Chapter 29

1.3K 40 42
                                    

HINDI PA din nagsasalita si Kierol at nakayuko lang, hindi ko na tuloy namalayang lumandas na ang luha sa mata ko.

Hindi man niya sabihin ay alam ko na base sa kinikilos niya ngayon.

"Bakit?" tanging natanong ko.

Nag angat siya ng tingin sa akin at kita ko pa ang pagkinang ng mata niya dahil sa luha.

Unti unti siyang lumapit sa akin hanggang nasa harapan ko na siya, hinawakan niya ang kamay ko na agad kong iniwas sa kaniya.

"I-i'm sorry, l-lasing ako."

Isang malutong na sampal ang binigay ko sa kaniya sanhi para mapatahilid at pumula ang pisngi niya.

"Lasing!? Anong klaseng dahilan yan! A-akala ko iba ka, a-akala ko lang pala." sabi ko at tatalikuran na sana siya ng hawakan niya ang pulsuhan ko.

"Lenlen! D-don't leave me please. Y-yes, Jessica and I d-did—" agad siyang napatahimik nang sa kabilang pisngi ko naman siya sinampal.

Ngayon ay pantay na ang pula ng pisngi niya.

"Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal kapal ng mukha mo! N-nangako ka e, nangako ka na hindi mo ako lolokohin! Kierol, hindi ka lang sakin nangako! Pati kay tatay! S-sabi mo mahal mo ko, pero ngayon may n-nangyari sa inyo..."

"I will fix it, d-don't worry. I make sure that—that..."

"Itigil na natin to." Napatigil siya sa pagsasalita at lumandas na ng ang kanina pa niyang pinipigilan na luha.

"N-no, no, no Len. I-i love y-you—"

"Pero niloko mo ko. Hindi ganon ang pagmamahal, Kierol. Alam mo, akala ko ikaw na ang lalaking dadalhin ako sa altar at magiging ama ng mga magiging anak ko pero nagkamali pala ako. S-sana pala hindi ako masyadong nagtiwala sa sinabi mo. Totoo nga ang sabi nila. Madaling sabihin, mahirap gawin."

"No, Len. H-hindi mo ako iiwan..."

"Tama na! Tumahimik ka nalang, aalis na ako." sabi ko at tumalikod na ng yakapin niya ako mula sa likuran.

"Lenlen, please please. Understand me, I'm just drunk—i-i don't know what did Jessica put on my drink. So please, i p-promise i will fix it. Just don't leave me." nagmamakaawang sabi niya habang mahigpit ang yakap sa akin.

Pinilit kong tanggalin ang mga braso niyang nakayakap sa akin at nagtagumpay naman ako.

"Hindi na magbabago pa ang isip ko. Tapos na tayo." Huling sabi ko bago tumakbo paalis sa condo niya, paalis sa kaniya.

Pinagtitinginan ako ng mga kasabayan ko sa elevator dahil na din  sa tuloy tuloy kong pag iyak.

Nang huminto ang elevator sa first floor ay muli akong tumakbo, hindi ko alam kung saan ako ngayon titira dahil maski mga damit ko ay hindi ko na nadala dahil sa pagmamadaling umalis na sa kaniya.

Minahal kita ng sobra sobra Kierol pero niloko mo ako, nangako ka sa akin pero hindi mo din natupad.

Akala ko dahil matagal na tayong magkakila ay kilala na kita, hindi pa din pala.

Bigla akong napapikit at napaupo sa kalsada mang muntik na pala akong masagasaan

Bigla akong napapikit at napaupo sa kalsada mang muntik na pala akong masagasaan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang itim na Chevrolet Camaro car ang muntik na akong masagasaan.

Bakit hindi pa natuloy?

Nakayuko lang ako kahit na ramdam ko na pinagtitinginan ako ng mga tao.

Kita ko sa gilid ng mata ko na bumaba ang nagmamay-ari ng kotse.

"Are you okay, Miss?" baritonong boses ang siyang nagpatingala sa akin.

Bigla akong natulala sa kaniya.

"D-dean..."

Inalok niya sa akin ang kamay niya na walang pag aalinlangan ko naman tinaggap, nang makatayo ay parang nahiya pa akong tumabi sa kaniya, nang halos hanggang balikat niya lang ako dahil sa sobrang tangkad niya.

"Addilene Kinsley." banggit niya sa buo kong pangalan kaya muli akong napatingala sa kaniya.

Giniya niya ako papasakay sa magarbo niyang sasakyan at parang ako pa ahg nahihiya dahil ni isang gasgas ay wala akong makita sa loob man o labas.

"S-saan tayo pupunta?" tanong ko kahit na sobrang nahihiya ako sa kaniya.

Paano kung lumalabas na pala ang sipon ko? Tapos nakita niya ako. Paano kung namamaga na pala ang mata ko? Dapat pala tumahan na ko.

"Hospital." maikling sagot niya.

"Anyway, why are you crying?" magsasalita pa sana ako ng maunahan niya ako, kaya naman mas lalo akong nahiya sa kaniya. Hindi ko alam kung sasabihin ko pa ba sa kaniya ang dahilan o wag na.

"If you don't want, it's fine to me." biglang sabi niya ulit.

"N-niloko ako ng boyfriend ko."

Sinabi ko pa din.

Nakakabinging katahimikan ang namayani pagkatapos ko iyon sabihin.

Naku! Sana pala ay hindi ko nalang sinabi, baka sa loob loob ni Dean ay pinagtatawanan niya na ako.

"I'm sorry i shouldn't ask that." hinging paumanhin niya at tuloy lang sa pagmamaneho.

Isa lang ang masasabi ko sa sitwasyon namin ngayon, Ang awkward!

Nang magpula ng traffic light ay shempre ay huminto kami kaya pagkakataon ko na upang makausap si Dean.

"H-hindi naman kailangan pang pumuntang hospital, wala naman masakita sa akin." Puso ko lang.

"Okay, so where should i drop you off?"

Nagtanong siya ng may maalala ako.

Nanlalaki ang matang tumingin ako sa kaniya habang nakaturo pa talaga ang daliri ko.

"N-nakakakita ka na!" Gulat na bulalas ko.

Bahagya siyang tumawa at muli nang pinausad ang sasakyan ng mag green light.

"Obviously." natatawang sagot niya.

"Kailan pa?"

"Last 2 years."

"Buti naman kung ganon. Kaya mag iingat ka na lagi kung ayaw mong maranasan muli ang nangyari sa bundok." sabi ko.

"Walang problema sa akin kung ikaw pa din ang mag aalalaga sa akin." sabi niya na nagpapula ng pisngi ko.

"Hindi naman ako nagsisi sa nga nangyari sa akin, dahil sa aksidente na nangyari ay nakilala kita. Nakakila ako ng isang mabuting kaibigan."

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso nang sabihin niya ang huling salita.

Kaibigan.

Tama, kaibigan din naman ang turing ko sa kaniya.

"M-masaya din akong makilala ka, Griffin." Sabi ko at ang tunay niyang pangalan na ang sinabi ko.

Wala na akomg karapatan tawagin pa siyang Dean.

Hindi na siya ang Dean ko.

Itutuloy.
❄️
Keep Safe everyone, lalo na po sa mga tinamaan ng bagyo. May ilan akong napanood at ang lakas talaga kaya po mag iingat kayo. Always choose your health. Wag din pong kakalimutan mag pray po :> Again, Be safe everyone 🤍

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon