Chapter 12: Destiny?

12 0 0
                                    

*Alteah's POV

"So kamusta naman kayo ng "boyfriend" mo." tanong ko kay Mabb na busy sa pagtetext habang kinikilig kaya naman alam kong katext nya na ang misteryosong boyfriend nya.

"Ahm. Getting stronger everyday." Kinikilig nyang sabi.

Hay ang hirap talaga pag may boyfriend yung bestfriend mo. Tapos ikaw wala. Hindi ka makarelate.

"Good for you." Buti pa si Mabb laging kinikilig. Laging may sumusundo sakanya. Laging may kasabay pauwi. Laging may nagpapaalala sakanya na may nagmamahal sakanya. Ang sarap siguro sa pakiramdam nun no?

"Magboyfriend kana din kasi! Para naman sabay tayong naiihi sa kilig."

"Nagpapatawa kaba e ni manliligaw wala ako. Boyfriend pa kaya?"

Minsan naiisip ko pangit ba ako bakit parang walang nagkakagusto saking okay okay. I mean meron naman kaso hindi ko sila gusto. Ganun ba ako kapangit? O sadyang choosy lang ako?

Ewan. Ayaw ko talaga ng romance, pero di ko mapigilan ang di kiligin? Sa totoo lang hindi ko na maintindihan sarili ko. Baliw na yata talaga ako.

"E anong nangyari dun sa crush mo?" Crush?

"Sino ba sakanila?" tanong ko sakanya.

"Dalawa nga pala sila ---"

"Anong dalawa. I mean sino ba tinutukoy mo. Wala naman akong crush." Wala pa nga ba Alteah?

"Weh. Si Ceib?"

"Naggwapuhan."

"Si Alex."

"Napapangitan."

"Ano?! Ikaw lang yata nagsabing pangit yon." Totoo ba?!

"Dahil ako lang nakakaalam ng katotohanan." E pangit naman yon. Mayabang pa. Kambing pa. Nakakakilig nga lang. Ahh shet. Erase

"Hay nako. Yung inistalk mo! Ano na nangyari sa crush mo?!" Si Ceib? Ano na nga ba nangyari sa min ni Ceib. Sa loob ng ilang bwan. Mas lalo kaming napalapit sa isa't isa. Medyo nagkakailangan kami sa personal. Pero okay lang. Hindi na kami strangers. Atleast nag level up diba? Anong sasabihin ko kay Mabb. Na okay kami?

"Sa crush ko? Ah--"

"Ayun, crush nya nanaman yung taong may iba namang crush."

Nilingon ko kung sino yung damuhong sumabat na yon.

At nakita ko ang magaling na si Alex nakatayo sa gilid nung table namin sa library "Epal."

"Gwapong epal" pag tatama nya sakin. Pshh makangiti naman to!!! Makalaglag panty. Huh?! Ano Alteah?

Inirapan ko lang sya. At nginitian nya lang ako. Yung totoo bat ang ganda ng mood nya? Uupo sana sya sa tabi ko "Bawal umupo. Humanap ka nga ng ibang uupuan."

"Oh? Asan pangalan mo sa upuan nato? Pakita resibo ng pagkabili mo dito?"

"Ihh basta. Umalis ka nga." Irita kong sabi sakanya.

"A.YO.KO" Shet di ba halatang iniiwasan na kita? Tangina uso makiramdam Alex.

"Sabi ng alis e!" Nalatingin naman mga tao sa library sakin. Napalakas yata boses ko. Nakakairita na kasi e.

Binelatan ako ni gago. Aba syempre di ako papatalo. Binelatan ko din.

"Epal."

"Type mo naman."

"Asa ka."

"Gwapo pa din."

"Ugggh! Papansin!"

"Magtigil nga kayong dalawa. Nabibingi ang gwapo kong tenga. Pag nabasag ang eardrums ko, masyadong gwapo para basagin. Kaya kulang ang kayamanan nyo para bayaran ang pinsala nito, kaya pwede tahimik?"

"Manahimik ka!" Sabay naming sabi kay Ralph na kasabay palang pumasok ni Alex sa library. Aba si gago hindi natinag.

"Alam nyo kayong dalawa, bagay talaga kayo e." Huh? Napakunot noo naman kami ni Alex. Pero deep in side kinikilig ako. Haha!

"Alam nyo na bang magkamukha kayo?" Napatingin kami ni Alex sa isa't isa. Natawa nalang kami. Why? Diba dapat nasusuka kami kunwari?

"Kita mo. Pareho kayo ng reaction. Pareho pa kayong nakauniform!" napatingin ako sa suot namin.

"Pareho kayong nakaID!" napatingin ako sakanya tapos napatingin din sya sakin.

"Pareho kayong may panyo! Destiny nga naman oh". Pati ba naman panyo? Anak ng?! Baka destiny nga? Mwehehe

"Alteah san ka nakatira" hirit ni Ralph.

"Sa lugar na wala sya."

"Tangina mo san nga" haha! Nainis si Kuya!

"Sa bahay namin!"

"Ikaw Alex, san ka nakatira?" Baling nya kay alex.

"Sa bahay namin!"

"Oh diba? Pareho kayo ng tinitiran! Destiny shet!"

"San ka nag elementary?" Ako ulit tinanong nya.

"Sa school namin"

"San ka nag elementary?" Si alex naman tinanong nya.

"Sa school din namin"

"Anak ng!!! Destiny ngaaaa!!"

"San ka nag highschool?" Sakin ulit.

"Sa National HS"

"San ka nag highschool?" Tapos tumingin sya kay Alex.

"Sa National din."

"Putcha. Destiny it is." Napasuntok pa sya sa hangin. Lol Ralph.

"San ka nag aaral ngayon?" Di ba sya napapagod magtanong?

"Malamang dito."

"San ka nag aaral ngayon?" Medyo naiinis na si Alex sa kakatanong ni Ralph.

"Gago edi dito!"

"Tangina nyo. Pakshet pakasal na kayo!"

Napahampas pa sya sa lamesa. Sabay walk out. Akala ko matatahimik na ang buhay namin. Pero nakakailang hakbang palang sya. Bumalik na sya. Parang may pinapakinggan.

"Teka teka. May naririnig ako. Sssh. Naririnig nyo ba yun?" Wala naman akong naririnig? Ano ba yun?

"Naririnig nyo ba yung..." Yung ano? "sinisigaw ng puso ni Alteah? Alex. Alex. Alex." Napatawa silang lahat. Pero napailing nalang ako. I can feel my cheeks are burning red.

"Bro" hinawakan nya sa balikat si Alex, "payo lang, minsan kasi tanggalin mo yung salamin mo, baka kasi di mo nakikita, nasa harap mo lang yung babaeng para sayo." By that he left us speechless.

But then Alex looked at me, then he smiled. Dug dug.

Believed in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon