Chapter 20 - Unidentified Belle

8K 325 39
                                    

Beauty's POV

Pinagtataguan ako ng boyfriend ko. Kahapon ko pa siya hindi nakikita at ngayon nga ay Biyernes na. Palaging sa labas siya nagme-meeting. Ang huling kita ko sa kanya ay noong wednesday kaya lang maaga ako umalis dahil may klase pa ako. Nagsayang pa ako ng pamasahe papunta sa company niya tapos wala akong mapapala. Siguro tuwang-tuwa ang itlog niyon na hindi ako nakikita ngayon. 

Naglalakad lang ako dito sa pasilyo ng building namin. Pinapatawag kasi ako sa registration office dahil may sasabihin daw ang Head Registrar sa akin.

I dialed Oscar's number. Idinikit ko sa aking tainga ang cellphone ko. Ring lang ng ring ito. Isa pa itong assistant niya na iwas ng iwas sa akin.

I texted him.

Oscar, sagutin mo ang phone please. Wala kang choice kundi mababaha ang inbox mo ng txt ko.  

I hit send. Tapos dinial ko ulit ang number niya. Mga naka-siyam atang dial bago niya ito sinagot.

"Hi Oscar. Kamusta?"

"Busy po ako, Maam."

"Anong busy? Wala ka namang jowa."

"Si Maam, talaga."

"Nasaan kayo ng magaling mong Boss?"

"Sa ano Maam... ano," may pag-aalinlangang sabi niya. 

Mukhang may tinatago.

"Ano!?" 

Diretso lang ang lakad ko habang nakikipag-usap kay Oscar. Napasimangot ako nang masasalubong ko ang bwisit kong klasmeyt na si Nordin. Kumaway siya sa akin. Napa-ismid lang ako. Balak kong hindi siya pansinin kapag nakalapit na siya sa akin.

"Ano, Oscar?" tanong ko muli sa kausap ko sa cellphone.

"Ah, Maam. Nandito kami sa seaport office. Nagi-inspection po sina Sir ng mga vessels."

"Nagsasabi ka ba ng totoo?"

"OO, Maam."

"Okay. Pakisabi sa Boss mo, mag-ingat siya. At ipaalala mo yung deal namin bukas. Alam na niya agad yun. Okay?"

"Copy, Maam."

"Bye Oscar. Ingat ka din. Malapit ka na magmana sa Boss mo."

Natatawang sabi ko bago siya pinatayan ng tawag. Mahal kaya ang load ngayon. Hindi pa naman ako naka-unli call. Grabe na talaga, effort kung effort ako sa relasyong 'to.

"Hi Beauty. Papunta ka na ba sa klase natin?" nakangiting tanong niya.

"Nakita kita so hindi na ako papasok," sabi ko sabay iniwan siya doon. Agad naman niya akong sinabayan ng lakad.

"Next week na ang presentation natin. Kailan tayo pupunta ng library para ayusin ang report natin?" nakangiting wika niya. Muntik ko na makalimutan ang presentation na yun. Sa Wednesday na pala.

"Huwag ka ngang ngumiti. Nakakairita ka."

Napalabi siya. "Ang harsh mo sa akin."

"Ang kulit mo kasi. Sa monday na lang tayo pumunta sa library. Okay na ba yun?" pabalang kong wika. Wala naman akong choice at siya na lang natitirang walang ka-groupmate sa klase namin.

Nag-thumbs up siya. "Okay na okay. Pahingi number mo para ma-kontak kita."

"Para-paraan ka din eh!'

He chuckled. Ibiniga nito ang iPhone niya sa akin. I input my number.

"Salamat. Textmate na tayo."

Blackmailing the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon