Nakangiti akong pumipitas ng bulaklak dito sa hardin ng may isang rebulto ng lalake ang aking naaninag, Napaka aga pa. Dati rati'y kada pag gising ko'y wala akong nakikitang tao dahil sila'y tulog pa. Minsan naman ang mga makikita ko ng ganitong oras ay mga papasok ng trabaho. Ngunit.. Tila ba bago sa aking paningin ang kanyang katawan.
"Magandang umaga" bati ko nang siya'y humarap, tama ako. Hindi ko kilala ang lalakeng ito.
"Buenos Dias Mi Amor" saad niya sa wikang espanyol kaya naman ang puso ko'y titibok ng sobrang bilis. Sino ba ang hindi kikiligin sa kanyang maamong mukha. Mala tyokolate niyang mga mata at ang kanyang Malinis na katawan.
"B-Buenos Dias" bati ko at kumaway sakanya, Marunong ako mag salita at maka inti ng wikang espanyol ngunit di ako masyadong magaling 'rito dahil wala akong sapat na oras para mag aral ng wikang di naman kailangan.
"¿Cómo te llamas?" Pag tatanong niya.
"Me llamo Abegail" pag sagot ko sakanyang tanong kaya naman napataas ang kanyang mga kilay na napaka kapal na nababagay sa kanyang maamong mukha.
"Estoy perdido" saad niya na nag patigil sakin, Nawawala siya? Kaya pala ang kanyang mukha ay di ko pa nakikita dahil siya'y taga ibang baryo.
"¿Por que?" tanong ko at tumitig sa kanyang mga mata.
"No Me Acuerdo" Pano niya nasabing hindi niya alam bagamat siya'y maayos naman at wala akong nakikitang bakas sa kanyang uli para siya'y mawalan ng ala-ala.
"Teka teka, Paubos na ang mga alam kong salita sa wikang espanyol." Saad ko dahil baka siya'y mag espanyol nanaman at ito'y di ko na maintindihan pa.
"Yo no comprendo" Saad niya na nag patigil nanaman sakin, pa'no to? Nasa mali siyang tao. Hindi ko siya matutulungan malaman ang daan patungo sakanila kung ito'y di nakakaintindi ng wikang tagalog.
Abegail.. Baka isa siyang espanyol!
Nahugot ko ang aking hininga sa isiping iyon hindi tayo makakasigurong hindi siya espanyol dahil unang una. Magaling siyang mag espanyol at hindi maintindihan ang wikang tagalog. Posibleng siya'y espanyol at tugisin naman siya ng mga mamamayan sa'amin.
Sinakop ng pwersahan ng British ang Maynila mula 1762 hanggang 1764, gayunpaman hindi nila nagawang palawigin ang kanilang pananakop sa labas ng Maynila dahil nanatiling tapat ang mga Pilipino sa natitirang pamayanang Espanyol sa labas ng Maynila.
Galit ang ibang tao rito sa espanyol dahil nararamdaman nilang masisira ang pilipinas kung patuloy kakapit ang pilipinas sa espanyol.
"¿Hola?" Napatingin ako sa lalaking kanina pa pala ako pinag mamasdang tulala.
"H-Hola, Oo nga pala. ¿Cómo te llamas?" saad ko kaya naman napa palo ako sa aking ulo.
"no sé" saad niya pa at tumingin sakin na tila ba humihingi ng tulong.
"¿Le puedo ayudar en algo?" tanong ko nang maawa na'ko ng tuluyan sa estrangherong ito estrangherong walang ka-alam alam sa mundo.
"Enseñame" Turuan ng ano? Turuan ko siya kung pano umuwi?
"Ganto. Mírame, ¿de acuerdo?" saad ko at lumabas sa aming gate.
Tumayo ako ng maayos at humarap sakanya.
"recuerda tu lugar" saad ko at huminga ng malalim tska siya hinawakan sa kanyang mga kamay.
"¿Que lugar?" tanong nya sakin.
"Este lugar parece viejo" saad niya kaya naman napalo ko ang kanyang braso. Wala syang karapatan sabihan ang lugar namin ng panget! Pero tama naman siya.. Mukha nang matanda ang lugar na 'to ngunit ang simoy ng hangin at magandang tanawin ang nag papaganda ng lugar na ito. Kahit ito'y matanda na alam ko na ang lugar na ito'y napakaganda.."¿quieres aprender mi idioma?" tanong ko at nananalangin na sana gusto nyang matuto ng lenggwahe ko dahil hirap na hirap na'ko mag isip ng isasagot sakanya.
"si, eso lo que te dije hace un rato" natahimik ako, pasensya na. Nawawala lang ang aking isipan.
"Lo siento" pag hingi ko ng tawad at huminga ng malalim. Ala syete na at paniguradong hinahanap na'ko ni lola.
"Lo siento. ¿Quieres quedarte?" tanong ko at binuksan ang gate, kailangan na namin mag agahan at naaawa ako na baka wala siyang tutuluyan at wala siyang hapag na kakainan.Nginitian niya'ko at sumabay saakin sa pag lalakad patungo sa aming bahay. Tinawag ko agad. Si lola para ipahiwatig sakanyang mabait ang taong narito at siya lamang ay nandito dahil aking ito'y inimbitahan.
"asiento" alok ko sakanya at ginayak siya sa aming mahabang kahoy na upuan.
Pilit kong tinatago ang ngiti ko, pati na rin ang malapit nang lumabas na tawa sa aking bibig. Pano ba naman si lola ay di magka uga-ugaga kung pano kakausapin 'to.
"Hola! hola podemos llamarte.. Carlos?" saad ko dahil di ko na talaga alam kung ano ang itatawag sa ginoong ito. Si lola naman ay napatingin sa gawi ko nang mag espanyol ako sa harapan nya. Hindi nya alam na ako'y nag aral ng wikang espanyol kaya naman ganyan nalang makikita ang gulat sa kaniyang mga mata.
"Iha? Mag usap nga tayo saglit" isa sya sa mga taong galit sa espanyol pero hindi naman siya galit sa mga taong mababait katulad ni carlos.
"Iha.. Saan mo natutunan yan?" saad niya pa at tila ba pinag mamasdan ako kung ako ba'y mag sisinungaling o mag sasabi ng totoo."La.. Pinili ko pong aralin ang wikang espanyol kaysa sa ingles; pasensya na po kung ako'y nag sinungaling para lamang matuto ng isa sa mga paborito kong wika. Lo siento abuela" natakpan ko ang aking bibig ng sa huli ko nang napag tanto ng pag gamit ko ng wikang espanyol sa kanyang harapan. Pero mas nakakagulat ang kanyang mga mata, tila ba walang galit na nakalahad dito. Puno ito ng pag hanga habang sakin ay nakatingin.
"Abuela?" napalo ko ang aking bibig nang sa pangalawang pagkakataon ay nag espanyol nanaman ako."Wag mong saktan sarili mo" hinawakan niya ang aking kamay at mas nagulat ako nung siya'y tumawa.
"Iha. Katulad mo ako nung ako'y bata pa. Malaki ang kuryosidad ko pag dating sa mga espanyol at gustong gusto kong matuto ng kanilang lenggwahe" pag sisimula niya at yinakap ako.Tila bang galak na galak siyang sambitin sakin ang kanyang nakaraan.
"Hindi ako nakapag aral at ang mga magulang ko'y galit na galit sa mga espanyol nung una palang. Kaya naman kahit hindi ako mag aral o mag basa nalang ng libro ng mga espanyol ay hindi ko magawa. Dahil ako'y bantay sarado ng aking mga magulang. Humahanga ako sayo dahil nagawa mo. Nagawa mo ang pangarap mong matuto ng espanyol" ngumiti ako sakanya. Buti nalamang ay wala na ang aking mga magulang. Kaparehas ko si abuela. Noong ako'y bata pa hindi nila ako pinapayagang mag basa at mag aral ng wikang espanyol. Kapag nabasa o narinig nila akong nag wiwikang espanyol ay ihahanda ko na ang sarili ko sa malaking parusang matatanggap ko.
Mga pasa't sugat ang aking parusa. Hindi pag kain ng isang buwan ang pinaka malaking parusang natanggap ko sa aking magulang.
"Abuela? Abegail?" Napatingin kami kay carlos nang marinig namin ang kanyang boses na tinatawag kami.
"Oh bakit iho?" ngiting saad ni lola na nag pa nguso sakin. Hindi ko maiwasang mag selos.
"Abuela, No sabe entender el tagalo." natahimik nanaman ako, kasalanan mo 'to carlos kung marunong ka lang mag tagalog 'e di malalaman ni abuela na ako'y marunong mag espanyol!
"¿por que?" nakakagulat na ang aking abuela ay marunong palang mag espanyol muntikan ko nang mapalo uli ang aking bunganga. Buti nalang siya'y mabilis na sumagot
"No recuerda nada" saad ko at umupo sa tabi ni carlos. Gustong gusto kong titigan ang mga mata niyang kulay tsokolate.
"Alam mo iha, bagay kayo. Ang kaso lang ang pananamit niya. Napaka.. Napaka moderna para sa panahon natin" saad niya at tumayo.
"Osya maiwan ko na kayo dyan. Iha turuan mo syang mag tagalog dahil hindi ko kakayanin ang mga espanyol na binibigkas nya" saad ni abuela at pumunta na sa labas. Alam na alam ko na ang gagawin nya. Makikipag usap nanaman sa mga chismosa naming kapitbahay. Panigurado ngang napag chichismisan na kami ni carlos kanina."Carlos" tawag ko sakanya. Buti nalang at mabilis syang pumayag sa pangalang carlos.
"Aquí vas a dormir." saad ko pa at hinila sya patayo."¿Por que?" saad niya at nag kusang tumayo.
"Te enseñaré tagalog" saad ko at ngumiti.
"Estamos en el jardín." ngiti kong pang anya-ya sakanya
BINABASA MO ANG
The unknown 30 Sequels: The Plot Twist
Short StoryThe Unknown 30 Plots. Plot 1: The Plot Twist. A girl who meant In the 17th century broke into pieces because of the 20th century boy who just crushed her heart into pieces.