Chapter 19

1.2K 36 7
                                    

NAKAUPO LANG kami dito sa waiting shed ng terminal ng mga Bus at nagbabasakaling mahanap ang Kuya ni Casimir, Ayun ang pangalan na binaggit niya nang tinanong ko siya kung ano ang pangalan niya.

"Hindi mo pa din ba nakikita ang kuya mo?" tanong ko kay Casimir na tumingin tingin pa din sa paligid at naiiyak itong umiling sa akin.

Hindi din namin makausap ang ilang mga guards na nandito dahil busy ang mga ito sa paghahanap sa lalaking naglagay nagsunog sa halos limang bus.

Nang mapansin kong umiiyak nanaman si Casimir ay agad akong lumuhod para mapantayan siya at upang patahanin.

Pinunasan ko ang luha niya at agad itong yumakap sa akin at siniksik ang mukha sa leeg ko, agad kong hinimas himas ang likod niya.

"Tahan na Casimir, mahahanap din natin ang kuya mo." Malambing kong bulong sa kaniya.

Hanggang sa namalayan ko nalang na tumigil na sa kakaiyak si Casimir yun pala ay nakatulog na dahil sa pag iyak.

Nahihirapan man ay tumayo ako habang buhat ang bata, tumingin naman sakin sila tatay at Kierol.

"Ako nalang ang magbubuhat sa kaniya Len." Alok ni Kierol at kinuha ang bata pero mahigpit ang kapit nito sa akin at umungot nang tangkain siyang kuhain ni Kierol.

"Kaya ko..." mahinang sabi ko nalang kaya tinigil niya na ang pagbabalak na kuhain si Casimir at tumingin tingin nalang sa mga tao.

Nang mag alas sais na ay napagpasyahan na namin na umuwi nalang sa condo ni Kierol.

Doon kami tutuloy pansamantala habang nandito kami sa Maynila, bukas nalang din namin ulit hahanapin ang kuya ni Casimir.

Napamangha ako nang makarating na kami sa condo ni Kierol, napakalawak nito at nagtataka ako kay Kierol kung bakit mas pinili niyang magbakasyon sa probinsya kesa ang magpahinga sa napakaganda niyang condominium.

"Ang ganda... kaya bakit mas gusto mo sa probinsya namin kesa dito?" tanong ko kay Kierol na nagkibit balikat lang.

Inihiga ko muna si Casimir sa malaking sofa sa may sala dahil nangangawit na din ako at buti nalang ay di na ito umalma.

Iniwan ko muna saglit sa may sala ang bata at sumama kay Kierol maglibot sa condo niya.

Alam kong mayaman na sila Kierol pero hindi ko akalain na kaya niyang bumili nang gantong kalaking condominium.

"Do you like here? Komportable ka ba dito?" tanong ni Kierol habang nakasunod sa akin.

"Oo, ang ganda ganda kaya. Ang lawak at talagang may mini swimming pool pa o diba! Gusto ko sana iyong subukan kaso ay gabi na at baka sipunin pa ako kaya bukas nalang." sagot ko.

Humalakhak siya.

"M-mommy?" rinig namin ang maliit na boses mula sa sala kaya naman napatigil kami at mabilis bumalik doon.

Nakita namin ang kumukusot kusot pa ng mata na si Casimir habang tila may hinahanap.

"S-sino po kayo?" natatakot na tanong ni Casimir nang matigilan nang makita sila tatay sa harapan niya.

Handa na itong umiyak kaya nagpakita na ako at agad itong yumakap sa akin habang binabanggit ang 'Mommy'

"Shh, wag kang matakot. Siya ang ama ko at wala siyang gagawing masama sayo."

"B-but they look scary mommy." sagot ni Casimir kaya naguluhan ako.

"Casimir, Hindi ako ang Mommy mo..."

"You are my mom now." Agad na sabi nito kaya napatigil ako.

"Pwede mo naman akong ituring na ina, hayaan mo bukas na bukas ay hahanapin natin ang kuya mo. Paniguradong miss na miss mo na sila." sabi ko nalang.

"I don't have mommy so i want you to be my mommy, you can marry my brother and i will be your son."

Nagugulat talaga ako sa mga sinasabi ng batang to. Yung totoo? Limang na taon lang ba talaga ito?

"Casimir hindi mo kas-"

"She can't be your Mother kid, she's my girlfriend and soon we will have our own child." Sabat ni Kierol kaya napapikit ako sa inis.

"No! My kuya will be her husband and I'm gonna be their child! Hindi kayo bagay, panget ka po!" Ganting sigaw ni Casimir at muling yumakap sa akin.

Magsasalita pa sana si Kierol nang masama ko siyang tignan kaya masama niya din tignan ang batang bumebelat pa sa kaniya bago kami iwan dito sa may sala.

Rinig naman ang tawa nila tiyo at tatay nang umalis si Kierol, ngayon nga ay tuwang tuwa sila sa batang matabang nandito.

"Grabe ka Casimir, ikaw lang ata ang nagsabi nun kay Erol." sabi ni tiyo.

"Kierol yun Bernard, ano ba yan ulayanin na." naiiling na sabi ni itay.

"Naku! ay pareho lang naman iyon." Sagot ni tiyo, natatawa.

"Panget naman po kasi talaga siya! Tito Lucio. Saka po mas pogi po talaga ang kuya at for sure ay magugustuhan din si kuya ni Mommy, right mommy?" nakangiting baling sa akin ni Casimir na tinanguan ko nalang.

Bata pa siya, hindi niya pa alam ang sinasabi niya.

"Pero Casimir, hindi magandang nagsasabi ka ng mga ganung salita lalo na sa ibang tao, bad yun. Pwede silang magalit sayo at pwede din hindi ka na nila kakausapin sa susunod. Alam ko namang bata ka pa pero sana ay habang bata ka pa ay matuto ka ng tamang asal." sabi ko at hinawakan ang balikat niya.

Napayuko naman ang bata.

"Sorry po Mommy, denidefend ko lang naman po si Kuya ko sa kaniya and he inis me kaya po nasabi ko iyon." sagot nito habang nakayuko.

Tinaas ko ang mukha niya bago siya sagutin.

"Hindi ka dapat sa akin mag sorry Casimir, kay Kuya Kierol ka ikaw dapat maghingi ng tawad." Sabi ko at tumango ito.

Nahihiya daw siya kay Kierol kaya naman kasama niya ako habang ngayon ay kinakatok ang kwarto na itinuro ni Kierol na silid niya.

Bumukas din naman ito agad at pansin ko ang masamang mood nito.

Hinawakan ko ang balikat ni Casimir upang magsalita na siya.

"Go Casimir, sabihin mo na ang dapat mong sabihin kay Kuya Kierol." Mahinang sabi ko dito.

"I'm sorry k-kuya Kierol at what i said earlier po." Sagot nito at nakita ko naman ang maliit na ngiti na pumaskil sa gwapong mukha ni Kierol.

Yumuko ito at ginulo ang buhok ng bata.

"It's okay kid, just be careful with your words. Hindi mo alam ay nakakasakit ka na pala." sabi ni Kierol kaya napangiti na din si Casimir at yumakap sa kaniya.

Itutuloy.
❄️
HAPPY 3K FOLLOWERS TO US CEDESSE!

Taray may tawag na ko sa inyo dba HAHAHAHA anyway Maraming Salamat po sa mga nagfollow at mga magfofollow pa, Thank you din po sa mga nagbabasa ily<3

May meaning pala yung flowers kala ko trip lang nila

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon