Chapter 1: Holy Cow He's Here?!

37 0 0
                                    

"Welcome to St. Lorenzo University"

As I read a big big banner posted on the main gate of our school.

College na talaga ako.

Handa na ba talaga akong pumasok sa mas malaking mundo? Makakilala ng mas maraming tao?

Sabi nila sa college, puro pasosyalan, pabonggahan, hindi lang ng mga ganit, kundi pati ng boyfriend at girlfriend. Necessity ba talaga yun sa college?

Sabi nila loner ka daw pag wala kang madaming friends. OP ka daw pag wala kang boyfriend o girlfriend. Ganun ba talaga sa college? Mas lalo yata akong kinakabahan.

Isip ko ready, but it feels like my heart was left on high school, unfortunately as well as my body. Petite and urg so flat. Nakakahiya pag pinagkakamalan akong high school student. Anyways, I believe that I am a late bloomer. So Dear Puberty, I'm counting on you. Haha

I roamed around the campus dahil dumating ako 30 minutes before my first class. Hindi naman sa excited ako pero I just don't want to give a bad impression as a late comer for the first day of school. Hindi sya sobrang laki. Pero okay na din. Ano ba naman kasing aasahan mo sa school in a province. Kahit pa sabihing private school ito, undeveloped pa din ang mga buildings, old and no AC. Wondering saan nila dinadala ang napakalaking perang ibinabayad naming mga students.

Nakakalula lang mga students na nadaanan ko. Ewan ko parang nanliliit ako. Karamihan sa kanila may sariling mga kotse, nakaporma na parang may mga photo shoot. Ang puputi nila, ang kikinis. Parang isang krimen kung hahawakan mo ang balat nila. Ano ba yan nakakahiya naman kulay ko.

Minsan ba naisip nyo na hindi kayo belong sa isang lugar? May magiging kaibigan kaya o dito? Pero boyfriend? Asa wala yata yun sa bucketlist ko. Ahay ano ba yan. Bawal sirain ang mood ko para sa first day of school. Woooooh come on good vibes.

Well just on time as I arrived in our room. It's already 7:30 am. My class supposed to start 30 minutes ago. But well irregular classes palang naman kasi.

I looked at my classmates, they found their own groups. May mga mukhang seryoso , may mga pasosyal, may mga okay lang, yung mga maiingay na lalaking easy go lucky sa labas at higit sa lahat there you go, ang mga rich kid. This is the reason I'm in hesitant to study here, sabi nila puro pasosyalan ang mga tao dito. Puro sosyal, wala namang binatbat sa pag aaral.

"Everybody please come in and look for seats." The professor just arrived. I sat properly. Habang pumapasok naman yung mga taong nasa labas pa kanina.

And nahagip ng mata ko ang isang tao na pamilyar sa malalaki kong mata na kasalukuyang nasa malapit sa pinto. Dito din sya mag aaral?! Shit ano ginagawa nya dito? Teka! Bakit sya pumapasok sa room namin?! Imagination ko lang ba to?!

"Oy" turo nya sakin. Nagsalita sya! Omgeee. Hindi sya imagination.

"Oh???" Yun lang nasabi ko sakanya. Pasensya shocked pa din e. dito talaga sya mag aaral?! Seryoso? Relax Thea, baka naman kamag anak nya yung teacher kaya nya ihinatid sa room namin. O kaya wala na syang pang aral kaya nag apply syang body guard nung teacher? Oo baka ganun nga. Kawawa naman sya.

"Hi classmate!" Ano daw classmate? Ay shutangina. Totoo nga!!!!

"Seryoso ba?" Di pa din talaga ako makapaniwala. Bakit sya pa. Sa dami ng magiging kklase ko, bakit ang gwapong ito pa?!

Ano nasabi ko gwapo? Hehe joke lang yon. Mukha syang asong nalahian ng kambing.

"Kanina kapa nandito?" Wow ha. Parang close kami. Sasagutin ko sana ng 'paki mo ba?' kaso ang that's rude.

Believed in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon