Dedicated to @thelmarie dahil katukayo niya si Bethel. :)
Beauty's POV
Nagising ako sa ingay ng kapitbahay namin. Tsineck ko kung anong oras na....eh walanghiya! Quarter to six pa lang. Halos tatlong oras lang tulog ko. Kaya minabuti kong bumangon na dahil sigurado akong di rin naman ako makakatulog ulit. Tumayo ako sa pagkakahiga at naglakad papunta sa bintana habang naghihikab. Hinawi ko ang kurtina sa may bintana para makiusisa sa kanina pang nag-iingay na kapitbahay. Nakita kong nagbabangayan sa harap ng bahay ang mag-asawang Lito at Meding. Ka-close ko ang dalawang iyon dahil madalas ko silang makakwentuhan kapag bumibisita ako kay Beth dito.
"MANG LITO?"sigaw ko sa lalaki.Napatigil sila sa pagsisigawan.Tumingala naman silang dalawa sa direksyon ko. Nandito kasi sa second floor ang kwarto namin at walang kahit na anong dibisyon ang mga bahay dito.
"Hindi ka na naman napag-bigyan noh? Masama ang gising eh"pagbibirong tanong ko sa kanya. Napakamot naman ito sa batok. Humahigikgik naman si Aling Meding.
"Medyo," natatawang pag-amin niya. Pati ako napatawa na din. Ang halay talaga ng matandang ito. "Nagising ka ba namin?"dugtong na tanong niya.
"Naku okay lang po iyon. Libre alarm clock nga po ako eh. Pero sa susunod po mga alas syete na hah?" suhestiyon ko. Mas effective kasi bunganga nila kesa sa alarm clock ko.
"Sige..huwag kang mag-alala," sagot naman niya. Binatukan tuloy siya ni Aling Meding.
"Huwag mong binibiro itong si Lito,Beauty dahil baka seryosohin niya. Pasensiya kana sa ingay namin ha,"pagpapaumanhin ni alin Meding.
"Naku okay lang po iyon...Huwag na po kayong magbangayan diyan. Lets love love love lang.."natatawang sagot ko. Humalakhak naman silang dalawa. "Sige po," paalam ko at tumango naman silang dalawa. Binitawan ko na ang kurtina sa pagkakahawi nito at naglakad na sa may kabinet ko. Kinuha ko ang tuwalya na nakahanger duon at kumuha na din ako nang damit na pampalit.
Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos ay tumungo ako sa may kusina para mag-almusal dahil nakaramdam ako ng gutom.Naalala kong hindi pa pala ako nag-almusal mula kagabi dahil sa dami nang nangyari.
Nakita ko namang nakaupo duon si Beth sumisimsim sa kape niya.
"O ang aga mo atang nagising?" puna ni Beth sakin.
Umupo ako sa katapat niyang silya. "Sa lakas ng sigawan ng kapit-bahay mo, tingin mo di ako magigising. Bakit hindi mo na lang ipa-soundproof ang mga kwarto eh."
Naglahad naman ito ng palad na parang may hinihingi sakin. Kinuha ko naman ito at sinuri ang mga linya sa kamay nito. "Ayon dito sa palad mo ay hindi kana daw makakapag-asawa dahil na-flatan ang nakatakda para sayo."sabi ko sa seryosong mukha na para bang totoo ang mga sinasabi ko.
Hinablot nito ang kamay niya at pinalo ako sa kamay. "Gaga, hindi ako nagpapahula."sabi niya.
Hinihimas ko naman ang parteng pinalo niya. Ang bigat talaga ng kamay ng babaeng ito. "Eh bakit nga?" natatawang tanong ko. Masyado kasi itong seryoso.
"Sabi ko, pahinging pera pampa-soundproof. Kung makapag-suggest ka diyan kala mo may pera tayo."
"I give advice not money." sabi ko habang tinitimplahan ang sarili kong kape.
"Tssk... O saan ang punta mo ngayon?" tanong niya.Habang sinisipat ang suot ko. Nakajeans,converse at plaid shirt lang kasi ako.
Kumuha ako ng isang pirasong pandesal mula sa supot at isinawsaw iyon sa kape ko. Kumagat muna ako bago sumagot. "Diyan lang..maga-audition," tipid kong sagot kasi sunod sunod ang pagsubo ko sa pandesal. Ang sarap kaya.
BINABASA MO ANG
Blackmailing the Beast
Romantizm[Tagalog/ongoing] Hunter Falcon, COO of a shipping lines, will soon discovers that his heart hasn't really been dead for the last fourteen years since his first love passed away. *** Beauty Contreras is a 20 years old girl who is completely bubbly...