Beauty
Palabas na sana ako ng kwarto ko nang masagi ko ang blazer na naka-kalat sa may sahig ng kwarto ko. Sa kama-madali ko last week, basta ko na lang hinagis kung saan yung mga bagay na hindi ko kailangan nang araw na 'yun.
Pinulot ko ang blazer at isinilid sa backpack ko tutal papunta na rin lang ako sa Pacific. Hindi pa naman ako sigurado kung sa Pacific nga ito o di kaya sa kapangalan lang na iskwelahan.
"BEAUTY!" sigaw ni Beth. Nasa baba siya at nagluluto siguro.
"ANO?" sigaw ko pabalik.
Nagsuot ako ng sapatos. Pagkatapos ay pinulot ko yung mga damit ko na nakakalat sa ilalim ng kama ko at nilagay sa hamper. Kailangan ko na pala maglaba. Nagsisimula pa lang anga raw ko, ang dami ko na agad iisiping gawin.
"MAY SULAT KA!"
"OK, PABABA NA AKO."
Isinubit ko na ang bag ko saba'y suot ng sumbrero. Patakbo ako na bumaba patungo sa kinaroroonan ni Beth. Nadatnan ko siya sa may pintuan. Hinablot ko sa kanya ang sulat.
"HOY! ANONG ORAS KA UUWI?"
"EWAN!" sigaw ko na sagot dahil nasa gate na ako.
Tumatakbo pa rin ako habang sinusuksok ang sulat sa bulsa ng bag ko. Mamaya ko na babasahin ito dahil sobrang late na talaga ako. Pagdating ko sa sakayan ay napasimangot ako sa sobrang haba ng pila.
Mahabang pakikibaka na naman ito.
At iyon nga halos kalahating oras ang ipinila ko bago nakasakay ng jeep. Hindi tuloy ako nakapag-attendance. Napagalitan pa ako ng Professor namin dahil hindi niya nagustuhan ang sagot ko sa tanong niya. Eh paano ba naman, wala pang isang minuto na nakaupo ako tinanong ako kung bakit daw ako late? Eh sabi ko late yung jeep kaya ako na-late. Galit na galit sa akin. Mali na ba magsabi ng totoo ngayon?
"Beauty!"
Liningon ko yung tumawag ng pangalan ko.
"Ano na naman?" tanong ko kay Nordin.
Laging nakasunod sa akin ang lalaking ito. Tapos naman na yung group report namin kaya wala nang dahilan para samahan niya pa ako. Pinag-iinitan tuloy ako ng mga kababaihan dito dahil lagi kong kausap yung ultimate crush nila. Kung alam lang nila, mas gwapo yung boyfriend ko. Pero siyempre hindi ko ipapangalandakan para wala akong kaagaw.
"Ikaw, lagi kang excited makita ako. Huwag kang masyadong obvious," wika niya.
Inunat ko yung isa kong braso sa ilalim ng baba niya. Kaya napatigil siya sa pagsabay sa akin sa paglalakad ng tumigil din ako.
"Bakit mo ba ako sinusundan?"
"Eh saan ka ba pupunta at sasamahan na kita," nakangiting alok nito.
Kinwelyuhan ko siya. Wala naman talaga akong pupuntahan. Mamaya pa kasi ako susunduin ni Hunter baby ko. Ang balak ko sana ay maglibot-libot muna.
"Hoy, Nordin. Kapag nagselos ang jo--"
Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang isang grupo ng mga batang estudyante na naglalakad palapit sa amin. Sobrang cute nila lalo na yung mga batang babae na naka-pigtails. Yung mga lalaki naman ay pataasan ng buhok, parang mga mini san ghoku. Natutuwang pinanood ko sila naglalakad palapit sa amin.
Naka-linya sila at nakasunod sa mga Teacher na nauunang maglakad. They were all wearing the same uniforms. Nabitiwan ko ang kwelyo ni Nordin. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa malagpasan nila kami. Nakanganga lang ako na tila hindi makapaniwala.
Kumunot ang aking noo. Yung blazer na nasa bag ko ay katulad ng suot nila na uniform.
"Uy, Beauty."
BINABASA MO ANG
Blackmailing the Beast
Romance[Tagalog/ongoing] Hunter Falcon, COO of a shipping lines, will soon discovers that his heart hasn't really been dead for the last fourteen years since his first love passed away. *** Beauty Contreras is a 20 years old girl who is completely bubbly...