Chapter 24

1.2K 37 4
                                    

MATAPOS ANG nakakahiyang nangyari noong nakaraang linggo ay bibihira nalang kaming lumabas ni Kierol at mas lalong hindi na ako muling tumapak sa store na iyon.

Hindi ko pa din talaga makalimutan ang mga tingin ng mga tao sa akin doon, yung iba ay nagtataka, yung iba ay nakatitig lang at ang mas nakakahiya ay maraming tumatawa lalo na ang nasa cashier.

Siguro kung ano ano na ang inisip nila sa akin pero nang ikuwento ko iyon kay Kierol ay ang loko ay tinawanan lang ako at mukhang naman daw kasing tanga pero siya din naman nagalit nung sinabi ko ang dahilan.

Si Dean.

Ayun na din ang huli kong kita kay Dean o mas tamang sabihing Griffin. Ang rinig rinig ko sa mga empleyado dito ay umuwi na din daw sa bahay ng mga magulang niya si Dean.

Ayaw naman daw kasi talagang pumayag ng mga magulang ni Dean na malayo siyang muli ngunit dahil matigas nga ang ulo nito ay natupad pa din ang nais. Yun nga lang ay dapat kasama niya ang private nurse upang maalalayan.

Isang linggo na din ang nakalipas at kinakabahan na ako lalo dahil hanggang ngayon ay hindi pa din umuuwi sila itay, ayoko mang mag isip ng kung ano ano ay hindi ko din naman mapigilan.

Kaya nga nung isang araw at kahapon ay pinasubukan kong patawagan sila itay dahil may de keypad naman itong cellphone pero walang sumasagot o kahit ring man lang ay wala.

"Kierol, wala pa bang balita kila itay?" Pang lima ko na ata itong tanong kay Kierol ngayong araw.

Napabuntong hininga naman siya at napatigil sa paghihiwa ng gulay na siyang uulamin namin mamaya at lumapit sa akin.

Hinawi niya ang buhok kong tumatabing sa mukha ko at nilagay sa likod ng aking tenga.

"Len. I'm sorry but hanggang ngayon ay hindi ko pa din ma contact sila tito. I don't know why, i know it's impossible dahil na din sinabi mo nang sa kalaban ang punta nila." sabi ni Kierol habang nakatitig sa akin.

"Sana naman ay walang ibang masamang nangyari sa kanila." mahinang sabi ko.

Kinahapunan ay hindi ko napansin na ubos na pala ang stock ng mga pagkain namin at ngayon nga ay wala na, si Kierol naman ay hindi din nagsabi sa akin. Umalis pa naman siya ngayon dahil may mahalaga lang daw na meeting sa pamilya niya, nag iwan naman siya ng pera na kung may gusto ako bilhin ay mabibili ko.

Dahil kumukulo na din sa gutom ang tiyan ko ay napagpasyahan ko nang bumaba upang makabili nang makakain ko.

Nagsuot lang ako ng jacket at sumakay na sa elevator, sakto at ako lang ang tao.

Dahil nga sa kahihiyan na nangyari noong nakaraang linggo ay mas pinili ko nalang sa iba bumili.

Naglalakad lakad ako sa gilid ng kalsada habang nakatingin sa aking dinaraanan nang may biglang malakas na busina akong nadinig sa aking likuran.

Kunot noong tinignan ko ito at itim na sasakyan ang bumungad sa akin.

Bumaba ang bintana nang sasakyan at nakita ko ang pamilyar na lalaki, ang private nurse ni Dean.

"Bakit po?" tanong ko dahil mukhang nag aalangan itong magsalita.

"Ah, pinapasabi ho kasi ni sir Griffin na sumakay kayo dito sa sasakyan." Alanganing sabi nito.

"Griffin?"

Tumingin ang lalaki sa likod niya kaya napasilip din ako at tumambol ang dibdib ko ng makita ko si Dean.

"Opo ma'am."

"P-pero nakakahiya." sabi ko.

Nagulat ako ng marinig ang boses ni Dean mula sa loob ng sasakyan.

"Pumasok ka na. Gabi na, delikado na sayo ang maglakad ng ganitong oras." baritonong boses ni Dean kaya wala na akomg nagawa kundi makisakay.

Nahihiya pa nga ako dahil bumaba pa talaga ng sasakyan si kuya Harold, ang siyang private nurse ni Dean. Sabi niya ay ayun kuya ang itawag ko sa kaniya dahil mas matanda siya sa akin.

Kaya ngayon ay nasa passenger seat na si Kuya Harold at magkatabi kami ngayon ni Dean sa likod ng sasakyan.

"Saan ka ba pupunta Len?" tanong ni Kuya Harold kaya sinagot ko ito.

"E meron namang mini grocery sa baba ng hotel, marami naman silang paninda dun. Bat lumayo ka pa?" takang tanong ni kuya Harold nang sinabi ko ng bibili ako ng makakain.

"M-may nakakahiya po kasing nangyari sa akin dun kaya wala na kong lakas ng loob pang pumunta dun." nahihiyang sagot ko sa kaniya.

"Bakit hindi nalang si Kierol ang bumili?" Bahagya akong napapitlag nang magsalita ang nasa tabi ko na si Dean.

So naalala niya pa pala si Kierol? So naalala niya din ako?

"May pinuntahan kasi si K-kierol at hindi ko din napansin na wala na palang stock ng foods." Casual kong sagot sa kaniya kahit ang totoo ay grabe ang kabog ng dibdib ko.

Grabe ang epekto sa akin ni Dean.

Tumango lang siya at muli nang tumahimik ang paligid hanggang makarating kami sa 7/11. Sabi ni Kuya Harold ay madaming mabibiling pagkain dito at minsan kapag nagugutom siya sa gabi ay dito daw talaga siya bumibili.

Namangha ako pagpasok sa loob, kasama ko si Kuya Harold at Dean dahil ang palusot este sabi nito ay may bibilhin din daw.

Andaming iba't ibang pagkain ang meron sila, pero ang pinili ko nalang ay siopao at donut.

Dalawang siopao at dalawang donut ang binili ko, bumili na din ako ng inumin ko dahil kasya pa naman sa pera at saka ngayon lang naman ito.

Kumuha lang ako ng Smart C na inumin at nagbayad na sa may cashier.

Nang tignan ko si Dean at kuya Harold ay wala naman itong hawak.

"Nasan po ang binili ninyo?" Tanong ko kay Kuya Harold.

"Nagbago ang isip ko." Si Dean ang sumagot.

Pagkatapos namin sa 7/11 ay bumalik na din kami sa hotel, gusto pa nga ni Dean na ihatid ako ni kuya Harold sa mismong condo unit pero tumanggi na ako, kaya ko naman e.

Nang makapasok sa loob ay nagkagulatan pa kami ni Kierol.

Paano ay pagkabukas na pagka bukas ay siya ding pagharap ni Kierol.

"Lenlen! Fuck! You're safe." sabi ni Kierol at niyakap ako.

Itutuloy.
❄️
Hahabaan ko na ang mga susunod na chap at mga scene ng LenDean, oh diba taray msy loveteam na HAHAHA
#LenDean #LenDeanLalayagNa #LenDeanEndgame🤞😂
Let's be mutual on fb po hehe, if you want lang ng update sa ating achievements ZariyahDeniseWP on Fb😉

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon