Chapter 6 - Belle's interview

39.8K 1K 69
                                    

Beauty

"Hi. Im Beauty Contreras. Im here----"

"You're late. Follow me." sabi ng sekretarya. Ang sungit naman, Kungsabagay may edad na rin kasi. Magre-retire na raw ito kaya naghahanap ng panibagong secretary ang COO.

Kumatok muna ito sa itim na pintuan at tsaka pumasok. Nasa likuran lang niya ako.

"Sir,nandito na ang aplikante."

"Let her in."

Isinenyas ng secretary na pumasok na ako. Nang makalabas na ang sekretarya ay doon ko pa lang nakita ang kabuuan ng opisina. Halos wala naman laman ito. At tsaka puro puti at itim ang kulay ng mga furnitures. Naghahalo ang kadiliman at kabutihan.Sugo siguro siya.

Natuon ang pansin ko sa direksyon kung saan nakaupo ang COO.

Adam Hunter Falcon|COO

'Yan ang nakalagay sa desk nameplate niya.

Beauty Alejandra Falcon

Bagay.

Napailing-iling ako. Ano ba 'tong iniisip ko.

Abala pa rin ito sa pagpipirma sa mga papeles na nasa mesa. Mukhang nakalimutan ata ako.

Natigilan ako nang mapagtanto kong siya ang lalakeng hambog na nakasagutan ko sa elevator kani-kanina lang.

No way.

Kung siya rin lang ang magiging boss ko huwag na lang.

Tumalikod na ako at handa ng maglakad palabas pero naisip ko ang deal namin ni Mr. Castillo.

I have to be his secretary.

Pero paano ko siya papaamuhin kung unang paghaharap pa lang namin ay hindi na kami magkasundo.

Gagawa na lang ako ng ibang paraan. Di bale nang mahirapan huwag ko lang siya makasama sa araw-araw.

Pipihitin ko na sana ang seradura ng biglang tumikhim ang hambog.

Napipilitang liningon ko ito at ngumiti ng matamis. Siyempe peke lamang iyon.

"leaving so soon?" nakangising tanong niya. Mukhang namukhaan na rin niya ako.

Lumapit ako sa kanya. Kasalukuyan itong nakasandal sa swivel chair at nakahalukipkip.

Yabang.

"Hi. Ako nga po pala si Beauty A----"

"Alejandra Contreras. Have a sit."

Tahimik naman akong umupo.

"Are you sure youre qualified for a final interview? You dont even have any experience working in a company." duda niya.

"Madali lang naman po ako na matuto." magalang na sagot ko. Tutal nandito na rin lang ako kailangan ko nang galingan para makapasok. Kahit na suklam suklam ako sa herodes na 'to.

"Really? Marunong ka bang magtimpla ng kape?"

"Yes."

"Lets see.Itimplahan mo ako ng black coffee." sabi niya at itinuon na ulit ang atensyon sa pinipirmahan kanina.

Yun lang yun? Wala na bang ibang itatanong?

Naguguluhang lumabas ako ng opisina niya para ipagtimpla siya ng kape. Ni hindi man lang sinabi kung ilang takal ng asukal ang ilalagay o walang asukal kaya.

Nag-brew na lang ako ng premium coffee na nandito. Ang totoo kasi niyan puro instant coffee ang tinitimpla ko kapag sa bahay.

Pagkalapag ko ng kape sa may tabi ng papeles niya ay agad itong humigop.

Blackmailing the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon