Chapter 13: Am I a Joke?

9 0 0
                                    

*Alteah's POV (March 17)

Hindi nanaman ako makatulog. Pangalawang gabi nato na di ako makakatulog. Ugh kailangan ko matulog mas lalo ako papangit. Ayokong pumasok sa school na mukhang zombie.

Alam ko namang sanay na silang makita akong mukhang zombie lagi, pero naman magiging extra zombie ako. Kumbaga magiging zombie level 102 na ako.

1:25 am sana wala namang multo dito diba huhu

Pinikit ko mata ko. Sinubukan kong matulog. Pero sa bawat pagsara ng mata ko, ang eksenang yon ang nakikita ko.

Kung paano sila tumingin sa isa't isa. Kung paano sila ngumiti sa isa't isa. Hay. Napakatanga ko.

Hindi ako matatahimik hangga't hindi nasasagot lahat ng tanong ko, kaya kinuha ko ang cellphone ko. Alam ko gising pa sya ngayon.

"Message: Hi! can we talk? "

Message sent.

Wish me luck and enough strength para kayanin ano man ang malalaman ko sa gabing ito.

*Mabb's POV (March 18)

Mula sa kinauupuan ko, nakikita ko kung paano suklayin ng isang lalaki ang mahabang buhok ng isang babae.

Kung paano nya ito paglaruan, tirintasin pagkatapos at guguluhin. Kung hindi mo sila kilala "sweet" yan ang masasabi mo.

Kung hindi ka aware sa nangyayari sa paligid nila. At sakanila masasabi mong napakalambing naman nila

Kung pagmamasdan mo sila, yung lalaki halatang nag eenjoy lang. Pero yung babae maluha luha. Halatang gustong matuwa nung babae. Pero parang may gumugulo sakanya. At nasasaktan sya.

Si Alex at Alteah.

Hindi naman ito ang unang beses na haplusin ni Alex ang buhok ni Alteah. Pero ito ang unang beses na ganito ang reaction ni Aey.

Biglang pumasok sa pintuan ang isa pang babae. Mabilis na kinuha ni Alteah yung buhok nya mula sa kamay ni Alex at dumukdok sa kanyang arm rest.

Si Bianca.

Pilit kinukuha ni Alex yong buhok ni Alteah. Pero tinatabig ni Alteah yung kamay ni Alex. Inilayo nito ang ang upuan nyang nasa harapan ng upuan ni Alex.

"Oy" ngayon naman ay kinakalabit sya ni Alex. Pero hindi nya ito pinapansin.

"Uy!!" Bakas ang inis sa mukha ni Alteah nang tabigin nya ang kamay ni Alex. Pero wrong move.

Nangingiting hinuli ni Alex ang kamay ni Alteah. Pilit itong binabawi ni Alteah. Pero masyadong mahigpit ang hawak ni Alex sa kamay nito.

Kinurot ni Alteah yung kamay ni Alex kaya naman napabitaw ito. Nakangiti pa din si gago. Manhid talaga ang isang ito.

"Pstt" Kinalabit nya nanaman si Alteah. Tinabig ito ni Alteah. Pero ikinulong nanaman ni Alex ang kamay ni Alteah sa mga kamay nya.

Napalingon si Alteah sa isang grupo ng mga babae na nag aasaran ngunit nakatingin sakanila ni Alex.

"Bitaw." Mahinahong sabi ni Alteah kay Alex.

"Ayoko." Si Alex talaga ang tipo ng manhid na gago. Nakangiti pa sya ng nakakaloko.

"Bitaw."

"Woooh kinikilig ka nam--"

"TANGINA ANG KIRE MO AH!"

Lahat kami napatingin sa lakas ng sigaw nayon ni Alteah. Bakas ang nalalapit nyang pag iyak sa halos pumiyok nyang boses.

Ni hindi sya nag abalang tingnan ang mga taong nakatingin sakanya. Agad syang lumabas ng room.

Believed in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon