Chapter 18: He's The Witness?

13 0 0
                                    

*Jake's POV

"Bro, bili ka nga ng pandesal" Hay Good Morning sayo Jake.

Grabe..Napakaunique ng greetings ng Kuya ko. Pagbukas ng mata ko yun agad narinig ko, naunahan pa nya alarm clock ko.

"Ikaw na, kita ng nakahilata pa ako e" sagot ko.

Uutusan nya nanaman ako. Bunso feels.

"Bro, nakabihis na ako oh, pagpapawisan ako e" sagot ni Kuya. Habang inaayos yung long sleeves nya. Sino ba namang di pagpapawisan sa suot nya. Jusko. San bang prom aattendan nito.

"Ang sabihin mo ayaw mong makita ka nung babae mo sa kanto na may dala kang pandesal!" biro ko sakanya..

"Hehe." Nahihiya nyang kamot sa ulo nya. Hay Kuya ko daming kaartehan sa katawan.

"Nako. Kuya magtino tino ka ha! Bat di mo ako gayahin?"

"Ikaw? Gayahin ko? Para ano magpakabaliw din sa chixx na maganda ang mata pero isang lalaki lang ang nakikita? Wag na bro." baling nya sakin. Pandesal ang usapan nauwi sakin. great.

"Tatahimik ka o hindi ako bibili ng pandesal mo?" pagbabanta ko sakanya. Mang uutos nalang kasi may kasama pang ganun. Boom na boom e sapul na sapul Kuya!

"Hehe eto 100 pesos bro. Ingat ka." Sabi nya sabay tapik sakin.

Pambihira. Magkaroon kaba naman ng conceited na kapatid na tamad. Ewan ko nalang.

So wala akong nagawa kundi bumangon sa maganda kong pagkakahiga. Hay sarap pa sanag humilata e!

"Ah Lil Bro daan ka nga pala kila Alex soli mo yung bolang hiniram ko." Bilin ni Kuya habang inaayos nya yung buhok nya.

"Sige Kuya may dapat din kaming pag usapan e." Madami kaming dapat pag usapan.

Walang hila hilamos. Walang suklay suklay. Pagharap ko sa salamin..

"Shet. Bat ang gwapo ko?" lagi ko yang naitatanong sa sarili ko. Pero ewan ko ba hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang sagot.

"Gwapo nga. Di naman napapansin ni Ms.Beautiful Eyes" Bulong ni Kuya. Akala nya ba hindi ko yun narinig? Tangna naman Kuya e sapul talaga e. Tagos.

"Tata--"

"Oops. Tahimik na po. Bili kana Lil Bro. Ingat!" Sabi nya saka ako tinulak papuntang pinto. Napakaamot nalang ako sa ulo ko habang naglalakad palayo. Nakakailang hakbang palang ako nang sumigaw si Kuya.

"Sana makita kana ni Ms.BeautifulEyes!!"

"Pakyu Kuya!"

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa na napakasupportive ng Kuya ko. sumobra ata sa pagkasupportive.

*Alteah's POV

Pag mulat ko ng mga mata ko. Napatingin ako sa paligid ko.

Isang kwarto. Kwartong alam kong hindi akin..

Agad kong kinuha yung cellphone kong nasa bedside table..

It's 6:20 in the morning.

3 new messages

8:30pm
From Mama
ano oras ka uwi bukas nak?

9:13pm
From Mabb
Hoy andito ako kila Christine, nagtetext Mama mo di ka daw nagrereply. Ano naba nangyari sayo.

2:01am
From Bianca
Thank you for everything Alteah, I owe you a lot. I hope you're fine. Love you.

I looked to my left, I saw him. Alex.

Pinangarap ko yung ganitong eksena e. Waking up one morning with him beside me.

Dapat masaya ako e.

Pero mas nangingibabaw yung guilt.

Napakalaki ng kasalanang nagawa ko kay Bianca.

Pinagkatiwalaan nya ako.

Nangako ako sakanya na lalayo ako. Ito ba ang sinasabi kong paglayo?

Ano ba ang parusa para sa isang taksil na kaibigan?

Sapat naba ang karma?

May kapatawaran ba para sa kasalanan naming ito ni Alex?

Naiinis ako sa sarili ko. Napakatanga ko.

Agad akong magbihis at umalis ng apartment nya.

Ni hindi ko sya magawang tingnan mula sa mahimbing nyang pagkakatulog.

Ni hindi ko kayang magpaalam sakanya. Wala akong mukhang maihaharap sakanila.

Paglabas ko ng apartment nya may nakabunggo ako.

Hindi na ako nag angat ng tingin para tingnan kung sino man yon.

Okay na din siguro yun para hindi nya makita ang mukha ko dahil kung sakali ano nalang ang iisipin niya?

Isang babae nanggaling sa apartment ng isang lalaki umagang umaga? Nakakahiya.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating ng maayos sa apartment ko.

Sa hindi ko mabilang na pagkakataong natatalisod ako. Pakiramdam ko may nagtatayo sakin?

Pero imposible. Sino namang gagawa nun? Siguro ilusyon ko lang yon.

Habang naglalakad din ako kanina pakiramdam ko may sumusunod sakin. Sinundan kaya ako ni Alex?

Ano ba yan pinaasa ko nanaman sarili ko. Bakit naman ako susundan nun?

Nakuha na nya lahat. Wala na syang kailangan sakin. At wala na syang makukuha sakin..

Isa pa ang himbing himbing ng tulog nya kaninang umalis ako diba? Kaya imposibleng sinundan nya ako.

Isa nanaman siguro sa mga ilusyon ko...

Ganito ba ang epekto ng sobrang tykahihiyan sa sarili?
Hay malala na ako. Baka mabaliw ako dito kung mag sstay ako sa apartment ko.

Agad akong nag empake at umalis ng apartment.

Pagdating ko sa bahay namin. Agad akong sinalubong ni Mama.

"Oh bat hindi ka nagtext para nasundo ka sana namin." Sabi ni Mama habang kinukuha yung dala ko.

"Okay lang Ma. Sige pahinga nako." sabi ko at dumiretsyo na sa hagdan. Gustong gusto ko nang pumasok sa kwarto ko.

"Bumaba kana maya maya. Kakain na."

"Kumain na po ako. Ma wag nyo akong kakatukin ha. Gusto ko magpahinga." sabi ko at naglakad na paakyat ng hagdan. Pero pinigil ako ni Mama.

"Teka, may masakit ba sayo? Bakit ganyan ang paglakad mo?" Nag aalala nyang tanong. Napaiwas ako ng tingin.

"Ah. N-nangalay lang po siguro sa bus. Akyat na po ako." Kaya mabilis akong umakyat.

Napakasakit ng buong katawan ko. Para akong binugbog na ewan. Hinang hina na ako. Kaya gusto ko nang magpahinga.

Pero bago ako makalayo kay Mama nagsalita ulit sya.

"Anak," Hindi na ako nagsalita o lumingon manlang, "dumudugo yung labi mo."

Believed in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon