Chapter 21: The Declaration?

11 0 2
                                    

Dedicated to my friend na medyo kasing level ng mga lines ni Alex sa chapter na to! Klark kaway kaway haha. Keep reading guys. Vote. Comment. Mwa mwa.
-----
Alex's POV

Naglalakad ako papasok sa tea shop. Feeling ko model ako na rumarampa. Nasan na ba ang camera? Hinawi ko ang buhok ko at kumurap. Napapatingin nanaman ang mga kababaihan. Kagwapuhan ko nalang ata ang may forever.

"Pare!" Bati ni Jake na pareho kong gwapo.

"Oy!" Sagot ni Alex na mas gwapo. Ay ahm ahm. Ako pala yun. Tinanguan ko lang yung ibang tao dun.

"Kamusta?" Tanong naman ni Ralph na, ahm. Shit Ralph nahihirapan akong idescribe ang kagwapuhan mo pare pasensya..

"Ganun pa din pare." Pasimple kong itinagid ang ulo ko, hinaplos ang makinis kong mukha. Saka tumingin sakanila in my most charming way bago nagsalita, "Gwapo since birth."

"Aga aga naglolokohonan tayo e. Nasan si Alteah pare?" Worried na tanong ni Jake. Anong meron sa unggoy na to na bakit parang gustong gusto makita si Teah?

Baka may affair sila?! Aba bakit hindi ko yun alam?! At bakit ko naman kailangan malaman? Pero bakit nya hinahanap?! Baka may kailangan? E paano kung may affair nga? E ano pa bang paki ko dun?

"Bakit sakin mo hahanapin yon? Saka akala ko nauna na sya dito. Wala paba?"

Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Konti palang ang mga babaeng nandito. Magkikita kita kami para mag ayos ng requirements. Panibagong sem nanaman.

Hindi ko nakasabay sa bus si Teah, kaya akala ko nauna na sya dahil late na din ako sa oras na napag usapan. Pero nakakapagtaka wala pa sya.

"Si pare naman, tanga nanaman. Hahanapin ba kung nakita na?" Sabat nanaman ni Ralph.

"Haha tangna mo pare."

Kahit kelan talaga hari ng pang aasar. Naalala ko nung inaasar nya kami ni Teah.. Wala naalala ko lang. Bakit ko nga ba naalala. Haha tangna mo Alex.

"De seryoso pre labas mo na dyan sa bulsa mo si Alteah." Hirit ni Jake sabay kapkap sa bulsa aba parang gago to.

Mukha bang maitatago ko dito yung napakalaking sakit na ulo babae na yon?

"Pare naman para kasing nanggagago, wala nga. Ni hindi nga nagpapakita sakin yon!"

Medyo padabog akong naupo sa upuan ko. Ewan ko ba bakit ako naiinis, pero di ba naman, hindi naman nakakamatay kung nagpakita sya sakin kahit minsan lang sa buong summer vacation? Pero bakit kasi nga naman sya magpapakita sakin?

"Talagang sayo pa magpapakita? Bakit hindi ikaw ang magpakita?" Nakakunot noong tanong ni Ralph sabay inom sa milk tea nya. Mamilk tea ka sana.

Bakit nga ba hindi ko sya pinuntahan? Huh. Bakit ko naman sya pupuntahan. Swerte nya naman diba?

"Ganun paggwapo pre. Chix!"

Napahampas si Ralph sa hawak nyang magazine, "Gunggong!"

"Pero pare seryoso, bakit di kayo nagkikita? E magkalapit lang bahay nyo ah? Iisang hangin nilalanghap nyo!" Usisa ni Jake. Nawweirduhan ako sa lalaking to. Nahawa ng kaweirduhan kay Teah!

Baka naman busy lang sya. Saka dapat ba kaming magkita? Oo naman Alex! After all what happened.. That..

Nagalit kaya sya sakin.. Ni ha ni ho wala.. Nagising ako nung araw na yun wala na sya..

Edi manong nagtext manlang? Oo nga ni minsan di manlang nagtext! Bakit ba kasi kailangan nya akong itext?

Hay nakakainis ang hirap pala makipagtalo sa sarili mo!

Believed in loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon