CHAPTER 8:

7.4K 302 3
                                    

PRINCESS KATALINA POV:

Kasalukuyan kaming nakasakay sa karwahe dahil ito ang mag hahatid sa amin sa sentro kung saan kami papunta, Hanggang ngayon ay gulat parin ako habang inaalala ang nangyari kanina.

Flashback

Nandito kami sa sala ng Diamond Palace dahil sinundo namin sila Prince Zeus Dahil balak naming maggala o tumambay sa sentro.

Nagpapalabas lang ako ng mahika sa aking kamay habang ang kalapit ko namang si polaris ay nagbabasa na naman sa spell book nya.

Dumapo ang paningin ko kay zerenity na pababa ng hagdan habang nakasunod naman dito ang personal maid nitong si manang esmeralda.

"Sige na kase mahal na prinsesa bilhin na natin yon." Napatingin kami Kay manang esmeralda ng magsalita ito.

Handa ko na sana itong sigawan dahil knowing her Alam ko namang lalandiin nya na naman ang nakatatanda kong kapatid na si kuya Killian, Ngunit Napasinghap ako ng mag dere-deretso lang ito sa paglalakad na wala manlang sinulyapan sa amin.

"Mahal na prinsesa sige na kase kunin na natin ang kawawang creature na yon ako ang mag aalaga sa knya pramis." Dagdag pa nito habang humahabol sa naglalakad na si zerenity, Tumigil naman sya sa paglalakad at humarap kay manang esmeralda lalo naman itong nag pacute.

"I said no." Napalunok ako at bahagyang napasandal sa kinauupuan ko ng marinig ulit ang nakakikilabot na boses ni zerenity katulad ng una naming itong makita sa kwarto nya ay blangko lang ang mukha nito at malamig ang mata.

"Ihh sige napo kase ang cute cute kaya non." Pangungulit pa nito, Nakita kopa ang pagkunot ng noo ni Zeric marahil ay nagtataka din katulad namin.

"Fine! But promise me aalagaan mo ang maingay na yon Wag mong hahayaang dumikit sa akin." Dinig ang iritado sa boses nito bagama't malamig.

Dali-dali namang bumalik paakyat si manang esmeralda kita ang excitement sa mukha nito.

Nakatingin lang kami kay zerenity, Tumaas ang kilay nito ng mapansing nakatitig kami sa kanya. Hindi sya nagsasalita ramdam ko ang bahagyang panginginig ni erika na nasa tabi kodin nakakatakot at nakaka tense naman kase ang presensya nito, Nanlaki ang mata ko ng lagpasan na kami nito at nagdere-deretso palabas ng palasyo.

the hell!

Nakagugulat talaga ang pangyayaring yon dahil dati pag nakikita nya kaming nasa palasyo ay didikit at lalandiin nya si kuya killian, Knowing her wala syang ibang ginawa kundi ang magpapansin sa pamilya nya at kay kuya killian.

Napabaling ang tingin ko kay Alicia ng magsalita ito. "Attension seeker talaga ang babaeng yon Siguro nag papanggap na naman yon katulad ng ginagawa nya palagi." Napairap ako ng marinig ang napakaarteng tinig nya nakakairita talaga at matinis yon.

Ayoko rin sa kanya dati pa dahil ny nararamdaman akong may iba sa kanya ngunit diko malaman yon.

"Nakita nyo na ang pagtitig nya kay prince killian nung pumasok tayo sa kwarto nya siguro ay may binabalak na naman sya." Dagdag pa nito habang nakatingin na mga kuko nito at umiirap pa sa kawalan, Naalala ko ang araw nayon nakatitig lang sya kay kuya at hindi lumalapit siguro nga ay may binabalak na naman ang babaeng yon.

"Duh bitch mas mukha kapa ngang may balak kesa kay zerenity eh." Rinig ang pang iinsulto kay Samantha na syang nagsalita umirap pa ito kay Alisia na masama na ang tingin sa kanya.

Tinaasan ng kilay ni sam si alicia dahil sa tingin nayon. "Anong tingin yan! nakakalimutan mo yatang prinsesa ang kaharap mo." Pang uuyam pang dagdag nito, Mainit na talaga ang dugo ni samantha kay alisia kahit noong una palang Nandaya kase ito sa paligsahan para lang makapasok sa royalties knowing samantha ayaw nya sa mga taong ganon.

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa na nang galing kay Kalixta na nakatingin lang sa paligid.

Umirap lang si alicia bago masamang tumingin sa kawalan, Hindi nya kase pwedeng sagot-sagutin ang katulad naming nasa rolyal family dahil alam nyang maparurusahan sya, Kaya si zerenity nalang ang pinagbabalingan nya ng inis dahil hindi naman sya maparurusahan dahil sa mahina nga ang babaeng yon, Pinapaburan pati sya ng Hari at Reyna ng diamond palace isama mopa ang ibang prinsipe Dahil don ay lumaki ang ulo nito.



Another Life Of Ashanta (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon