Chapter 23: I Invaded His World?

11 0 0
                                    

I would love to see you guys na nagcocomment. Pretty please? Kahit random comments lang. Haha! Mwa. Keep reading. Vote. Comment. #BelievedInLove
-----

Habang papalapit kami sa pinto naiisip ko maswerte pa rin ako.. Hinahayaan nyang makita ko ang mundo nya.. Lalo ngayon hinahayaan nya akong pumasok sa kwarto nya.. This place is something private diba?

I don't know.. Somehow I feel so special..

"Bakit ang daming gamit?" Tanong ko nang mapansin yung isang maleta at isang travelling bag sa tabi ng cabinet nya..

May pupuntahan sya? Saan? Parang wala naman akong alam na field trip or what?

"Buksan mo.."

"Pwede?" Nagtataka kong tanong. Seryoso? Pwede kong galawin gamit nya?

"Why not." He shrugged and then flashed a smirk.

Nakakunot noo akong lumapit doon. Ang weird ni Alex. Kanina hinayaan nya akong pumasok sa kwarto nya, naupo pa ako sa kama nya, tapos ngayon pwede kong galawin gamit nya at nakakapagtaka bakit sya nakasmirk?

Pero mas nakakapagtaka parang pamilyar sakin yung travelling bag? Weird. Baka nakita ko kaya sa department store?

Out of curiosity binuksan ko yung travelling bag kasi nakalock yung maleta.

And I can't help my self to cursed and cursed again and again when I saw my things inside.

Kinalkal ko ng kinalkal baka kasi nagkakamali lang ako. Baka kamukha lang ng mga gamit ko.. Pero nang makita ko yung undies ko na hello kitty na may letter A, shit akin nga to!

Ibinagsak ko yung mga damit at lumingon kay Alex "Pinalayas nila ako?!"

"Pwede na din." Natatawa nyang sagot.

"Ih seryoso, bakit!?" Naiiyak kong tanong. Natawa naman sya sa reaksyon ko.

Mukha naba akong clown? Kanina pa sya natatawa e. Naiiyak na nga ako natatawa pa din sya.

"Sinabi ko na dito kana titira."

"Ano?!" Sigaw ko sakanya. Nababaliw naba sya?

Napatakip naman sya sa tenga nya, "Napansin mo bang kanina kapa sumisigaw?"

"Sorry.. Pero kasi.." Sagot ko sa mahinang boses at tumingin sakanya..

Narinig kong napahinga sya ng malalim sabay bagsak ng katawan nya sa kama.

"Nahihiya ako sa magulang mo." sabi mya habang nakatingin sa kisame.

Medyo nagulat ako. Hindi ko ineexpect that he feels that way.. Medyo natouched ako.. Pero mas nahihiya ako sa magulang nya..

"No no. Okay lang sakanila. Doon nalang ako." I assured him with a small smile. Sana naman pumayag na sya.

Sapat na saking tinanggap nya yung anak ko.. na okay kami.. hindi nya naman kailangang kunin ako..

"Please. Hayaan mo na akong gawin to. Atleast makabawi manlang ako sayo.." Sagot nya habang nakatingin pa rin ng diretsyo sa kisame. Habang ako nakatitig lang sakanya.

He is staring blankly on the ceiling.. Deep thoughts..

Parang hindi sya si Alex ngayon.. Ang senti.. Ang mature.. Hindi ako sanay.. Ang lagi kong nakikita yung Alex na mayabang, nakalaklak ng isang drum na confidence, easy go lucky, batang isip.. Hindi yung ganito..

Hindi ko alam kung bakit ganun yung tono ng boses nya.. Ako lang ba o talagang may guilt sa boses nya?

I feel so sorry if I made him feel that way pero hindi ko nagets yung sinabi nya, saan sya babawi?

Believed in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon