Chapter 17

1.1K 34 3
                                    

MATAPOS NAMING magpaalam kila Diego ay lumakad na kami papunta sa sakayan, Halos maiyak pa nga si Erick kanina habang nagpaalam ako sa kanila. Akala mo naman ay hindi na babalik.

"Mahal na mahal ka talaga ng bak— kaibigang mong iyon, ano?" biglang sabi ni Kierol sa gitna ng aming paglalakad.

Muntik niya pang sabihan ng 'bakla' si Erick at nilakihan ko lang siya ng mata kaya hindi niya itinuloy, kasama kasi namin ang ama ni Erick at ayaw na ayaw din ni Erick na may tumatawag sa kaniya ng ganun maliban sa akin.

"Mahal ko din naman si Erick, hindi lang talaga kami sanay na nagkakahiwalay." sagot ko sa kaniya.

Nang natanaw na namin ang bayan ay napabuntong hininga ako at tinanaw ang aming pinanggalingan na akala mo naman ay talagang makikita ko.

Paniguradong maiilang ako kapag nasa siyudad na ako pero sisiguraduhin kong eenjoyin ko ang bawat oras na ako ay nandoon.

"Halika na, Anak." tawag ni tatay nang makabili na sila ng ticket para sa bus na aming sasakyan papuntang Maynila.

Pumwesto ako sa tabi ng bintana upang makita ko ang bawat dadaanan namin, katabi ko si Kierol. Dapat ay si tatay ang katabi ko pero pinagbigyan na lamang ni itay si Kierol.

Magsabi lang daw ako kung nahihilo o nasusuka.

"Do you want some candy?" tanong ni Kierol habang hindi pa umaandar ang bus, pinupuno pa kasi ito ng pasahero.

Tumango ako at kumuha ng candy na hawak niya, binalatan ko pagkatapos ay sinubo ko na. Kinuha din naman ni Kierol ang balat nito.

Mahigit kinse minuto ang tinagal bago umandar ang bus.

Ito ang kauna unahan kong sakay sa Bus.

Sumandal ako sa bintana habang tinatanaw ang bawat dinadaan, ang Candy sa bibig ko ay nakatulong upang hindi ako masuka at mahilo.

Maya maya ay nakaramdam ako ng bigat sa aking balikat kaya napatingin ako dun, ulo pala ni Kierol na siyang nakapikit na ngayon.

Hindi ko alam kung tulog na ba siya o ano dahil naka focus ako kanina sa pagtingin tingin.

"Inaantok ka ba? Tulog ka na ba?" mahinang tanong ko.

Hindi ko na inaasahan na sasagot siya pero hindi na din ako nagulat nang sumilay ang ngiti sa mukha nito at idinilat ang isang mata.

"Mabigat ba ang ulo? Medyo inaantok din kasi ako at komportable ako sa ganitong ayos pero kung nahihirapan ka ay aayos nalang ako ng upo." sagot niya.

"Ayos lang naman, sige na matulog ka na at pwede pa bang makahingi ng Candy mo?" Nahihiya kong tanong.

Bahagya siya napatawa bago umaayos ng upo at kumuha sa bulsa niya ng tatlong Candy, nang maibigay niya na ito sa akin ay binalik niya ang kaniyang ulo sa aking balikat at pumikit.

Bumalik naman ako sa pagtanaw ng mga dinadaanan habang pinaglalaruan sa aking bibig ang candy.

Manghang mangha ako sa aking mga nakikita, ngayon palang kasi talaga ako nalayo sa bundok at ngayon ko lang din ito nakita.

Isang oras ang nakalipas at tulog na talaga si Kierol nang makaramdam ako ng antok.

Gusto ko sanang gisingin si Kierol upang paayusin siya sa pagkakaupo dahil medyo nangangalay na ako pero mukhang ang himbing nang tulog niya kaya naman ipinikit ko nalang ang aking mga mata.

Nagising ako nang huminto ang Bus na aming sinasakyan, nagulat pa ako ng mapansing nakasandal pala ako sa balikat ni Kierol habang ang mga braso niya ay nakayakap sa akin.

"Pasensya na nakatulog ako." paghingi ko ng tawag sa kaniya.

"Ayos lang baka nga nangalay ka pa sakin kanina. Anyway may gusto ka ba? Nag stop over ang Bus kaya kung na ccr ka ay sasamahan kita." Alok niya.

"Nakakahiya naman." sabi ko kaya naman natawa siya at sabay kaming nagsabi kila itay na ngayon ay may nginunguya.

Tumango na si tatay kaya naman naunang bumaba si Kierol at nahihiya pa nga ako habang inaalalayan niya pa akong bumaba.

Una naming pinuntahan ang cr dahil ayon sa kaniya ay masama daw ang magpigil ng wiwi.

Nagulat pa nga ako at may bayad pa ang pag ccr, muntik pa akong umayaw pero sabi ni Kierol ay may barya naman daw siya kaya naka cr din ako.

Pagkatapos kong mag cr ay naghugas ako ng kamay at hinintay din si Kierol. Nang matapos na si Kierol ay bumili naman kami ng makukutkot habang nasa byahe.

Bumili kami ng limang klaseng mangangata. Dalawang Mani, dalawang popcorn daw, at isang malaking chicharon.

Pagkatapos magbayad ni Kierol dahil libre niya na daw ito sa akin ay pumasok na kaming muli sa Bus.

Inalok din namin sila tiyo kung gusto nila pero pinakita nila sa amin ang mga baon nila at ilan ding nabili.

Sampung minuto din ang tinagal pa ng Bus at umandar na itong muli.

Habang umaandar ay nag uusap kami ni Kierol habang kumakain ng popcorn, hindi ko alam na masarap pala ito. First time ko lang din kasi.

"Matulog ka muna. Matagal tagal pa ang byahe." sabi ni Kierol nang maubos na namin ang dalawang supot ng popcorn.

"Mga ilang oras ba ang byahe natin?" Tanong ko, hindi din kasi nasabi sa akin ni itay kaya naman kinakain ako ngayon ng kuryosidad.

"Ang byahe ng Isabela papuntang Maynila ay walong oras mahigit kaya paniguradong aantukin ka. Malayo pa tayo kaya matulog ka muna. Gigisingin nalang kita kapag huminto ang Bus." sagot niya.

Hindi ako makapaniwalang ganon kahaba ang byahe kaya naman pala andaming biniling kutkutin ni Kierol at pinapatulog pa ako.

Sinunod ko nalang din siya at pinilit ang sariling matulog. Nagising akong muli sa yugyog sa aking braso at ramdam ko ding tumigil na ang aming sinasakyan.

"Nandito na ba tayo?" tanong ko habang kinukusot kusot ang mata at tumingin sa may bintana.

"Hindi naman halatang excited ka ano? Pero wala pa siguro tatlong oras pa at makakarating na din tayong Maynila." sagot niya.

Sinabi niya ding tanghali na at saktong may karinderya ang hinintuan ng Bus kaya naman doon nalang daw kami kakain.

"Pumili ka ng gusto mo at sabihin mo  nalang sakin." sabi niya.

Habang namimili ako ng ulam ay may pamilyar na pigyura ako nakita.

Itutuloy.
❄️
May nabasa akong comment sa Betrayed. Kaya naman paalala lang po na libreng magbigay kayo ng opinyon sa mga characters ko, ang kaso yung iba kasi ay sinasabihan sila ng inappropriate word/s which is I don't like.

Gusto ko lang din pong sabihin na dapat ay mawawala dito sa wattpad Betrayed dahil may nag offer sa akin at nung una ay pumayag na ako pero narealize kong hindi ko pa kayang magsulat sa ibang platform kaya binawi ko, yun lang po.
Hope you appreciate this chapter :)

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon