Pinatay na nila ang ama ko.

Itutuloy.
❄️
Hello Cedeese! Sorry for super late update nanaman hehe btw I'm fully vacinated na nung Nov.30 ako nagpa second dose kaya sorry kasi wala akong update hehe, sorry din kasi hindi ganon kahaba.

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon