Beauty
Naomi... Naomi.
Magmula nang tawagin ako sa pangalan na iyon, bigla na lang lumilitaw sa isip ko kapag mag-isa lang ako.
"Hoy!" bulyaw ni Beth sa akin. Galing siya sa kusina.
Sinamaan ko siya ng tingin habang nakahilata dito sa may sala. Nakahiga ako sa banig. Ang init ng panahon ngayon kaya dito ako natulog kagabi imbes na sa kwarto ko.
"Bakit ba?" sigaw ko.
"Kanina ka pa kasi nakatitig sa kisame. Alam mo nababahala na ako. Hindi nga bumalik yung ala-ala mo pero natuluyan ka nang mabaliw sa kaka-isip."
Umupo siya sa may paanan ko at binuksan ang TV gamit ang hawak na remote.
"Mababaliw na nga siguro ako! Ang weird kasi ng nangyayari sa akin nitong nakaraang araw. May kilala ka bang Naomi?"
"Sino? Yung model? Si Naomi Campbell?"
Tinadyakan ko siya sa braso.
"Aray hah! Anong Naomi ba yan?"
"Hindi. Basta yung kakilala lang ba. Kasi noong lunes, may tumawag sa akin ng Naomi."
"Talaga? Baka nagkamali lang. Baka pyramid scam yan o kaya pick up line yun?"
"Hindi pyramid scam at mas lalong hindi pick up line dahil may anak siya na lalaki. Ang sabi niya, nagkamali lang daw siya. Pero tingin ng tingin sa akin hanggang sa makalayo sila sa akin. Sa palagay ko, nagdadahilan lang siya. Magmula noon hindi na mawaglit sa isip ko."
"Sana hinabol mo yung lalaki."
"Hindi ko naman masyadong naisip noon kasi nga naniwala ako sa sinabi niya na baka nagkamali nga lang talaga siya. Pero nang palagi ko na naiisip ang pangalan na yun, doon ako napapaisip."
"Puro kasi noodles kinakain mo kaya puro MSG yang nasa utak mo. Baka nga naman nagkamali lang. You are just overthinking."
Inirapan ko siya dahil sa mga walang kwenta niyang sinasabi.
"May itatanong ako pero seryoso ito," panimula ko.
Napatingin siya ako na parang hindi naniniwala na seryosong usapan kami ngayon.
"Sige..sige. Ano ba yun?"
"Sa tingin mo, kaya ni Tatay gumawa ng masama?"
"Gaano kasama?"
"Like...ahm, kidnapping?"
"Hah? Bakit na--" she gasped while pointing her index finger at me."You think Tatay kidnapped you!?" eksaheradang paratang niya sa akin.
Napipi ako kasi iyon talaga ang gusto kong sabihin. I just, well, sugarcoated it a bit. Hindi ko direktang sinabi na ako ang kinidnap niya. Gagawa sana ako ng ibang story but she figured it out easily.
"Hoy, Beauty... I don't think Tatay is capable of doing such thing noh!"
See, even Beth doesn't believed with my ridiculous conclusion about Tatay. Kaya nga hindi ako naniniwala na ako si Allison.
"Eh bakit siya magsisinungaling sa akin? Alam mo bang walang record ng pagkapanganak ko sa PSA. Talagang peke yung binigay niyang birth certificate sa akin."
"Okay fine..." kumalma ito at umayos ng pagkaka-upo. "Let's say hindi ka tunay na anak ni Tatay. Baka naman niligtas ka o di kaya napulot sa kalsada noong nabubuhay pa si Nanay mo. Tapos inako ka na lang niya kaya ka walang birth certificate. Pwede naman hindi ba?"
Okay, sa sinabi niyang iyon, maaaring ako nga si Allison. Ah basta, hanggat hindi ako sigurado, wala akong sasabihin sa kahit na sino.
Napa-tango ako. "Kung sabagay, may point ka!"
BINABASA MO ANG
Blackmailing the Beast
Storie d'amore[Tagalog/ongoing] Hunter Falcon, COO of a shipping lines, will soon discovers that his heart hasn't really been dead for the last fourteen years since his first love passed away. *** Beauty Contreras is a 20 years old girl who is completely bubbly...