Chapter 12

5 5 0
                                    

Habang nag lalakad ako papunta sa hindi ko alam na kawalan ay may nakita akong lalaki. Nakikipag away, Tatakbo ba'ko o iiwan ang lalaki dun?

Sheks abegail. Don't be so weak. Carlos left you oh no. You left carlos remember?

"Tigilan niyo yan" Nagmamatapang kong saad kahit ang totoo ay kinakabahan ako na baka.. Na baka ako ang masaktan. Sanay ka na abegail diba? Lagi ka nalang nasasaktan kaya bakit ka pa natatakot mamatay?

"Binibini wag ka nang mangeelam. Hayaan mo na'ko. Marami na'kong naging misyon sa mundo" Ngumiti siya sakin ngunit kita sa mga mukha niya ang sakit at pag aalala sa kung sino o kung saan. "Sana lang ay magkita na kami ng mahal ko" Pag ngiti niyang yun ay ang pag labas ng dalawang tao sa isipan ko. S-Si trisha at siya.. Ang ibig sabihin ay siya ang tatay na dinadala ni trisha at asawa siya ni yasmien!

"A-Ahm.." hindi ako nakapag salita at ang utak kong tila lumilipad ay naramdaman nalang ang sariling tumalon sa kinatatayuan niya at yinakap. "Trisha needs you. Your child and trusha needs you more than I do" pagka saad ko ay naramdaman ko ang sunod sunod na pag saksak sa likuran ko. Apaka init ng bakal na tumatana sa kalamnan ko. Apaka init rin ng mga luhang tumatagas na sa mga mata ko.

"S-Salamat dahil pinaalala mo ang mga taong yun" ang mga narinig kong yun ang huli kong naalala bago ako gumising sa isang napaka puti at nakakasilaw na lugar.

"Asan ako?" Naka taas kilay kong saad nang may babaeng pamilyar ang bumungad sakin. "Yasmien?" Tanong ko nang hindi parin siya mag salita.

"Abegail.. Akala ko magiging malaya na ang kaluluwa ko" Ngumiti siya sa'kin na tila wala lang. "Pero masaya ako na inuna mo ang iba bago ang sarili mo. Masaya ako na may makakasama na'ko sa mundong ito" Hinawakan niya ang kamay ko. "Eto na ang huli mong titirhan. Mananatili kang patay dahil iyon ang naging desesyon mo bago ka humimlay" Yinakap niya'ko ng mahigpit. "Si michael? Makakahanap rin yun ng katulad mo" Sa pangalang michael ay tila nawalan ako ng gana sa lahat. Tama siya abegail. Hindi ka naman talaga karapatdapat sakaniya. Michael deserve much more worth than you.

"Yasmien? Masaya ka ba?" tanong ko habang tinitignan ang magandang paraisong si yasmien na ang nag sabi; eto ang pinili ko kaya napakasayang eto ang pinili ko kaysa masaktan sa lupa't hinding hindi na makakabangon sa sarili kong mga paa.

"Hindi. Hindi ako naging masaya maging mag isa. Nakalimutan ako ng lahat at ni minsan ay hindi ako dinalaw. Pero ngayon nang makilala kita mundo ko'y nagkaron ng sigla. Dahil isang tao na ang pumansin sakin at ngayon ay kasama ko na sa malaking paraisong ito na dati ay ako lang mag isa" Ngumiti ako nang malawak sakaniya at hinawakan ang mga kamay niya.

"Makakasama mo na'ko Yasmien. Hindi ka na mag iisa. Hindi na tayo mag iisa dahil tayong dalawa ay magsasama na't hindi na mag hihiwalay pa" Saad ko habang tinitignan ang magaganda niyang mga mata. Katulad ng kay carlos.. Sana ay masaya siya ngayon. Pati na rin si lola. Pasensya na abuela mi corazoncito. Iniwan ko kayo ng maaga.

"Gusto mong sumama? Mag ikot ikot tayo dito sa paraisong napaka lawak. Ngayon siguro ay magiging masaya ako sa pag lilibot" Tumawa siya at sinukbit ang kamay niya sa balikat ko.

"Eh? Then be my girlfriend then" Saad niya at sinukbit ang kaniyang braso sa aking braso na parang bading kung tignan. "Or I'll be your bestie! I read many novels that friends can end up into a relationship!" - Carlos
"Pano kung may iba akong kaibigan? - Abegail
"No! Akin ka lang abegail. Akin ka lang" "Ako lang dapat hahalik diyan" "Ako lang rin ang tatawag sa'yo ng mi amor because You're mine. Only mine mi amor"

Natigilan ako nang maalala ang masasaya naming ala-ala. Sana magkasama tayo ngayon carlos. Sana tayong dalawa ay magkasama nang masaya at walang problema. Sana ako parin ang mahal mo carlos pero kung hindi na sana ay maging masaya ka sa piling ng iba carlos. Hindi kita pinipilit dahil tayong dalawa ay paniguradong hindi talaga tinadhana sa isa't isa.

"Ayos ka lang?" tanong ni yasmien na agad kong kinatango. Maayos at malaya nako. Wala na dapat akong maramdaman sa mga sakit na 'to. Dahil ang paraiso lamang ang makakapag pasaya sayo.

"Oo naman Yas. Masaya ako dahil may taong nakakaintindi sakin kahit papano" Yinakap ko siya ng mahigpit ngunit ang pagyakap na yun pala ang makakasira ng lahat ng nararamdaman ko. Tumawa siya at tinulak ako palayo.

"Nakakaintindi? Pero bakit di mo'ko naintindihan?! Magkakasama na kami ng taong mahal ko pero anong ginawa mo? Sinakripisyo mo ang sarili mo! Pano ko makakamit ang hustisya kung hindi mo'ko maintindihan?!" sigaw niya at tinulak tulak ako. Ano bang nangyayare?

"P-Pasensya na yasmien.." Tumawa siya ng pagak at nang matulak niya nako ng napaka lakas ay ngumiti siya.

"Hindi pa ito ang panahon mo para dito. Magkakaron pa ang buhay ko ng hustisya't magiging mag asawa pa kayo ni michael" Yan ang narinig ko habang nararamdaman ang paghulog ko sa kung saan.

The unknown 30 Sequels: The Plot Twist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon