Chapter 9

7 5 0
                                    

"Abegail Dioteles huh? Let me tell you.." umikot ikot siya sa paligid ko at tinignan ako at ngumisi "Ang taong ginagamit na katawan ng mahal mo ay ikakasal sa ika bente kwatro ng disyembre" Tumawa siya ng pagak "Kaya dapat mo na siyang hiwalayan bago ka pa makasira ng pamilya" Nanginginig ang mga tuhod ko habang nakatingin sakaniya pagkatapos mawala ng aking mahal bigla nalang siya magpapakita sa aking harapan at sinasaad ang mga walang kwentang bagay na ito.

"Pamilya? Ang sinasabi mo ay ikakasal palang sila" Humigit ako ng lakas ng loob matanong lang ang tumatakbo sa isipan ko.

"May anak na si michael sa oras na 'to." Ngumiti siya na paramg demonyo at humalakhak ng napaka lakas. "Nabunggo siya at alam mo bang hindi iyong aksidente? Ginawa yun ng mismong ama niya!" Ngumiti siya sakin ng mapait.

"Apaka ganda ng araw na iyon alam mo ba?" Pagsisimula niya na parang napakasakit ang kaniyang nararanasan. "Masaya kaming nag kkwentuhan habang nag d-drive si uncle" Humigit siya ng napaka lalim na hininga. "At ang hindi ko mawari kung bakit bigla nalang niya niliko sa isang puno ang sinasakyan namin" Sinamaan niya'ko ng tingin. "Kakauwi lang namin ni michael galing spain nun! A-Ako ay nasawi samantalang siya'y inaasikaso ng magiging asawa niya. Na coma siya sa mundo namin. Ang mundo ng mga nabubuhay sa araw na puno na ng teknolohiya't iniisip niyong napakagandang future." Ngumiti siya sakin at sinubukan hawakan ang kamay ko. "Hindi ko gusto si Trisha para sakaniya. Please abegail stop the wedding" Humagulgol na siya sa harapan ko.

"A-Akala ko ba hiwalayan ko na siya?" nag tataka kong tanong kahit ang totoo ay wala naman talaga kaming relasyon.

"Ang akala ko matatakot ka tulad ng mga may third eye na nakakasalamuha ko. Pero hindi nakinig ka sakin at naging sandalan ko" Ngumiti siya sakin. "Stop the wedding abegail don't hurt my cousin, I'm Yasmein.. Don't hurt him.." Sa pag bukas ng mga mata ko mukha ni carlos ang bumungad. Ano? Pano? Akala ko ba nawala siya?

"C-Carlos?" nag tataka ako kung bakit andito siya samantalang kanina ay unti unti nalang siya nawala sa paningin ko, pero masaya akong andito siya at kasama ko.

"A-Abegail.. Alam ko na lahat" Umupo siya sa tabi ng higaan ko. "M-May anak na ako at alam kong hindi mo'ko tatanggapin" Yinakap niya'ko ng mahigpit. Patawad kung nasaktan ka nila. Nagawa lang nila yun para wala kang alam sa mga sinabi nila sakin. Pero ngayon gusto kong humingi ng tawad mi amor. Lo siento.." Tumulo ang luha niya kaya naman agad ko itong pinunasan. "Lo siento mi amor but I'm getting married" may inabot siyang papel na alam kong ayaw niya sakin ibigay.

"Carlos.. I.. I can't loose you.. You're too special to loose" Naiiyak kong saad habang nakatingin sa envelope na nakalagay ang mga letrang tataga sa isip ko't isipan..

Michael and Trisha's Wedding
You are invited to our wedding.
@December 24, this year.
@10:30 Am.

Basa ko sa mga katagang naka sulat sa binigay niyang sulat.

"December 24? Carlos.. Limang araw nalang yun at di ko kayang mawala ka agad sakin" Nanginginig akong humawak sakaniya. "P-Please.. Those five remaining days.. Stay with me and please don't forget about me" Huminga ako ng malalim at ngumiti ng mapait.

"I will mi amor. I will come with you hope our days doesn't have a limit but this is the truth.." Umiwas ako ng tingin dahil ayokong makita ang mga mata niyang puno ng sakit. Nasasaktan ako carlos. Sobrang nasasaktan. Makita ka lang na masaya sa iba ay nasasaktan na agad ako.

"Thank you carlos.. I will surely promise na ibabalik din kita" mahina kong sinaad ang huli kong sinaad. Hindi ko gustong ibalik ka pero hindi pwede. Kahit mahal kita hinding hindi ko kakayaning makasira ng pamilya.

"N-No mi amor.. Don't promise me that.." Bumagsak na ang mga luha niya na nagpa durog sa malambot kong puso. "Please.. I will do anything j-just to feel home by your side" Naiiyak niyang saad at pilit akong nilalapit sa dibdib niya.

"C-Carlos.. Ang sakit.. Ang sakit sakit!" Saad ko habang sinusuntok suntok ang dibdib niya. "G-gusto kong angkinin ka at wala nang makakaagaw sayo pero paano? Pano ko gagawin k-kung hindi ka pwedeng maangkin ng kahit na sino" Gustong gusto kitang angkinin carlos.

"A-Abegail.. Ikaw ang gusto kong makasama.." Saad niya at pilit na nilalapit ang mukha niya sa mukha ko. "Please let me kiss you" Sinusubukan niya pero hindi pwede! M-may anak na siya at hindi pwede..

"M-May anak ka na a-at magkakaron ka na rin ng asawa" Yinakap ko siya ng mahigpit bago siya pakawalan. "Masaya ako para sainyong dalawa" muli kong saad bago tumayo sa kamang hindi pamilyar sa'kin.

M-Mayaman ang magiging asawa niya. Paniguradong siya'y sasaya.

The unknown 30 Sequels: The Plot Twist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon