Chapter 32

1.3K 37 8
                                    

TAHIMIK LANG kaming dalawa dito sa may sala at kanina nga ay hindi talaga natuwa si Griffin sa aksidenteng pagkikita namin ni Kierol.

Hindi niya na ako kinibo magmula pa kanina.

Nahihiya naman akong kausapin siya.

"Uh, De—Griffin. Gusto ko lang sanang humingi ng pasensya kung napagalala kita kanina. Kung pabigat na ako para sayo ay pwede naman akong umal—"

Agad niyang pinutol ang sasabihin ko.

"Who said that i will allow you?" Seryoso niyang tanong habang nakatingin sa akin.

"H-ha?"

"I don't care if you want to leave me, because I will never allow you." seryoso pa ding sabi niya habang hindi bumibitiw sa titig sakin.

Umiwas na ako ng tingin dahil parang hindi ko yata nakakayan ngayon ang mga titig niya, parang may laman.

Nakayukong nagpaalam ako sa kaniya na matutulog muna sa kwarto pero ang totoo ay tumatakas lang ako sa mga titig niya.

Napahawak ako sa may dibdib ko habang inaalala ang seryosong mukha ni De—Griffin kanina, nakasandal ako sa may pinto.

Hindi kaya, mahal ko na si Griffin?

Tanong ko sa sarili ko habang hawak pa din ang aking dibdib.

Nahiga na ako sa kama habang pilit na inaalis sa utak ko ang mukha ni Griffin na nakangiti habang nakatingin sa akin at yakap ako sa likod.

Hindi ko napansin na sa aking pagpikit ay makakatulog pala ako madilim na sa labas nang magising ako.

Kaya naman dali dali akong nag ayos ng sarili at lumabas ng kwarto, paniguradong hinihintay na ako ni Griffin at malamang sa malamang ay kanina pa niya ako kinakatok.

At tamanga ang hinala ko. Si Griffin, nakaupo sa may hapag habang may mga pagkaing nakalatag sa mesa at siya naman ay nakayuko.

"Uh, pasensya na, hindi ko namalayan na nakatulog pala ko. Halika na, kain na tayo." nahihiyang sabi ko at umupo na sa katapat niya upuan pero ni wala man lang siyang naging kilos.

Mas nahihiya tuloy ako.

"G-griffin, kain na tayo."

Nagulat ako ng tumayo siya kaya napasunod lang ako ng tingin.

"Nawalan na ako ng gana, ikaw nalang ang kumain. Good night." malamig na sabi niya iniwan akong mag isa kasama ang mga pagkain na hindi niya pa nagagalaw.

Naguguilty naman ako dahil sa maikling pamamalagi ko dito kay Griffin ay alam ko kung gaano kahalaga sa kaniya ang sama samang pagkain at Respeto sa isa't isa.

Hindi naman ako gutom kaya kaunti lang ang kinain ko at nilagay ko nalang sa ref ang mga tira pero mas mukha yon di nagalaw.

Hindi ko alam kung kakain pa ba si Griffin.

Pumasok na akong muli sa kwarto upang mag linis ng sarili.

Habang nasa banyo ay muling sumagi sa isipan ko ang lahat ng alala namin ni Kierol simula noong naging kami, tandang tanda ko pa kung gaano siya ka over protective sa akin.

Kung gaano siya kaseloso.

Kung gaano siya kalambing.

Kung gaano niya ako kamahal.

Pero sa isang iglap ay nagbago ang lahat, Hindi ko man alam ang buong istorya ay naiintindihan ko namab na biktima lang din siya.

Kung sino ka mang Jessica ka na siyang sumira sa amin ni Kierol ay sana ngayon ay masaya ka na.

Sana ay nakakatulog ka ng mahimbing sa kagabi kahit na alam mong may maganda kang relasyon na sinira.

Na may nasaktan ka.

Kierol. Gusto ko mang ikaw patawarin pero alam kong alam mong mahirap na kapag nawala ang tiwala ko sa isang tao.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay saka ko palang narinig ang katok sa may pintuan ng kwartong aking tinutuluyan.

Dali dali akong nagbihis at hindi na naayos pa ang magulo kong basang buhok sa sobrang pagmamadali.

Agad kong binuksan ang pinto at parehas kaming nagkagulatan ng lalaking may berdeng mga mata.

Nanlalaki ang magaganda nitong berdeng mata habang litong nakatingin sa akin habang ako ay nahiya dahil sa akin ayos at baka kung ano ang isipin ng taong nasa unahan ko.

"Isaiah Moises!" rinig kong sigaw ni Griffin at nakita ko at huling nakita ko na lamang ay litong litong mukha ng lalaking tinawag niyang Isaiah.

Isinara ni Griffin ang pinto habang bahagyang hinihingal, nakahawak din siya sa aking braso.

"I'm sorry. That's Isaiah, my friend. Sinabi ko na sa kaniyang may umuukupa ng silid na ito pero masyadong matigas ang ulo ng isang iyon at talagang tinignan pa kung totoo ba ang sinasabi ko." Hinihingal nitong paliwanag at nagpunas ng noo.

"Nakakahiya naman, dito ba dapat siya matutulog? Kung oo ay aali—"

"No, no, no! Binisita lang niya talaga ako dahil hindi ako nakapunta noong birthday niya pero kaya naman niyang umuwi at kung mstutulog man siya ay meron pa naman akong ibang silid na mapapahiram sa kaniya." Paliwanag niya.

Pagkatapos ng pag uusap namin nj Griffin ay ngayon ay kaharap ko na ang lalaking may berdeng mga mata na nag ngangalang 'Isaiah'

Nahihiya ako sa kaniya dahil parang kanina pa siya nakatingin sa akin at may kung anong tinitignan sa mukha ko na kanina ko pa kinakapa pero wala naman.

"Tsk! Iah stop glaring at Lenlen. She being uncomfortable because of your stares." inis na sabi ni Griffin na kemeng ipinagpasalamat ko.

Mukhang nahiya din naman si Isaiah at umiwas na ng titig sa akin akin at nagsimula na silang mag usap ni Griffin habang ako ay pilit na hindi pinapakinggan ang pinag uusapan nila.

"Siguro ka bang nakita mo siya? Baka naman namamalikmata ka lang, Isaiah. Pinagtataguan ka nung tao kaya imposibleng magpapakita siya sayo intensionally." Hindian sinasadya ay narinig kong sabi ni Griffin dito.

"I know, bud. But sometimes i can't think of anything lalo na pag nakikita ko ang maganda niyang mukha." Medyo bulol na sagot ni Isaiah.

Hindi ko napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa kaniya kung hindi lang tinapik ni Griffin ang kamay ko.

"A-ano yon?" Nauutal kong tanong.

"Do you have crush on him?" Kunot noong tanong niya habang nakaturo ang daliri kay Isaiah na oarang pinagtatawanan kaming dalawa.

"H-ha? Anong crush? Pasensya na may iniisip lang ako at hindi ko na naprosesong sa kaniya na pala ko nakatitig." Sagot ko.

Ngunit siya ay seryoso pa din.

Itutuloy.
❄️
Isaiah 💚
Anyway, meron kaming gc for Cedeese ( My readers) kaya if want mo sunali message mo lang ako or si Eyeyieee14

BS #3 Loving You Till LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon