Chapter 18 - Belle the nerd

9.5K 353 36
                                    

Beauty

First day ko sa klase at may presentation na agad? Ako ang pinakahuling nag-enrol sa klase kaya nung dumating ako kanina ay lahat sila magkakakilala na. Mga trenta siguro kami magkaklase dito sa last subject ko. Nagugutom na ako.

Biglang sumagi sa isip ko si Hunter. Hindi dapat ako affected kasi ganun talaga ang ugali niya. Mukha pa naman siyang problemado kanina. Tungkol pa rin siguro sa sunog sa vessels nila.

Nagbuntong-hininga ako.

"Ang lalim naman nun."

Napa-lingon ako sa nagsalita sa tabi ko, si Nordin. Hindi pa nag-iinit ang tumbong ko sa aking upuan kanina ay feeling close na siya sa akin. At first, I like him coz he was the first personto talk to me. Actually ka-klase ko din siya sa ibang subject ko kanina kasi pareho kami ng kurso. Sa panghuling klase lang niya ako kinausap. He is a typical rich, jocky guy who wears varsity jacket in a fourty degrees weather. He is a soccer player based on the embroidered patches on his jacket. Ibinalik ko ang tingin sa labas ng bintana. One look, you will know how overconfident he is, yung tipong feeling niya siya ay hulog ng langit para sa mga babae. He is too confident, ganun din naman ako, pero nao-overpower niya ako.

"Suplada ka pala."

Napipilitang kinausap ko siya. I heaved a boring sighed.

"Ilang taon ka na?"

"19. Ikaw?"

"20, so that means Ate mo ako. Kaya pwede ba, hindi uubra yang mga laos mong pahangin sa akin. Okay?"

Tumawa siya.

"I'm just being friendly. At tsaka nasasabi mo lang yan kasi ngayon pala tayo nagkakilala. Pag-uwi mo mamaya, marerealize mong na-love at first sight ka sa akin. Tapos malulungkot ka kasi hindi na kita papansinin the next day kasi nga sinupladahan mo ako ngayon. Magsisisi ka. Tapos iiyak ka. Hanggang maging man-hater ka na kasi hindi mo ako nakatuluyan."

Sira ulo ata to. Kung ano-ano pinagsasabi. Nakangisi pa ang loko akala naman niya ikinagwapo niya.

"Ang kapal. Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo noh! At tsaka pwede ba, may boyfriend na ako."

"Who?"

"Basta. Isang tiris ka lang sa kanya."

"I don't think so. Kita mo itong biceps at triceps ko," nag-pose pa siya the Johny bravo style. "kayang-kaya nito warakin ang pustiso ng kung sino man na boyfriend mo."

Inambangan ko siya ng suntok. "Hoy, ngipin pa lang ng boyfriend ko mas perfect na kaysa sa buong pagmumukha mo."

Tumayo na ako at iniwanan siya doon. Tapos naman na ang klase namin, nag-uusap lang yung iba tungkol sa presentation. Wala namang ibang kumakausap sa akin doon. I just stayed in hopes to makes friends but most of the girls didn't show any interest in me. Naramdaman kong hinabol niya ako.

"Pikon ka naman. Niloloko lang kita." natatawang sabi niya.

"Mukha ngang manloloko ka."

"Grabe. May partner ka na sa presentation? Tayo na lang."

Umiling ako. "Ayoko. Kailangan ko ng magandang grado."

"Hindi naman sa pagmamalaki but I am a member of Pi Upsilon honours society," he winked at me. I rolled my eyes bago siya nilagpasan.

Based on what I read from the University pamphlet, PUHS is a fraternity or an organization which recognized students who excels in both academic and extra-curriculars like sports or clubs. You will be considered a scholar. Tapos if you put this achievement in your resume, you will be employed in any company. Naisip ko nga na mag-apply kaso nanlumo ako nang mabasa ko na kailangan at least 90 ang average mo on all your classes and on top of that you should also be active in clubs or any sports. No life, ganern!

Blackmailing the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon