"Akala ko ba mahal mo siya?!" Malakas na sigaw ni yasmien pagka pikit ko sa mga mata ko.
"H-Hindi ko kayang sumira ng pamilya yasmien.. Oo mahal ko siya higit pa sa buhay ko pero naaawa ako sa bata.. Ayaw kong lumaki siya ng walang ama sa tabi" Unti unting tumutulo ang luha ko. Pabilis ito ng pabilis hanggang sa wala na't ako'y napahagulgol
"No abegail! Lo siento god but.. She deserve to know the truth" Rinig kong saad niya kaya ako'y napatingin sakaniya habang ang mga luha ko'y walang tigil sa pag patak. "Hindi kay michael yun.. Hindi kay michael ang dinadala niya" Umupo siya sa kama ko at pinunasan ang mga luhang kanina pa lumalandas sa nga pisngi ko. "Ang init ng luha mo. Kasing init ng luha ko noon habang pinagmamasdan ang asawa ko at ang mapapangasawa ni michael na nag sasalo" Ngumiti siya ng pait. "Ginawa niyang panakip butas si michael sa ginawa niyang kasalanan" Hinawakan niya ang kamay ko at minasahe yun. "Anak ng asawa ko ang dinadala ni trisha. Hindi kay michael yun" Muli niya pang saad; kung kanina ako lang ang humahagulgol ngayon siya na rin. Mas masakit ang kaniyang dinaramdam kaysa sa dinadamdam ko ngayon kaya wala na'kong nagawa kundi yakapin siya. Ang lamig niya.
"K-Kung hindi kay michael yun.. Ibig sabihin hindi ako makakasira ng pamilya at hindi ako magiging makasarili?" tanong ko para masiguradong hindi ako magiging makasarili kung aangkinin ko si carlos.
"Pwede kang maging maka sarili pero sa pagkakataong ito.." Ngumiti siya sakin. "Sundan mo'ko at may ipapakita ako. Gagawin natin ang lahat hindi lang matuloy ang kasal nilang dalawa" Sumunod ako sakaniya. Nakita ko sitang tumagos sa isang puno kaya naman napahinto ako. Hindi kaya mauuntog? Sinubukan kong mag lakad sa harapan ng puno ngunit nagulat ako nang tumagos ang kamay ko rito. "Kaluluwa ka ngayon. Natutulog ka sa oras na 'to habang ang kaluluwa mo'y kasama ko." Ngumiti siya. Maduming lugar ang nakita ko. Puno ng usok at ng mga taong nag sisigarilyo, napaka daming sasakyan na nag bubuga ng napaka itim na usok.
"Yasmien? Bakit ganyan?" Tanong ko at tinuro ang pader na may nakasulat na kung ano.
"Yan? Siguro ang akala niyo sa panahon ng 20th century ay puno ng teknolohiya at mas magiging malinis ngunit nagkakamali ka. Ang mga tao ngayon ay walang patugot sa pag dumi ng ating bansa." Umiling iling siya na tila may inaalala. "eto ang.. Ang araw kung kailan sila nag talik ng mahal ko, dito." Hinila niya'ko sa makipot na daan. "Y-Yan! Yan si trisha. At y-yan naman ang taong mahal ko.." Tumingin ako sakaniya ng may nilabas siyang kung ano sa bulsa niya. "Sa panahon ngayon uso yan. Isa yang telepono na pwedeng maka ligtas ng isang relasyon tulad ngayon." Binigay niya sakin eto at may pinindot siyang kung ano kaya naging camera ito na nakakapag bidyo ng eksena.
"A-Anong gagawin ko dito?" habang nakatingin sa hawak kong bagong teknolohiyang panigurado ngayon lamang nagawa.
"Pindutin mo ang kulay pulang boton at mag sisimula na ito mag record ng kanyang nakukuha." Ngumiti siya sakin. "Ipapawalang bisa natin ang kasal at siya'y mapapahiya sa kaniyang napaka walang kwentang ginawa" Yumakap siya sa kaniyang sarili. "Ikaw ang magiging dahilan ng pagkalaya ng aking puso't isipan. Mawawalan na'ko ng dinadamdam pag napakita mo ang nakikita natin ngayon." Ngumiti nalang ako at tinakpan ang mga mata ko nang mag simula na silang mag hubad sa harapan ko. "Ang sakit parin pala.. Pero tandaan mo ito abegail.. Ilalagay ko ang teleponong ito sa gilid ng iyong kama at sa araw ng kasal nila'y dapat dumalo ka. Ipapakita mo sa lahat ng taong nariyon ang kanilang ginawang mali sa mata ng lahat ng tao" Humalakhak siya ngunit may mga luha paring tumutulo sa kaniyang mga mata.
"Gagawin ko ang lahat. Mapasakin lang si carlos at malaman ng lahat ng totoo" bulong ko sa aking sarili at dinamdam ang lahat hanggang sa mapamulat nalamang ako at mabilis na tumingin sa gilid ng aking kama. Isang pamilyar na bagay ang aking nakita. Ang teleponong makakapag palaya kay yasmien at makakapag palaya kay carlos na mahalin ako. Carlos hantayin mo'ko dahil tayong dalawang totoong para sa isa't isa.
Hindi ka para sa taong hindi ka kayang mahalin. Hindi ka para sa taong gagawin ka lang panakip butas para sila'y maging masaya. Nung una akala ko tuluyan ka nang mawawala pero hindi ko na hahayaan pang mawalay ka sa'kin, pasensya na Carlos pero susuwayin ko ang pinangakong ibabalik ka dahil sa una palang ay akin ka na.
'Hindi na'ko mangangako sayo mahal ko dahil ayoko nang sumira ng isa pang pangako sayo.'
Pasensya na carlos pero mas gugustohin kitang makasama ng galit ka kaysa naman na hindi kita kasama pero tayong dalawa ang nag iibigan.
'Gustohin ko mang hindi sirain ang aking pangako pero hinding hindi na kita papakawalan pa.'
BINABASA MO ANG
The unknown 30 Sequels: The Plot Twist
Short StoryThe Unknown 30 Plots. Plot 1: The Plot Twist. A girl who meant In the 17th century broke into pieces because of the 20th century boy who just crushed her heart into pieces.