Beauty
"Kamusta,brad!" bati ko sa bouncer na nakabantay dito sa entrance ng Suit and Tie Club kung saan ako may gig. Actually, sa lounge na nasa top floor ang gig ko. Yung club mismo ay nasa second at third floor. Nakapunta na ako roon minsan ng dalhin ako ni Lucio doon.
Nakipagfist-bump ako sa bouncer.
"Okay... okay lang." natawa ako sa sagot niya. Medyo idolo niya si Pacman kaya ganyan sumagot. "Long time no see! Ang ganda mo pa rin talaga." puri niya.
"Hay naku, maliit na bagay." hinawi ko ang buhok ko kahit hindi naman nakaharang sa mukha ko.
"So pwede bang manligaw?" Palagi na lang 'yan ang tanong niya sa akin kapag nandito ako sa club. May itsura naman siya kaya lang hindi ako mahilig sa kamag-anak ni Johny Bravo.
"Oo naman." nakangiting sagot ko.
Umaliwalas ang mukha niya. "Talaga?"
Tumango ako. " Basta huwag lang sa akin!"
Napakamot siya sa batok. Itinuro ko na lang na papasok ako at iniwan siya doon. Sorry na lang dahil hindi ako paasa... ako lang ay umaasa.
Pagkarating ko sa dressing room ng lounge ay nakita ko ang mga balahura kong ka-banda.
"Beauty!" sigaw nila. Tumakbo sila payakap sa akin. At doon na kami na nagtatalon na parang bata. Mga isang buwan ko ata sila hindi nakita. Nagkamustahan lang kami ng ilang minuto dahil kailangan na nilang iset up ang mga instruments na gagamitin namin mamaya.
"Oh anong balita sa 'yo? Mukhang gumaganda ka yata?" tanong ni Siri na siyang natira na kasama ko dito. Serena talaga ang pangalan niya. Napagkatuwaan kong tawagin siya na Siri dahil katunog ng unang apat na letra sa pangalan niya iyong robot sa cellphone ng mga mayayaman.
Umupo ako sa harap ng salamin at inilapag ang dala kong backpack.
"Eh ano pa nga ba? Permanente na itong ganda ko kaya hindi mo na kailangang ipangalandakan pa!" makatotohanang sagot ko habang ngumi-ngiti sa harap ng salamin. Walang tulak kabigin ang ganda ng hulma ng mukha ko. Sabi nga nila, ipagmalaki mo kung meron ka naman maipagmamalaki.
"Gaga! Joke lang 'yon. Hindi ka man lang kinilabutan." kinikiskis pa niya ang balat niya sa braso niya na para bang tumaas nga balahibo niya.
Dinedma ko na lang siya. Inilugay ko ang mahaba kong buhok at sinuklay iyon.
"Abah himala... nagpapaganda ka ata ngayon?" naglagay na rin ito ng pulbo sa mukha niya. Maganda naman si Serena eh kaya lang may pagka-bungangera. Siri talaga.
"Siyempre makikita ko si Lucio my labs."
"Ay teh,sorry ka! Wala si Sir Lucio ngayon."
Nakasimangot akong humarap sa kanya.
"At bakit?"
"Abah malay. Close ba kami?"
I made a face. "Eh paano mo nalaman na hindi siya makakapunta ngayon?"
"Eh kasi nga hindi naman siya nagtatrabaho dito. At tsaka wala siya rito last week." Inaayos na niya ngayon ang buhok niya.
Napasandal ako sa upuan ko at humalukipkip. "Nakakainis naman! Ayoko na. Hindi na ako makakakanta nito." Siya pa naman ang inspiration ko kapag kumakanta ako rito sa lounge.
"Bakit kailan pa naging vocal cords si Sir Lucio?"
"Hmmp. Hindi mo kasi naiintindihan ang nararamdaman ko. Isa lang naman ang hinihingi ko.." seryosong sabi ko.
Tumaas kilay niya. "Ano?"
"Kung hindi mo ako marespeto bilang asawa, respetuhin mo naman ako bilang kaibigan. Kung hindi naman, respetuhin mo ako bilang tao!!!" naiiyak at madramang sabi ko. Suminghot ako sabay tirik ng mata.
BINABASA MO ANG
Blackmailing the Beast
Romance[Tagalog/ongoing] Hunter Falcon, COO of a shipping lines, will soon discovers that his heart hasn't really been dead for the last fourteen years since his first love passed away. *** Beauty Contreras is a 20 years old girl who is completely bubbly...